12-Poverty

225 9 0
                                    

JASMINE'S POV

"Huh? Papalitan mo yung binigay ko sayo?"Tanong niya.

"Hindi naman sa ayaw ko non pero wala na akong gagamitin alam mo naman na yon lng cellphone ko" Paliwanag ko sakanya.

"Ganto. Ikaw nlng muna gumamit nitong cellphone ko" Sabi niya

"Ha? Pano ka wala kang gagamitin." Sabi ko

"Meron, maniwala ka sakin" Sabi niya tapos binigay niya sakin yung cellphone niya.

"Eh yung simcard tsaka memory card, hindi mo ba kukunin?" Tanong ko

"Hindi na. Sayo na yan. Meron ako" Sabi niya

"Sigurado ka?" Tanong ko, Sakanya tong phone eh, kayo ba pag-binigyan ng phone hindi niyo tatanggihan kahit isang beses?

"Oo Jas, Bat ba ang kulit mo?" Tanong niya

"Nakakapanibago lng" Sabi ko, hindi naman siya ganto dati eh.

"Bakit?" Tanong niya

"Wala, hindi ka kasi ganto dati eh. Kasi pag-nawala ko yung mga gamit ko aasarin mo pa ako" Sabi ko

"Ako? Well sabi nga nila 'Nothing is permanent in this world but change" Sabi niya sa akin, San niya naman nakuha yon..

"Andrama ng sagot mo" Sabi ko sakanya

"Eh hinihingan mo ako ng sagot eh!" Sabi niya tapos nandito na kami sa harap ng bahay

"Sige, Bukas nalang" Sabi ko

"Geh, Bye Jas" Sabi niya tapos nagulat ako bigla niya akong niyakap, He doesn't normally do this pero bestfriends naman kami eh, Normal yan sa mag-kaibigan..

"Geh bye" Sabi ko tapos nag-babye na sakanya tapos hinintay niya na makapasok muna ako bago siya umalis. Pag-pasok ko nakita ko gising pa si James, Nag-lalaro ng Wii,

"Hindi ka pa natutulog?" Tanong ko sakanya

"Hinihintay kita, hindi pa ako kumakain eh" Sabi niya

"Eh ba't hindi ka pa nag-luto?" Tanong ko

"Hindi ako marunong mag-luto, Edi sana hindi nalng kita hinantay." Sabi niya, Hindi siya marunong mag-luto? Kahit itlog manlang. -_-

"Walang pagkain sa ref" Sabi ko

"Tsk, wag na nga" Sabi niya

"May nakita ka bang cellphone kanina sa KFC?" Tanong ko tapos umupo ako sa sofa sa sala

END OF POV

JAMES' POV

"May nakita ka bang cellphone kanina sa KFC?" Tanong niya saakin tapos umupo siya sa sofa

"Bakit?" Tanong ko, Hindi ko muna ibibigay yung cellphone niya. Parang ang sarap kasi niya pag-tripan

"Nawala ko kasi cellphone ko eh, Importante sakin yun" Sabi niya. Ano kinaimportante ng cellphone niya?

"Bakit naman naging importante yang cellphone mo?" Tanong ko

"Bigay sakin ni Mark yon nung 19th birthday ko" Sabi niya, Bigay ni Mark nung 19TH BIRTHDAY NIYA? Eh ilang taon na siya 21. Importante nga siguro yon, 3 years na sakanya eh mukha paring bago yong cellphone niya. Tapos biglang may nag-ring, phone ata yon.

Unwanted MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon