Chapter -5

10 0 0
                                    





Gabi na ng makarating kami dito sa probinsya nila monique dito sa Digos City Davao del Sur napatingin ako sa relo ko at past midnight na pala




Sabi niya di daw alam ng pamilya niya na uuwi siya kaya walang sumundo sa amin kanina sa airport . Kasalukuyan kaming sumasakay ng tinatawag nila na pedicap namangha talaga ako dahil ngayon lang ako nakasakay nito jeep kasi yung sinasakyan namin ni raven noon .




"Ah ma'am pasensya na po talaga ha ,medyo maalog yung sasakyan mabato ho kasi dito " biglang sabi ni monique kaya napalingon ako sa kanya



"Drop the ma'am monique cassandra nalang ,ayokong tawagin mo ako ng ma'am pag nandito tayo ,at ok lang namangha nga ako eh ngayon pa kasi ako nakasakay ng ganitong sasakyan " manghang saad ko sa kanya ,kita ko namang napangiti siya



"Marami ka pang mga bagay na maapreciate dito cassandra , kaso gabi na ngayon kaya di mo makikita ang kagandahan ng paligid kaya bukas na bukas ay mamamasyal tayo!" Napangiti nalang ako sa tinuran niya




After 10 minutes sa pagsakay namin dun sa pedicab ay dumating narin kami sa bahay nila ,di gaanong kalakihan ang bahay nila ang kalahati nito ay gawa sa semento samantalang ang kalahati naman ay gawa sa kahoy ,maganda siya kahit na gabi pero mas maganda siguro kung sa umaga dahil makikita ko ito ng maayos





"Tara na cassandra ,katukin ko muna sila nanay" sabi niya sa akin saka pumwesto sa tapat ng pintuan at sinimulang katukun yun. Maya maya pa ay nakarinig kami ng pagbukas ng pinto




"Monique? Umuwi ka pala ba't di ka nag pasabi ng masundo ka namin". Ani boses ng lalaki baka tatay niya [di na ako gumamit ng bisaya na dialect para dire diretso na yung story ,,]






" Eh kuya surprise kasi ,tulog na ba sila inay ? May kasama ako kaya kung pwede papasukin mo muna kami ". Sarkastikong sabi ni monique sa kuya niya ..di ko alam na may kuya pala siya




" Boyfriend mo ba yan ? Naku sinasabi ko sayo makakatikim yan sakin" sabi ng kuya niya kaya natawa nalang ako ,ganyan din kasi ka posessive sila dad at kuya noon ,napabuntung hininga nalang ako ng maalala ko na naman sila.





"Hindi no ! Tabi ka nga muna kuya baka naubos na ng mga lamok ang dugo nitong kasama ko ,di to pweding madapuan ng lamok kasi baka masira ang kutis! Cassandra halika pasok na tayo " napailing nalang ako sa kakulitan mi monique ,lumapit nalang ako at nakita ko ang kuya niya na mataman na nakatingin sa akin ,honestly ang gwapo niya medyo may pagka moreno siya at napakatangos ng ilong at ang pula ng labi niya ,nginitian ko nalang siya




"Ahh kuya si Cassandra pala boss ko ,mag babakasyon muna siya dito for 3 months " . pakilala ni monique sa akin sa kuya niya ,tiningnan ko ang kuya niya at nagpakilala ako ng pormal





"Uhm hi ,magandang gabi I'm Cassandra... Cassandra Allysson Smith " . bati ko sa kanya at ngumiti siya pabalik sa akin ,shit! Mas pumogi pa siya lalo sa ngiting yun





"Ahh hi din Angelo pala ...Brian Angelo Soriano ,step brother ni Monique" tinanggap ko naman ang kamay niyang nakalahad para sa pagpapakilala niya at parang kinuryente ang kamay ko dahil sa pagkakadaop ng aming palad, nakatingin parin siya sa akin




"Ehem ... Ah Kuya paki tulungan naman kami nitong maleta namin oh ,sa kwarto mo nalang muna ako matutulog dahil si Cassandra ang papatulugin ko sa kwarto ko pagod din kasi kami sa biyahe kaya bukas ko nalang ipapakilala ng maayos sa iyo si Cassandra " singit sa amin ni monique kaya napabitaw ako ,







"Ok masu surpresa talaga sila nanay at tatay bukas dahil sa biglaan mong pag uwi " sagot naman ng kuya niya






"Kaya nga kuya at matagal din kaming magbabakasyon dito kaya mas lalong matutuwa ang mga yun". Makikita mo talaga ang saya sa mukha ni monique
napaiwas nalang ako ng tingin sa kanila dahil na alala ko na naman ang pamilya ko




"monique we can share a room naman ,hindi naman ako malikot matulog " sabi ko kay monique ,nakakahiya naman na umalis siya sa sarili niyang kwarto no para lang sa akin







"No it's ok cassandra ,isa pa pang isahan lang yung kama ko kaya hindi tayo magkakasya dun ... Kay kuya double deck kasi yung higaan sa kwarto niya kaya dun na ako makiki share sa kanya" sabi niya kaya napatango nalang ako . Binuhat na ng kuya ni monique ang maleta naming dalawa ,unang madadaanan ang kwarto ng kuya niya






"Hindi ka ba nagugutom cassandra ? " tanong ni monique ,umiling lang ako bilang sagot ,inaantok narin kasi ako napagod din ako sa biyahe sumakay pa kasi kami ng bus mula airport hanggang dito sa Digos City mahigit isang oras din ang biyahe ..






"Ok ahm si kuya na maghahatid sa iyo sa magiging kwarto mo cassandra ,pasensya na talaga peru inaantok na kasi ako ,pero promise bukas na bukas ay ipapasyal kita" paliwanag niya kaya tumango nalang ako bilang tugon ,nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa kuya niya .


"Feel at home Sandra" sabi niya kaya natigilan ako sa tinawag niya sa akin . My family used to call me by that name pati narin si Raven kung maglalambing yun ay kung hindi Hon ay sandra ang tinatawag niya sa akin ..

"Ahm ok thank you but please don't call me sandra ,call me whatever names you want but not sandra ,thank you ulit and goodniht" nagmamadali kong isinara ang pinto ,at napaupo ako habang sapo ang mukha ko ng aking palad ,di ko na naman napigilan ang aking luha sa paglandas . Bakit ba kung kelan ko gustong makalimutan sila ay may mga bagay parin na nagpapa alala sa kanila ,pagod na akong umiyak dahil sa loob ng apat na taon ay wala akong ibang ginawa kundi ang mag mukmok sa isang sulok at iiyak hanggang sa makatulog .

Sa ganoong paraan ko binuhay ang sarili ko ,sa loob ng apat na taong wala sila sa tabi ko ay nakasanayan ko ng sa larawan ko nalang sila masisilayan . Masakit isiping buhay nga ako peru ano pang silbi ng buhay ko kung ang mga taong nagbibigay ng kulay ng buhay ko noon ay bigla nalang mawawala sa isang iglap.

Tumayo ako at di na ako nag abalang magpalit pa ng damit at humiga nalang ako sa kama ,at pinagdasal na sana sa tatlong buwan kong pamamalagi dito ay makalimutan ko kahit konti ang sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko ..



















******++++++
Tnx for reading ^_^


RedFierCe149√

The Curse Of The Word LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon