PLAY GIRL- PLAYED GIRL💔
Keithan! Keith!Sigaw ni PJ. Yung ex boyfriend ko.
Sus. Di pa to nakontento sa 3 days naming mag-on. Haay.
Bahala ka nga dyan! May pupuntahan pa ako! Bye!!! Sabi ko nang palabas na ako ng unit niya habang naka alalay sa long gown ko. Nagelevator at pumara ng taxi.
Well, kung nagtataka kayo, kung bakit napakatagal na sakin ng 3 days? Well, naging ganyan lang naman ako nung iniwan ako ng peste kong first love.
Si Deeyan.
Haay. 4 yeara na pala. 4 effing years.💔
Siya ang perfect na lalaki para sa akin. Loving, caring, mabait, masipag, matalino, mayaman, mabango, hahaha. Lahat. Nasa kanya na.
I was an innocent sweet girl back then.
Pero noon yon.
At ngayon isa na akong profesional heart breaker bitch.
Huh!
At dahil yon sakanya.
~~~~
I was an innocent freshmen way back college. Wala akong kilala.
Hanggang sa may nakipagkaibigan saakin na lalaki sa Math17 class ko.
And he was Deeyan Ford.
He became my bestfriend pagkatapos ko sabihin sa kanyang wala akong kaibigan sa university na pinapasukan ko noon.
Sumasama narin ako sa group niya. Yung band group ata nila sa school yon. Yung P5 ata yon?
Basta yon.
Hanggang sa super naging close na talaga kami.
Hatid-sundo sa papunta at pauwi ng school, sabay sa lunch at recess, inaabangan niya ako sa pag labas ng room,sabay kami magaaral pag hell week okaya may quiz, ako ang pinunong nagch-cheer sa kanya sa basketball kahit di naman ako cheerleader noon. Haha. Tapos, minsan, trip lang namin magtitigan ng matagal. Okaya ay mag h-hug ng matagal. Mga ganon ba. Kaya nga inaasar nila kami noon dati ng hilaw na magsyota. Yung parang kayo pero hindi. Ganon.
Hanggang sa nahulog na ako sa kanya.
Kasi lagi niya akong napapasaya, napapatawa,at napapangiti.
Haay. Ansarap pala balikan. Nakakamiss.
So ayun na nga, itutuloy ko nalag yung pagk-kwento ko.
So ayun nga.
Nahulog na ako sa kanya.
At after a month ata, umamin siya sakin.
Na simula daw nung naging mas super close daw kami, ay dun na magsimula yung pagmahal niya sakin.
Edi akong si hangal at tanga na sumunod at naniwala sa kanya, sinabi na siya rin daw may gusto narin dito sa mokong na to.
Eto naging ligawan na. Ganito ganayan. May mga HH na. Minsan nga HHWW pa. Okaya yung mas malala. HHWWPSSP. HoldingHands While Walking Pa Sway Sway Pa. oh diba?
We were so fun and enjoying our status back then.
Hanggang nung recognition namin nung 1st year college, naging kami na. Sinagot ko na siya by holding his hands and kissing his forehead always.
And hanggang dun sa 2nd anniv namin, dun na siya nagsimulang manlamig. Manlamig to death. Literal.
Yung tipong lalapit ka sa kanya, tapos mag iiba siya ng way. Okaya di ka niya kakausapin o papansinin pag kinakausap mo siya. O yung mas madalas, iba na yung kasama niyang babae habang ginagawa niya yung mga bagay na ginagawa namin nung hilaw na magsyota kami. Ansakit lang. Ano to? G-guhan? Langya. Ako yung girlfriend niya.
Hanggang sa dumating yung isang araw na nabalitaan ko na may kahalikan daw siyang babae.
Pero ako, di ako naniwala. Ako kasi yung taong di naniniwala ng walang ibedensiya.
Kaya kinausap ko siya noon.
Nasa rooftop kami ng school nang kinausap ko siya.
Babe, m-may nabalitaan ako--
Ano? Yung halikan? H-hindi totoo yun. Tuloy tuloy niyang sabi.
Alam ko. Wag ka mag-alala. Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya. Di naman ako naniniwala eh. May trust ako sayo. Babe.
Salamat. Sabi niya ng hindi tumitingin sa mata ko. At tinanggal ang hawak ko sa pisngi niya.
B-bakit? May p-problema ba Babe?
Umiling siya. Antagal na kasi eh. Nainep na ako. Sorry nagsinungaling ako. Nagtaka na ang mukha ko. Totoo yung chismis. Sorry. Nanlamig ako. Kasi ikaw eh. Lagi ka nalang dun sa mga kaklase mong lalaki. Pano naman ako?!
Best friend ko sila--
Eh ako?! Diba bestfriend mo rin ako?! Tayo ang unang naging magkaibigan! Nagseselos ako! Pero alam kong wala akong karapatan kasi walang tayo! Kase di mo pa ako sinasagot. Araw araw. Araw araw akong ganyan! Araw araw akong nasasaktan. Kaya pinili kong iba nalang yung mahalin! Para di na ako masaktan ng ganto! Ano? Ano daw? Walang karapatan?! Pero kami na ah?!
Anong pinagsasabi mo? Tayo na diba? Nag e-HH. HHWW. HHWWPSSP. Lahat! Di pa ba tayo? Nag second anniv na nfa tayo diba--
Ano?! Ikaw ang anong pinagsasabi mo? Hindi pa tayo Keith! Hindi mo pa ako sinasagot. Saka anong anniv?? Oo nagsecond anniv na nga tayo! Second anniv ng panliligaw ko sayo! Ano ba yung sagot mo? Yung pahawak lang ng kamay? Keith ayusin mo naman! Ikaw lang ang nakakaintindi. Pero ngayong nalinawan na ako, sorry pero, ayaw ko na. Sobra akong nasaktan. Seloso na kung seloso. Saka impatient na kung impatient. Sorry. Ganun ako eh. Ititigil ko na yung panliligaw ko sayo. Sorry. Sorry talaga. Kami na kasi ni Julie. Sorry. And then he walked out.
Umiiyak na pala ako. Ng sobra.
Ano bang problema non?
Letse.
Dalawang taon.Dalawang taon lang. Dalawang taon lang ang nagtatagal tapos para nang forever yung dumaan.
~~~~
Uhm, Maam, andito na po tayo. Sabi ni manong driver.
Di ko namalayang nasa simbahan na pala ako.
Ah. Sorry po. Umiiyak na pala ako.
Pinunasan ko ang luha ko at kumuha sa backpack ko ng pambayad.
Ngayon, narealize ko na,
I am a PLAYGIRL, because I am a PLAYED GIRL.💔
BINABASA MO ANG
KathNiel One Shots
Fanfiction"Different Heartbreaking and kilig scenes, through throwbacks"