CHAPTER II

9 0 0
                                    

Time passed by Im always there to see her. Working, studying everything she does. I also knew that she was living all alone by herself, her parents died in a car accident, and the person who took care of her was her lola who died 2 years ago.


How did I know it?


Definitely, my friend/blockmate owns the coffee shop where she works. Nalaman ko lang yun 1 month ago ng dalhin niya ako sa isang family business nila that time. I was surprised na yung madalas ko palang puntahan na coffee shop ay sa kanila. Tinanong ko siya about sa background ni Gale and I'm so lucky kahit alam kong privacy yun ng mga employees. He doesn't gave me too much details hindi naman kasi lahat ng details na naroon ay resume nila , sobrang saya ko that time dahil ito na rin yung time na pwede ko siyang makausap.


Days , months have passed since I started to court her. Noong una ayaw niya pang may nagbibigay sa kanya ng mga regalo like flowers, chocolates, hindi daw siya sanay sa mga yun. Ayaw niya rin na isipin ng iba na nilulubos niya ang kabaitan ko.


Ayaw niya rin na gumagastos ako para sa kanya.


That was the first time na may niligawan akong babae na hindi maluho dahil madalas noon sa mga nililigawan ko tuwang tuwa sila na nakakatanggap sila ng mga regalo.


Kapag niyaya ko naman siya kumain sa labas, lagi kaming nauuwi sa mga turo-turo. Hindi naman ako maarte kung saan pwede kumain as long as may kasama ako that makes me happy. Hindi ko rin maiwasan na titigan siya kapag kumakain walang arte, hindi magastos at may sense kausap tipong hindi siya nauubusan ng kwento. I really found it attractive and I really admire her.


This girl iba siya sa lahat ng nakilala ko, marunong siyang umintindi ng mga taong nasa paligid niya, ayaw niya na may iniisip ang ibang tao tungkol sa kanya good thing hindi ganun yung mga staff dito sa coffee shop siya lang kasi ang pinakabata. Madalas, sinusundo ko siya kapag off na niya, natutuwa ako sa tuwing nakikita ko siyang nagugulat, ayaw niya pa na sinusundo ko siya.


Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko siyang nagugulat sa mga ginagawa ako. That was I found na I deeply fall in love with her and I already did.


I never gave up, hanggang maging close kami sa isa't-isa, madalas tahimik lang siya. Sa tuwing sinusundo ko siya nagkakaalitan pa kami dahil ayaw niya talagang sumabay sa akin. Hahaha nakakatawa tuwing naalala ko yun ang ganda niya talagang tignan tuwing nagagalit siya. Kaya sa tuwing sinusundo ko siya sa halip na sumakay kami ng kotse ko, nauuwi kami sa paglalakad. Kaya daw ayaw niyang sinusundo ko siya dahil malapit lang daw ang dorm na tinutuluyan niya. Sobrang daldal niya yung tipong hindi mauubusan ng kwento at nakangiti palagi.


" Pasok ka muna?" tanong niya sa akin nung minsan ko siyang hinatid pauwi.


" Ah hindi na alam kong naiilang ka pa sakin, next time na lang, alam ko naman hindi pa ito yung huling pagkikita natin " ngumiti ako sa kanya.

Ngumiti rin siya sa akin at ang yung salitang gustong gusto kong marinig ay lumabas sa bibig niya


" Salamat, Jin" wika niya at siyang ikinangiti ko ng sobrang lawak.


Kasabay nang pagpasok niya. Napasigaw na lang ako sa sobrang tuwa, alam kong kahit simpleng salita lang iyon, nagpapasalamat ako dahil alam kung unti unti ay nagiging magkaibigan na kami.

Lost ChancesWhere stories live. Discover now