GOT7 Imagines P.3

958 28 3
                                    

GOT7 Imagines P.3

Nagbabalik ang segment nato mga frens! HAHAHA and this time it would be Bambam's part whoooo! Yeshh. *le bigwas confetti*

Kaya sa Bambam-biased dyan at ka co-ahgases ko enjoyoyoyoy! ^__^

❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇❇

"Diba dating pokpok ang nanay mo? Hahaha!"

"Di pokpok ang nanay ko!" Tumutulo ang luha kong tugon. Wala silang karapatan  sabihin yan!

"Talaga lang ha? Ba't wala kang tatay? Siguro nagtataka na yung nanay mo kung sino talaga tatay mo! Hahaha!"

"Hindi yan totoo! Kilala ko tatay ko! Tumahimik kayo!"
Humahagulhol kong sabi. Ba't ba sila laging ganito sakin? Wala naman akong ginagawa na ikakasama nila ah?

"Eh ano naman ngayon? Kahit anong gawin mo, anak ka parin ng pokpok! Hahaha anak ng pokpok!"

At dun na nila ako tinapunan ng papel, itlog at may nagsasaboy pa ng tubig.

Siguro ganito na talaga magiging buhay ko buong high school. Wala akong magagawa. Kahit gaano pa kasama ang panlalait nila, wala akong kalaban-laban. Anak sila ng mga maiimpluwensyang tao.

Samantalang ako? Isang hamak na pulubi na nakapasok sa academy nato para lang siguro may mabully at mapagtripan ang mga mayayaman dito. Ang saklap.

"Oh eto pa! Tas eto! Tas eto rin! HAHAHA mukha ka ng basang sisiw!"

Wala lang akong ekspresyon. Ba't pako manlalaban? Parang di ako sanay.

"Tignan mo bestie parang wala lang sa kanya!"

"Hoy! Ano matapang ka na? May ipinagmamalaki ka na ha? Etong say--"

"Itigil niyo yan!"

?___?

"BAMBAM MY LOVES! HUWAAA NAMISS KA NG ACADEMY! KUMUSTA ANG BAKASYON MO SA VENICE? MAS LALO KANG PUMOGI!"
sabi ng mga babae na tinapunan ako ng kung ano-ano kanina.

So, dumating na pala siya. Mabuti naman ligtas siya sa byahe.

Kunpimook Bhuwakul o mas kilalang Bambam o Kun. Childhood mega bestfriend ko. Mayaman. Varsity captain. Mabait. Matalino. Humble. At di matapobre.

Di kagaya ng mga babaeng umaaligid sa kanya ngayon. -_-

Paano nga ba kami nagkakilala? Simple lang, nag-agawan kami ng tsokolate sa isang convenience store nung 7 years old pako. Tsaka yun, ng lumaon, naging magkaibigan na kami. Siya rin ang rason kung bakit andito ako. Di dahil sa sinusundan ko sya,
kundi pinilit niya ate niya na co-owner ng academy na dito ako pumasok bilang scholar.

Di kasi siya makaayon sa mga ugali ng mga estudyante. Sinama niya ko dito para daw at least, may kasundo siya. Ewan ko sa kanya. Nababagay naman kasi siya sa mundong ito.

At obviously ako, hindi. :((

"Get off. Kailangan kong malapitan si y/n"

"No Kun. Wag kang lumapit sa anak ng pokpok na yan! She never belonged here"

Hayyy yan na nga ba sinasabi ko. Ano pa ba i-eexpect ko? Na sasabihin ni Bambam na siya ang nagpasok saken sa academy nato dahil sa sinabi ng babaeng yan? Baka wala nga yang oras makipagsagutan kasi pagod yan sa byahe nya sa Italy, particularly sa Venice.

"How dare you say that! For your information lady, bestfriend ko yang nilalait mo ngayon!"

"Whatever! Pero Kun, totoo naman sinasabi ko diba? She's disgusting. "

GOT7 SCENARIOS ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon