Ito po yung statement ng isang korean ahgase o isang korean na GOT7 fan nung nag-aabang siya sa labas ng JYP entertainment tungkol kay Jackson nung nakita niya ito. Itrinanslate ko lang ng tagalog para bongga! XD
(ANG SWERTE NIYA LANG TALAGA T__T)
••••••••••••••••••••••
Hi! Ako puy isang GOT7 fan at isa rin namang fan ng mga artist ng JYP. Araw-araw at minsan pa'y gabi kung mag-abang ako sa labas ng JYP ent. building na nagbabakasakali na may ma-tyempuhan akong kahit isa man lang artist na lalabas. At hindi ko inaasahang isang araw, sa pag-aabang ko, ay makikita ko ang isang member ng ultimate fandom ko, si Jackson.
Napaka fair po ng kutis niya at napakaflawless ng mukha niya kahit wala siyang make up. Hindi rin siya naka mask. Kung sa tv o sa mga guestings nila ng GOT7 ay hindi po siya katangkaran, nalula ako dahil napakatangkad niya pala sa personal na kung iisipin ay ako rin namay matangkad. Napakabait niya at siya'y bumabati rin sa lahat ng nag 'hi' at 'hello' sa kanya sa mga oras na yun at sumasagot pa sa ibang fans na nagtatanong kung kumusta ba siya. Kung una niyo siguro siyang nakilala sa ganitong paraan, ay di niyo siya makikilala pag manonood kayo ng mga interviews o guestings ng GOT7 pag nagloloko na siya dahil ang bait bait nga niya sa personal. Napakaliit po ng mukha niya at oho, napakagwapo po. Nakasando lang siya ng puti nung time na yun at built po talaga ang katawan niya.
Siguro nga'y napakaswerte ko dahil kokonti lang kaming nag-aabang sa mga oras nayun na ikinasaya ko naman dahil hindi siya dinumog at nasaktan. Kadalasan kasi, marami ang nag-aabang rito sa labas. Napakasaya ko nung araw na iyon at nakakuha rin ako ng autograph niya bukod sa mga pictures na sa malapitan kung nakuha. Nagpapasalamat rin ako sa mga fans na napaka well-mannered ng time na yun. :) Yun lang po, maraming salamat.
••••••••••••••••
Oh diba? Naiinggit kayo? KASI AKO INGGIT NA INGGIT NAKO EH NAGLULUPASAY NAKO DITO T_______T . PINAGPALA PO TALAGA SILA NG MAYKAPAL HUHUHU ~ T___T . Anyway, *pahid uhog* salamat po sa reads. *singot sipon* MAGIGING MAS SHARING PA PO AKO SA KALOKOHAN AT KABALBALAN KO RITO PRAMIS. XD ..
BINABASA MO ANG
GOT7 SCENARIOS ❤
HumorHey iGOT7! A dose of good vibes for ya~! Caution: ✅KABYUNTAEHAN ✅KASABAWAN ✅KAADIKAN KAYA MAG INGAT! JASPORPAN XD