15-Getting A LITTLE Closer

189 9 1
                                    

AUTHOR's NOTE: D ko muna aayusin, pero here is the update, sorry kung ngayon lang, masyado akon gbusy talaga sa school. SOWWY

JASMINE'S POV

Nag-luluto ako ng korean dish, whooo. Trip ko mag-luto nun hahaha. kainin kaya to ni James?

"Pst, Ano yang niluluto mo?" Bigla siyang dumating tapos nasa likuran ko siya, yung mukha niya pinatong niya sa balikat ko... Ano bang ginagawa nito.

"Alis nga, Ang bigat!" Sabi ko tapos ginalaw ko yung balikat ko

"Pano kung ayoko?" Tapos binigatan pa niya, Argh! Himala ang bait niya ngayon, nangungulit pa, -_-

"Bahala ka... Kumakain ka ba nito?" Tanong ko

"Oo kum- TEKA!" Sabi niya tapos bigla niyang inalis yung ulo niyang nakapatong sa maganda kong balikat, CHOS.

END OF POV

"Bakit? Ayaw mo ba nito?" Tanong ni Jas

"H-hindi, Pero dba kimchi rice at samgyupsal yan?" Tanong ni James (Yung kimchi rice parang fried rice lng rin at yung samgyupsal, karne siya na ginigrill tapos binabalot sa lettuce na may kasamang flavourings)

"Ah, Oo paano mo nalaman?" Tanong ni Jas

"Kasi... basta, Favorite ko kaya yan!" Sabi ni James

"Teka, weh? Kumakain ka talaga nito?" Tanong ni Jas na hindi talaga makapaniwala

"Oo nga! An kulet mo naman eh, Laging ganyan ulam namin dati sa Korea" Sabi ni James

"Taga Korea ka dati?" Tanong ni Jas habang nililipat ang kanin sa lalagyan

"Oo, Half Korean ako" Sabi ni James

"Ah, Tara na kain na.. Tapos na ako mag-luto" Sabi ni Jas tapos pumunta na sila sa may dining area hawak ang niluto ni Jas.

JAMES' POV

Nakita ko niluluto niya kanina Kimchi rice tapos may samgyupsal. Nagulat ako nung nakita ko yun. Gusto ko nang kumain nun dati pa eh, Puro adobo nlng kinakain ko dito sa Pinas.

"Oi. Okay lng ba yung lasa?" Tanong ni Jas sa akin. Masarap siya mag-luto sakto lng sa taste ko.

"Masrap naman ah"

"Baka niloloko mo lng ako" Sabi niya

"Bakit naman kita lolokohin?"

"Malay mo!" Sabi niya

"San ka natuto mag-luto nito?"

"Kay mom, Nag-stay din kasi sila sa korea dati" Sagot niya

"Ah."

"Si Kamjjong ba magaling sumayaw?" Tanong niya, Si Kai? Siya lng naman ang Lead dancer namin

"Uh, Oo naman bakit mo natanong?"

"Hindi ko pa kasi siya nakita sumayaw, kaya nga nagulat ako nung nasa dance room kayo nun eh, hindi pumapasok yun dun" Sabi ni Jas

"Nanunuod ka ba ng MYX?"

"Oo"

"Nandun siya sumasayaw sa isang music video sa MIT"

"Huh? Hindi naman artista si Kamjjong ah" Sabi ni Jas

"Basta nandun siya, Or try mo search pangalan ko sa net"

"Weh? Pano napunta pangalan mo dun?" Tanong niya

"Basta, nandun yon"

*Awkward Silence*

"Tapos ka na?" Tanong niya

"Ah, Oo"

"Akin na, Maghuhugas na ako" Sabi niya

"Uhmm. Jas, Pede bang puro korean dish lutuin mo?"

"Basta may pangluto" Sabi niya. Ay oo nga pla, tag-hirap kami ngayon, okay lng naman may trabaho naman ako eh.

"Aakyat na ako, Yung pintuan i-lock mo" Sabi ko tapos umakyat na ako.

END OF POV

Kinabukasan...

"Oi pansinin mo naman ako!" Sabi ni Jas pero patuloy parin sa pag-lalakad si Mark papunta sa may soccer field. Nagalit kasi si Mark sakanya kanina, Hindi lng maintindihan niJas kung bakit.

"Mark!" Sigaw ni Jas pero hindi parin siya pinansin nito, dere-deretso siya mag-lakad.

"Oi, Nag-away kayo?" Tanong ni Tiffany na nilagpasan lang ni Mark kanina

"Ewan ko" Sabi ni Jas

"Ha!? Anong ewan mo?" Tanong ni Kaye

"Kasi kanina hindi nlng niya ako pinansin" Sabi ni Jas

"Tapos?" Tanong ni Tiffany

"Iyon, Hinabol ko siya hanggang dito para tanungin pero hindi niya ko pinapansin" Sabi ni Jas

"Wala bang nangyari kagabi or kaninang umaga?" Tanong ni Kaye

"Wala, Kanina hinatid lng naman ako ni James dito" Sabi ni Jas

"Hinatid?" Tanong ni Tiffany

"Oo, Bakit?" Sabi ni Jas

"Hindi mo gets?" Tanong ni Kaye

"Huh? Gets yung ano?" Tanong ni Jas

"Hay nako! Nag-seselos si Mark!" Sabi ni Tiffany

"Si Mark? Nag-Seselos? Hahahaha... Tsaka hinatid lng, Psh!" Tawa ni Jas pagkatapos ay tinigan niya si Mark na nag-lalaro ng soccer kasama ang mga kaibigan niya

"Hindi mo ba naisip... Anlayo ng building ng medecine sa building natin" Sabi ni Kaye

"Oo nga, Building nila pag-pasok lng sa gate ng dapitan eh tayo sa gate ng espanya" Sabi ni Tiffany

"Teka, Teka... Tsaka bakit naman mag-seselos si Mark?" Tanong ni Jas

"Tsk, Just ask him. Don't want to reveal any secrets today" Sabi ni Tiffany

"Hay. Ayaw nga niya akong kausapin diba?" Sabi ni Jas

"Kakausapin ka non, Promise!" Sabi ni Kaye

"Sige na nga" Sabi ni Jas tapos sinundan niya si Mark.

Nilapitan ni Jas si Mark at napatigil ito sa pag-lalaro.

"Anong kailangan mo?" Tanong ni Mark

"Mark... Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Jas

"Bakit? Hindi ba tayo nag-uusap ngayon?" Sabi ni Mark

"Hay. Mark bakit ka ba nagagalit ha!?" Tanong ni Jas

"Hindi mo pa ba alam? Jas, Makiramdam ka naman" Sabi ni Mark

"Huh? Teka, anong sinasabi mo?" Tanong ni Jas

"Jas, Ewan ko kung may pakiramdam ka o wala ka lng pakialam pero..." Hindi tinuloy ni Mark

"Pero ano?" Tanong ni Jas

"Ilang taon na tayo mag-kaibigan at ayaw kong sabihin sayo kasi baka masira ang pagiigng mag-kaibigan natin pag-sinabi ko sayo na..." Hindi nanaman masabi ni Mark

"Na ano? Mark, kung mag-sasalita ka pwede kumpletuhin mo? Hindi kasi kita maintindihan!" Sabi ni Jas

"Jas, Lahat nlng ginawa ko para mapansin mo ko, Hindi mo pa ba nahahalata!?" Sabi ni Mark

"Nahahalatang ano? Na yung sinabi ni Tiffany na nag-selos ka kanina kay James? Na yung inaasar nila ako sayo, na gusto mo RAW ako? Ano!?" Napasigaw si Jas

"OO JAS, NAG-SELOS AKO KANINA AT TOTOO NA GUSTO KITA!" Napasigaw si Mark at biglang umalis si Mark. Si Jas naman hindi makapag-salita sa nangyari at pinanuod lng si Mark na kunin ang bag at umalis.

-------------------------------------------------------------------------

Update no.15

Please do COMMENT and VOTE! :D

Stay tuned!

Unwanted MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon