Ano bang meron dito? Nakakainis naman oh. Walang teacher nakatulala lang ako walang ginagawa ano bang gagawin ko? Pero last subject na toh tas uwian na.
"HOY!"
"AY PURIGIT!" Tawa ng tawa si Margaux. Bakit ano bang meron sa babaitang toh at nagkaroon ng ganang manggulat.
"Purigit! Hahahaha ANO YON?!" Tawa parin ng tawa si Margaux. Edi wow Margaux WOW! "Ano bang nakain mo?"
"Tinatanggal ko lang yung sakit ng katawan ko" antagal na nun ah? "3 days before palang yun eh..." ay 3 days lang pala.
"Ayoko na umalis na tayo dito..."
"Sino ka?! Anong gagawin mo sa akin?!"
"Tama na ayoko na!"
"AYOKO NA SABI EH!"
Nagulat lahat nung pagkasigaw ko. As in lahat sila tumingin talaga sa akin.
"Mae okay ka lang ba? Dalhin na kaya kita sa clinic?" Nahihilo na ako buti pa nga pumunta na ako sa clinic. "Sige tara na nahihilo na din kase ako eh."
Inakbay ko sa kanya yung kamay ko tapos pumunta na kami ng clinic. Nakatingin pa rin sa amin yung mga kaklase namin. Habang naglalakad kami nakasalubong namin si Marge galing sya ng cr. Nanlaki yung mata nya tapos tumakbo papunta sa amin.
"Anyare sayo Mae?" Mukhang alalang alala sya. "Tumama nanaman yung trauma nya tas nahilo sya. Yun yung nangyare"
"Sige na Margaux, ako na bahala sa kanya, masakit din katawan mo diba? Sumunod ka nalang sa clinic." Si Marge, pinasan na ako. Pumunta na kami ng clinic. Dun muna ako pinagpahinga.
_______________
"Is she the girl who talked to my boyfriend?"
Luh may Amerikana ata...
Dumilat na ako...
"Hoy ikaw babaita ka! Angkapal ng mukha mo para awayin si Jacob!" Sinabunutan nya ako tas nagsalita na ulit siya. "Sa susunod n malaman ko na kinakalaban mo ulit yung boyfriend ko, malilintikan ka sa akin!" Binitawan niya na ako kase pinigilan siya ng doktor.
Tumayo ako. Tinaasan niya ako ng kilay pagkatapos sinampal ko siya. "Mas makapal yang mukha mo. Tignan mo, nung sinampal kita namula kamay ko. Isa pa, hindi ko inaway ang boyfriend mo. Siya ang umaway sa akin. At dahil namemerwisyo ka na dito, PWEDE KA NANG UMALIS DAHIL MAGPAPAHINGA PA AKO!" Sasampalin niya dapat ako pero pinigilan ko siya tas sinampal ko ulit siya.
"Umalis ka na dito kung ayaw mong ipaoffice kita." Umalis na siya. "Sige umalis ka na huwag ka nang bumalik ulit! Magsama kayo ng boyfriend mong hilaw!" Pinaalis na rin ako ng doktor para bumalik sa room. Uwian na nga pala. Ganon pala ako katagal matulog.
Bwiset nahihilo na nga ako kanina paggising ko parang nahihilo pa rin ako sa galit eh. Sinalubong agad ako nina Marge at Margaux tas niyakap nila agad ako. Ergh... di ako makahinga. "Oy Mae Cristine Avanza! Huwag mo nang ulitin yun ah!" Grabe parang nanay ko naman toh! "Sige po Mommy Margot Germione Silva" Natawa si Margaux kase binuo ko yung pangalan ni Marge. Ewan ko ba, laging natatawa si Margaux kapag binubuo ko yung pangalan ni Marge eh haha.
Lumabas na kami tas tumambay kami sa tindahan. Yun yung lagi naming tambayan kapag uwian na. Maya maya lumabas nanaman yung Girlfriend ni Jacob.
"Hay nako umiinit ata dito nasa impyerno na ata ako eh. MAY DEMONYO." May ghad! Nakatingin na sa amin yung babaitang yun. Maghahamon ata ng away eh. "Excuse me?"
"Dadaan ka? Nag eexcuse me ka eh" tss si Marge talaga pilosopo. "It's an expression KUTONG LUPA! Nag aral ka ba?" Di na rin napigilan ni Margaux na mapatayo. "Eh ikaw nag aral ka ba?! Anlakas din ng loob mo para sabihan mo kami ng ganyan! Teka sino ka ba?!"
Hinawi niya yung buhok niya tas nagsalita na siya ng tungkol sa kanya
"Ako lang naman ang GIRLFRIEND ni Jacob Ferman. Ako si Andrea Bunchelle Carmicandra Eunice Faith D. Guevarra.
AKA Andeng, Andrea, Bunchelle, Carmi, Bundie, Euni, Faith, Chelle, Mica, Candra. That's my nicknames. Anak ako ni Mrs. Guevarra na head teacher niyo sa science high school. Tita ko si ms. Natividad na principal natin. Graduate ako ng elementary sa West Narvic Colleges and we all know that mayayaman lang ang nakakapasok dun."Eh bakit si Ate March nakapasok dun?
"Ngayon nilipat ako dito sa cheap na university na ito, kase dito nag tatrabaho si Mom. Para daw mamonitor niya ang ginagawa ko. Proud si mom sa akin dahil top 1 ako sa class namin sa Annex. 1st section kaya ako. Top 1 pa. San ka pa. Kaya hindi ipagkakaila ng marami na kagalang galang ako. Yun lang, sinira niyo ang karapatang kong yun... end of introduction"
Napataas ng kilay si Margaux. "That's you? Huh! Ambaho! Eh walang wala ka nga sa amin eh! Kahit saan ka pa mag aral takot ka pa rin sa MULTO!"
Napatingin naman kami ni Marge sa ginawa ni Margaux. S...sinabi niya talaga yun?! Anlakas naman ng loob niya para sabihin yung ganun eh mas takoy na takot pa nga siya sa multo. Feeling ko parang nawala na yun dahil nailabas niya na kay Bundie.
"Bakit ikaw hindi?" Napatigil si Margaux sa sinabi ni Bundie. Nanlaki pa nga yung mata niya eh. Tumawa naman si Bundie. "Takot ka rin naman pala eh. Duwa-"
"Wag na wag mong iinsultuhin ang isang anak ng Chairman, Apo ng Lawyer, pamangkin ng isang Pulis, tita ng isang sundalo at pinsan ng isang taga-PMA!" This time. Mas malaki ng yung mata ni Bundie kaysa sa mata niya kanina. Maski kaming dalawa ni Marge ay napalaki din yung mata. Hindi lang mata kundi bibig na din.
"Oh ano? Bakit ka natameme? Di ka makapaniwala sa mga narinig mo? Take that!" Finlip ni Margaux yung buhok niya papunta doon sa mukha ni Bundie tsaka niya hinila yung braso namin ni Marge. Di pa rin nagsisink in sa isip ko yung mga narinig ko.
Hinila niya kami paalis sa lugar na yun. Dahil sa curiosity ko nagtanong na ako kay Margaux. "Margaux, totoo yun?" Tinignan lang ako ni Margaux pagkatapos niyang istretch yung sarili niya. Mga ilang miliseconds ay nagsalita na rin siya.
"Alam mo kase..." parang seryoso yung boses niya. Tumingin sa akin si Margaux.
"Alam mo kase...HINDI YUN TOTOO!" sabay tawa. Nako! Kalog nanaman tong babaitang toh. Nakakainis din toh ah.
Bumili muna kami ng pagkain. Nakakagutom nga naman makipag anuhan duon sa babaitang yun. Kahit hindi naman ako yung umaway sa kanya hahaha. Nilibre nalang namin si Margaux ng pagkain dahil baka sobrang stress na siya.
Si Marge naman parang napatigil sandali na kanina pa talaga parang nawalan ng dila. Lumaki pa nga yung mata.
"B-Bundie..."
Mahinang bulong niya. Bigla siyang tumakbo sa direksyon ni Bundie. At agad naman kaming napatingin kay Bundie. Pati rin ako kinabahan. Si Margaux parang nawala yung galit dahil parang nabalot ng pag aalala ang mukha niya...
____________________
BINABASA MO ANG
Mystery
Mystery / ThrillerPROLOUGUE Hi ako nga pala si Mae Cristine A. Avanza. Nag - aaral ako sa isang university. Sabi nila marami daw nangyari sa university namin. Katulad nalang ng may nawala, narape, nakidnap, nanakawan, at iba pa. Nagmistulang creepy university ang sch...