Bakit kailangan naming umabot sa ganito? Bakit kailangang iwanan ko agad sila gayong gusto ko na hanggang dulo ay makasama sila.
Hinang hina na ako. Konting konti nalang ay bibigay na ako at tuluyan ko na silang maiiwan kahit ayaw ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko pero mas sobrang masasaktan ako pag makita ko siyang iiyak dahil sa kalagayan ko. Alam kong hindi niya kakayanin pag nawala ako. Alam kong araw araw lang siyang iiyak pag nalaman niya ang tungkol sa kalagayan ko. Kaya mas pinili ko nalang siyang saktan na kahit mas nasasaktan ako sa tuwing makikita ko siyang umiiyak at nasasaktan saakin ay tinitiis ko. Siguro ay mas okay na yun para magalit siya para kamuhian niya ako para pagdating ng panahon ay malilimutan niya na ako tapos magiging masaya na siya kasama ng anak ko at ang bagong lalaking mamahalin niya.
"Doc. Ano po bang findings sa pagtetest niyo saakin? Okay lang naman siguro ako? Anong irereseta niyong gamut saakin?" Tanong ko kay Doctor Queen Ventura.
Nakita kong malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha na para bang may hindi magandang ibabalita.
"Doc. Ano bay un?" Seryoso kong tanong sakanya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang kumalabog ang puso ko at bigla bigla nalang pumasok sa isip ko ang aking mag inang naka ngiti saakin.
"Pinag aralan kong mabuti ang CT scan mo mr. Escolas... I saw a tumor in your brain and it's malignant tumor." Halos manlumo ako sa sinabi niya.
"Wh-what?! No. Hindi pwede. Hindi. I have a wife and a son.. Please doc. Gagaling pa ako diba? Matatanggal pa to?" Desperado na ang aking tonong nakikipag usap sakanya.
Kahit na ang sarili niyang ekspresyon ay nakikidalamhati saakin. Paano na ang mag ina ko? Hindi. Hindi pwede to.
"You need to undergo a surgery or a chemo. I'll help you. Bilang doctor ay gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa pasyente ko. Kailangn mong sabihin ito sa asawa mo."
"No. Hindi niya pwedeng malaman to doc. Hindi. Iiyak lang siya, Masasaktan siya ng sobra at ayaw kong mangyari yun. Hindi ko kakayanin. Kaya ko na tong mag isa doc." Matigas kong sabi sakanya.
Ginawa ko lahat para lang matanggal ang tumor saaking ulo pero wala. Hanggang ngayon ay andito padin siya sa ulo ko. Halos araw araw ay nilalabanan ko ang sakit ng ulo ko. Sobrang sakit na halos hindi na ako makakita sa sobrang labo na ng mata ko ngunit hindi pwede. Hindi ko pwedeng hindi Makita ang mag ina ko araw araw. Sila nalang ang lakas ko ngayon. Ang mga ngiti nila ay ang lakas ko. Kahit na sa mga ngiti nilang yun ay hindi na ako ang dahilan.
Minsan ay naiinggit ako sa lalaking yun. Malakas siya. Kayang kaya niyang ipagtanggol si Alliya kahit sa anuman o kanino man. Samantalang ako ay halos hirap na kahit maglakad manlang. Hindi na pwedeng hindi ako lumabas ng nag iisa.
"Anak, sabihin na natin sa mag ina mo." Halos araw araw ay ito palagi ang sinasabi ni mommy saakin.
"mommy, hindi mo ba nakikita na Masaya na sila? Hayaan na natin sila. Hahayaan ko na sila hanggang sa mabura na ako saalaala nila. Nagsakripisyo ako para dito. Sinaktan ko ang mag ina ko lalong lalo na si Alliya. Sana maintindihan mo yun mommy na ginawa ko yun para din sakanila."
"Papaano ka naman anak?" Umiiiyak siya habang tinatanong ito.
"Okay na ako mommy." Ngumiti ako sakanya. "kasi alam kong Masaya na sila ay maiiwan ko na sila ng di na nag aalala."
"Noon ka na ay sadyang matigas na yang ulo mo Allen! Naku sarap minsan masampal ng malakas eh." Sabi ni Queen sabay irap.
"Galit ka nanaman. Magiging kamukha ko yang anak mo bahala ka jan doktora." Pagbibiro ko sakanya.
"Tss." Sabi niya sabay irap ulit.
Yung saamin ni Queen ay hindi totoo. Doctor ko siya at nagging malapit nadin siya saakin nagging magkaibigan kami. Napagkasunduan naming mag panggap. Ang dahilan ko ay para magalit saakin si Alliya para kamuhian niya ako ng sobra. Ang dahilan niya naman ay ang kanyang ex na nabuntis siya ng di alam ng lalaki. Nag panggap kaming saakin ang bata para tigilan na siya ng ex niya.
"Allen, sinundan ko kanina si Alliya sa Grocery kanina."Sabi niya.
"Naibigay mo ba?" Tanong ko. Ang tinutukoy ko ay ang kalahati ng ng pendat na pusong hawak hawak ko. Kahit sa huling pagkakataon manlang ay gusto kong may bagay na nag uugnay saaming dalawa. Kahit yun nalang ay Masaya na ako. Masayang Masaya na ako.
"Oo." Sabi niya at umirap nanaman. Alam kong naiinis nadin siya saakin dahil ayaw kong sabihin kay Alliya ang nasa kalagayan ko. Pero kung sila ang nasa sitwasyon ko ay maiintindihan din nila ako.
Hindi ko kayang Makita siyang araw araw na umiiyak ng dahil sa sakit ko. Magiging pabigat ako sakanya. Ayaw kong Makita siyang nahihirapan saakin kasi mas mahihirapan ako. Okay na akong saktan siya ng panandalian. Basta maiiwanan ko na siyang Masaya.
At heto nga't dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Msaya na siya. Sobrang saya na niya at kahit sobrang sakit para saakin ay pipilitin ko nalang maging Masaya para sakanya. Para sakanila ni Micko.
"Tara na Allen. May therapy kappa." Malamig na sabi saakin ni Queen.
"Eepekto pa bay un? Gusto ko nalang atang matulog dito sa hospital. Gusto ko ulit silang mapanaginipan na mag kakasama kaming tatlo habang Masaya kami." Nakangiti ako habang sinasabi ang mga yun. Lagi ko silang napapanaginipan side effect nadin siguro ng mga gamo na iniinom ko.
"Allen, Makulit ka! Halika na." Sabi niya at wala akong nagawa kundi magpatianod sa mga nurse na tumutulak sa wheel chair kung saan ako nakaupo.
Alam ko naman ay ano mang oras nagyon ay mawawala na ako at hinihintay ko nalang ang oras na yun.
Habang tulak tulak ako ng mga nurse ay bigla nalang pumatak ang isang butil ng luha sa mata ko at agad ko itong pinunasan bago ko ibinulong sa sarili ko ang
"Alliya, siguro ay sa kabilang buhay ay pwede na tayong dalawa. Kung ayaw mo na saakin pag nagkita tayo doon ay gagawin ko ang lahat para mahulog ka lang ulit saakin. Hanggang sa huling hininga ko ay ikaw parin. Ikaw lang. Mahal na mahal kita."
--
BINABASA MO ANG
My Ex Twin Is Now My Ex Wife
Ficción GeneralAng akala ni Alliya ay nakamit na niya ang pinaka aasam asam niyang happy ending kasama ng kanyang pinakamamahal ng si Allen at ang anak nilang si Micko. All things well ng bigla bigla nalang nagbago si Allen. She's a perfect wife at alam niya yun. ...