Chapter 4: Let's be Friends

26 0 0
                                    

Nakarating na sina kenneth,Lianna at ang mag-ina sa St.Luke's Medical Hospital. Pinauna na nila ang mag-ina dahil kelangan pa nilang mag-fill up ng form para sa pasyente. Walang nakakaalam sknilang dalawa kung ano ang ilalagay nilang impormasyon kaya naupo na lamang silang dalawa.

Hindi inaasahan ni Lianna na dito sila dadalhin ni kenneth dahil sa private hospital ito at expected ng malaki ang babayaran nila sa magiging expense ng mag-ina.

LIANNA'S POV

"Se-seryoso ba tong lalaking to?! Dinala nya kami dito eh ang mahal mahal ng bayarin dito ospital na to." Sa isip isip ng dalaga.

"Dito ba natin ipapacheck up ung bata?" Tanong nya sa binata.

"Ano ba sa tingin mo Miss?, may ibang ospital pa ba dito maliban dyan sa nakikita mo?" Balik tanong naman ni Kenneth

"Abay! Loko to ah. Masama na bang magtanong ngayon?! Hmp!" Sa isip isip ulit ng dalaga.

"Sabi ko nga diba? Dito sa St.Luke's ipapacheck up ung mag-ina,psh"

KENNETH'S POV

Natatawa si Kenneth dahil sa pagsimangot ng dalaga. Naisip nyang pikunin pala ito at madaling maasar.

"Teka nga miss, Ano ba pangalan mo?" Tanong ni Kenneth sa dalaga dahil simula ng nakita nya ito kagabi, hanggang ngayon hndi pa rin nya alam kung anong pangalan nito.

"Ha???" Hndi naintindihan ni Lianna ang sinabi ng binata dahil malalim ang iniisip nito.

"Sabi ko, anong pangalan mo?"

"Ah Rianna"

"Rianna,ung parang si Rihanna???" Natatawang tanong ni kenneth

"Hindi!! Lianna pala" Narealized ni Lianna na mali ang nabanggit nya sa binata.

"Ahhh, Lianna pala" Ulit ni kenneth.

"Kasingganda mo ang pangalan mo Lianna" bulong ni Kenneth.

"May sinasabi ka ba??"

"Ha?!! A-ako?? May sinasabi?? Nako, wala ah!" Tanggi naman ng binata

"Ok,sabi mo eh." Pero dinig ni Lianna yun, gusto nya lang tlaga ipaulit. 😂

"Eh ikaw? Anong pangalan mo?" Tanong naman ng dalaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heal My Wounded HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon