Chapter 5

3.5K 114 4
                                    


"MAHIRAP i-explain, eh," wika ni Krissy. Niyakap nito ang isang throw pillow na nasa tabi nito.

Hindi napigilan ni Jackie ang mapasimangot. "Paanong mahirap i-explain, eh, ikukuwento mo lang naman kung ano 'yong na-feel mo?"

Maagang natapos ang daily activity nila kanina sa simbahan kaya dumiretso sila sa bahay nina Lira. Ganoon na ang gawain nila mula nang makilala nila ito isang linggo na rin ang nakakaraan.

Kung mayroon mang nabuong konklusyon sa utak ni Jackie iyon ay ang ipinanganak silang tatlo para maging magkakaibigan. It was definitely a friendship made in heaven.

"Totoo bang parang nasa clouds 'yong feeling?" tanong din ni Lira. Niyakap din nito ang isang throw pillow at dumukwang pa palapit kay Krissy. Parang takot na takot na may ma-miss sa mga sasabihin ni Krissy.

"Parang ganoon," sagot si Krissy. "Mabilis na mabilis ang heartbeat ko no'n, eh."

Ang mga ibinabato nilang tanong kay Krissy ay tungkol sa first kiss. Dahil pareho sila ni Lira na wala pang first kiss, si Krissy ang source of information nila. Pero hindi malinaw ang mga sagot na nakukuha nila mula dito.

"Kapag ba nagdikit 'yong face n'yo, hindi kayo maduduling?" tanong din niya.

"Kaya nga pipikit, tangek," wika naman ni Krissy.

"'Yon ang reason? Akala ko pa naman mapapapikit dahil sa mapi-feel." Hindi maitago ang pagkadismaya sa boses at hitsura ni Lira.

Inaamin ni Jackie na maging siya ay ganoon din ang naramdaman sa isinagot na iyon ni Krissy. Pero posible nga naman na kabang-kaba lang ito noon kaya hindi masyadong maalala ang naramdaman sa first kiss nito.

"Pero paano kung hindi nice 'yong breath ng guy?" tanong ni Jackie.

Tumawa si Krissy. "Don't worry, I'm sure nice ang breath no'ng crush mo."

Namilog ang mga mata ni Lira. "May crush ka, Jackie?"

Ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso ni Jackie. "Wala," aniya. Totoong kaibigan na nila si Lira pero nakakahiya pa rin kapag nalaman nito na crush niya ang kuya nito. Blood is thicker than water. Baka masabi nito kay Yael ang sekreto niya.

"Eh, okay lang naman," wika ni Lira. "Sixteen ka na kaya. Normal lang 'yan."

"Eh, ikaw, may crush ka na?"

"Siyempre naman."

"Sino?" Sabay pa sila ni Krissy na magtanong.

Pero bago pa makasagot si Lira ay may nagsalita na sa may pintuan. "Lagot ka. Lira, isusumbong kita kay Tita Bless. May crush ka na." It was Gary.

Agad na tumahip ang dibdib ni Jackie. Dahil nasa bahay na si Gary, siguradong nandoon na rin si Yael.

Just the thought of seeing Yael again made Jackie's hands clammy. Excited siya na ninenerbyos. Pero nalulungkot din siya. Hindi naman kasi siya manhid. Nararamdaman niya na umiiwas sa kanila si Yael. Kung naiingayan ba ito sa kanila kaya lumalayo na lang ay hindi niya alam.

"Huwag ka ngang nangingialam sa kuwentuhan nang may kuwentuhan, Japs," wika ni Lira.

Hindi sigurado si Jackie kung bakit Japs ang tawag dito ni Lira pero hula niya ay galing sa Japanese ang Japs. Medyo singkit kasi ni Gary. Mukhang Hapon. Poging Hapon.

Sa halip na sagutin si Lira ay nag-hello sa kanila ni Krissy si Gary.

"Umalis ka na lang kasi," taboy dito ni Lira.

Sugar and Spice and Everything Nice (Jackie's Destiny)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon