Mae POV
Grabe umiinit na dito sa school. Sabi nila lalamig daw dito kasi puro multo.
Tsaka isa pa, nagiging siksikan na dito. Nag-iingay na ang lahat sa sobrang init. Nabibingi na ako. Buti nalang dumating na si Ms. Dahlia. Hay sa wakas, di na maingay."Class, bat ang ingay-ingay niyo, ha?!"
Lagot kayo kay Ms. Dahlia, nahahigh blood na siya. Binato niya yung isa naming kaklase ng ballpen. Yun! Sakto yung dulo sa noo kaya ayun, may tinta na yung noo niya. Wala ka na magagawa kapag nagalit sayo si Ms. Dahlia. Para ngang may sumanib sa kanyang demonyo eh.
"Ma'am, ang init naman dito. Palagay na tayo ng aircon!" Nanlaki yung mata ni Ms. Dahlia. Eto naman kasi si June, sinabi pa yun eh.
"Mae, mamaya punta tayo sa library ha" bulong sa akin ni Marge.
MARGE - Margot Germione Silva. Siya yung kaibigan ko na makulit. Kukulitin ka niya ng kukulitin hanggat di ka sumasang - ayon. Mabait siya at matalino. Marunong siyang maggitara. Marami siyang talents pero di ko na babanggitin yun. Protective din siya sa amin ni Margaux.
Margaux - Margaux Andrea Lim. Siya yung kaibigan na magpapacute pa sayo kapag pipilitin ka. Aaminin ko, medyo pabebe nga toh eh. Pero mabait din siya. Pero pag ito nagalit, parang tigre. Kapag inasar mo siya maiinis agad siya. Pero pag kami ni Marge, pag inaasar namin siya, tatawa lang siya ng tatawa. Matalino rin siya katulad namin
* END OF INTRODUCTION *
"Oo nga ha pupunta tayo sa library"
Sabat naman ni Margaux. Ano kayang gagawin namin don. Magbabasa nanaman ng libro? Medyo bored na ako magbasa ng libro eh."Ano naman gagawin natin don" tumingin su Margaux kay Marge. "Oo nga anong gagawin natin don?" Tanong ni Margaux. Bigla naman kumunot yung ulo ni Marge. "Akala ko pa naman alam mo na. Nakakadisappoint ka naman." Bigla na sila nagsabatan. Hay mga warfreak nga pala tong mga to.
"Kayong tatlo diyan! Anong ginagawa niyo? Kalokohan?" Ay oo nga pala. Anjan pa pala si Ms. Dahlia. Nagulat na nga lang kami na nakatayo na lahat sila tapos kami hindi pa.
"May kalokohan kayo noh?! Pumunta kayo sa library!" Uy sakto ha. Pupunta kami ng library. "Yes!" Sabi ni Marge ng mahina. Narinig naman yun ni Ms. Dahlia. "Ano Marge gusto mo maiwan dito sa room?! Yes - yes ka pa jan ha!"
"So-sorry po ma'am hindi na po mauulit." Lungkot na lungkot na si Marge. Haha nakakaawa yung mukha niya haha. "Sige na baka magbago isip ko niyan." Pumunta na agad kami sa library. Angsaya-saya ni Marge. Curious naman kami ni Margaux. Ano kaya meron sa babaeng to?
"Tara pasok na tayo!!!" Ang ingay niya. Baka sa sobrang ingay niya narinig na agad siya sa loob. Pumasok na kami at naghanap na agad kami ng upuan. "Eto na....." grabe yung boses niya ah, parang may sasabihin na sobrang importante ah.
"Kasi ganito yan..... diba alam niyo naman yung mga kumakalat na issues dito sa school? Kailangan natin malaman kung kanino at ano ang pinagmulan nito. Kaya gagawa tayo ng grupo. Ok ba yun?"
Ano daw? Grupo? Lulutas? Wow anggulo ah. Ay naintindihan ko na. "Ano naman yung pangalan ng grupo natin?" Tanong ni Margaux kay Marge
"Yun lang. Di ko pa alam. Tsaka wag niyong ipagkakalat ha!" Bat naman di namin ipagkakalat? Hala siya. "Eh kung The Three M's?" Nanlaki yung mata ni Marge.
"KORNI!!!!!" Sigaw ni Marge. "Shhhhhhhh. The 3 of you, 1st warning!" Ayan napagalitan tuloy kami. "So payag na ba kayo?" Oo na sige na iiyak na eh.
"Oo na nga! Payag na ako!"
"Ako rin oo" Sabi namin ni Margaux.
"Kelan naman tayo magsisimula?" Sabi ni Margaux. Oo nga kelan nga.
"Basta! Iinform ko nalang kayo."
Biglang bumukas na yung pinto. Tapos na ba? Yung detention? Sana oo. Please sana. "The three of you go back to your room!" Aba tama ako. Teka, iba na yung mukha ni Ms. Dahlia, okay na. Ano kayang pinakain nung mga kaklase namin. Sumunod nalang kami sa kaniya. Teka, di to yung papuntang classroom ha. San to sa.......... OFFICE!!! Hala kinakabahan na ako. Ano kayang gagawin namin dito sa office?
"Papasok muna tayo dito sa office ha?" Aba nakangiti pa si ma'am. Ano kaya meron. Huhu kinakabahan na talaga ako. Nandito kaya mga magulang namin? OMG mama!!
Pagpasok namin sa office, nakangiti yung principal. Hala anong meron?
"The three of you, please sit down. I have to tell you something."
Umupo naman kami. Ano kaya meron?
"I heard from miss Silva na magkakaroon kayo ng isang group. And that is ghostfinding or something like that. Matagal na kami naghahanap ng katulad niyo at buti naman nagvolunteer kayo. Buti sinabi sa akin ni Marge."
Sinamaan namin siya ng tingin. Hindi pala sasabihin ah.
"But don't worry hindi ko ipagkakalat. Trust me!" Owsss. Sure ka jan ma'am ah. Pero...... "Wala pong name ang group namin. Wala rin po kaming idea kung ano yung group namin. Paano po yan?" Napaisip yung principal namin.
"You could be the M trios! In short M3S!" Tuwang tuwa si ma'am ah. Buti nga wala nang mga kontra-kontrata eh noh? Aishhhh BORING
"MA'AM!! Angcute naman ng naisip niyo. Pero mas okay yung 'MISTERY GIRLS' or MG. Mas maganda di ba girls." Yah yah yah maganda nga yun.
"Okay sige I agree. Maganda nga yun. Infprm niyo ako kung magsisimula na kayo ha!" Okay po sige na po babalik na kami sa room. Bumalik na kami sa room. Teka, bakit walang tao?! Nasan na sila? Hala, kinain kaya sila ng multo.
"Maghiwa-hiwalay tayo baka may makita tayong clue." Naghiwa-hiwalay kami. Si Matge nasa laboratory. Si Margaux nasa Library. At ako, chechekin ko bawat room. Nakakatakot naman. Biglang may dumaan sa likod ko. Nakakatakot. Tapos parang may naiyak sa may mga locker.
"Miss, okay ka lang ba?" Sabi ko sakanya. Grabe angputi niya talaga. Si The Grudge ba to. "Ahhhhhhhhhh!" Teka, si Marge yun ah. Napalingon ako sa likod tapos bumalik ako dun sa miss pero wala na siya. Oooohhhh creepy. Pero di na ako natatakot kasi nahalata ko si Ms. Dahlia na nakatago. Prank prank pa kayo jan ha. Di niyo ko maloloko.
May nakita akong puting kumot tapos binalot ko sa sarili ko. Pinuntahan ko sila. "Awuuuuuuu!" Biglang nagulat si Ms. Dahlia tsaka yung babae kanina.
Takot na takot sila. Haha ano kayo ngayon. Sige, pupuntahan ko na si Marge. Pumunta ako sa library. Bigla akong nadismaya.Psshhhhhh bae (gwapong lalaki) lang pala nakita niya at hindi multo. Akala ko naman kung ano. Sus ipaprank rin siguro nila si Marge. Haha, kita ko sila oh, nasa may tabi ng librarian. Aba nakisali naman yung librarian
"HOY MARGE!!" Lumingon siya sa akin tapos nakita niya rin yung mga iba. Sinamaan niya ng tingin yun. Ano kayo ha? Di niyo kami maloloko. Lumabas na rin yung lahat. Ba, pati mga teacher nakisali ah. Ano Halloween. Bumalik na sila sa kani-kanilang mga room. Kami rin pumunta na ng room.
Nakasalubong namin si Margaux. Hingal na hingal siya. "Anong nangyari sayo Margaux?" Nag-aalalang sinabi ni Marge.
"May nakita na ako meron na!"
TO BE CONTINUED......
BINABASA MO ANG
Mystery
Mystery / ThrillerPROLOUGUE Hi ako nga pala si Mae Cristine A. Avanza. Nag - aaral ako sa isang university. Sabi nila marami daw nangyari sa university namin. Katulad nalang ng may nawala, narape, nakidnap, nanakawan, at iba pa. Nagmistulang creepy university ang sch...