SHIN
"Nakatitig ka na naman sa picture niya." Dali dali kong naitago ang phone ko. Leche naman 'tong kaibigan ko bigla bigla nalang sumusulpot sa likuran ko.
"Nakakahiya naman kasi kung sa kaniya mismo ako tumitig." Saka ko naman tinuro ang kinaroroonan niya gamit ang nguso ko.
"Sus. If I know kaya ka nag-apply din dito sa café para madalas mo siyang makita. Di pa ba sapat sa company building natin at sa practice rooms?" Napa-make face nalang ako.
Anong magagawa ko? Ang tindi ng pagfa-fangirl ko kay Jinjin. Oo. Tama. Si Jinjin. Yung leader ng rookie idol na ASTRO. Yung cute-slash-gwapo na sloth. Aish..
Habang busy kami sa pag-uusap ni Yen, bigla naman kaming natigilan dahil sa may taong lumapit sa counter. Dalawa sila actually. At napatunganga ako... si Jinjin isa dun. Shet! Ang gwapo niya talaga kapag malapitan! Yung mata niya... ang liit. Kyaaah ang kyut!
"Ehem. Excuse me."
"Ay mata!" Tinapik ako ng malakas ni Yen sa braso ko. Kaya sa sobrang hiya ko, napa-bow ako.
Narinig kong napahagikhik si MJ. Mukha ba akong tanga?
"Hyung. Order na dali." Ang malalim niyang boses... nababaliw na ata ako. Pati boses pinagpapantasyahan ko na.
"Ah oo nga pala. 6 na Mocha Machi. 6 slices din ng cheesecake please." Naka-ngiting sabi ni MJ. Kaya naman ipi-nunch ko agad ang orders nila. Habang si Yen, busy na sa paggawa ng kape nila.
"Hyung tigilan mo nga ang kakangiti mo. Ang creepy! Haha." Natapos ko ng i-punch ang orders nila kaya naman binigay ko na ang resibo. Nag-abot si Jinjin ng card.
Oh my. Galing sa kamay niya to! Susulitin ko na. Haha. Biro lang. Sa totoo lang, di ako makapag concentrate. Aish ano ba to.
Nang matapos na, sinundan ko nalang sila ng tingin habang bumabalik sa table nila.
Tama nga naman si Yen. Isa sa mga dahilan kung bakit nag-part time job pa ako dito sa Fantagio Café kasi madalas silang tambay dito kapag free time nila. Well, katatapos lang ng promotions sa debut nila at medyo nabawas-bawasan narin ang guestings. Kaya ginaganahan na ulit akong pumasok dito. Syempre, bukod sa practice room, dito ko lang din nasisilayan si Jinjin.
"Uy Shin." Tawag pansin ni Yen sa likuran ko. Lumingon naman ako.
"Gusto mo ikaw na maghatid?" Tanong niya habang itinataas ang tray na may lamang anim na cheesecakes. Napailing agad ako ng mabilis.
"Ayoko. Nahihiya ako." Napa make face naman siya.
"Magtigil ka. Anong nahihiya? Yung isang tray dalhin mo. Tulungan mo ko." Turo niya naman sa isa pang tray na may lamang anim na Mocha Macchiato. Wala na akong nagawa. Mapilit si Yen eh.
Nakarating kami sa table nila. As usual, maingay. Ganun naman lagi kapag magkakasama sila. Hindi uso sa kanila ang salitang 'tahimik' o di kaya 'kapayapaan' haha. Inilapag na namin ang trays.
"Hi Shin!" Bati ni MJ na siya namang tinugunan ko.
Pasimple kong sinulyapan si Jinjin. Nakayuko siya busy sa pagtatablet. Naglalaro ata ng Line Play. Narinig ko kasi si Sanha na dinidiktahan si Jinjin tungkol sa laro, naglalaro ata silang dalawa.
"Noona, masyado ka atang nagpapagod? Hindi uso sa'yo ang pahinga? Haha." Biro ni Bin.
Fully loaded talaga sched ko. M-W-F-S ang trainings ko. Mula 6 ng gabi hanggang 2 ng madaling araw. Ang pasok ko naman sa school araw-araw. T-TH-S naman ang part time ko dito pagkagaling ko ng school. Ang sipag ko diba? Haha.
"Hindi naman. Kaya naman." Nakangiti kong tugon. Nagpaalam narin ako at bumalik sa counter. Si Yen kasi iniwan ako.
-------
Kasalukuyan akong nagpapahinga. Wala narin masyadong costumer at malapit narin kaming magsara. Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Inilabas ko ito at tinignan ang notification.
9:38 PM
1 message recieved from unknown.Napa-kunot ang noo ko. Naalala ko kasi yung nagtext sa akin kagabi. Baka siya na naman to?
Unknown: Bagay sayo ang uniform sa café niyo. Hahaha!
Nakaka-inis to! Siya na naman nga! Idedelete ko na sana kaso may dumating ulit na isa pang message galing sa kaniya.
Unknown: Let's be friends. Please. :(
9:38 PMMe: Sino ka ba?
9:39 PMMga ilang minuto rin ang lumipas. Hindi pa naman siya nagrereply kaya isinilid ko nalang muna ang cellphone ko sa bulsa ng uniform ko at saka inumpisahang maglinis.
Nang matapos na ako ay sinilip ko ulit ang phone ko. Wala siyang reply. Teka nga, bakit nga ba bigla akong naging interesado? Mamaya nito scammer pala to o di naman kaya isang delikado na tao.
Aish! Shin! Hindi ka talaga nag-iisip! sabi ng utak ko habang inuuntog ko naman ang ulo ko sa dulo ng mop. Ipinasok ko nalang ulit ang cellphone ko. Hindi na yata magrereply yun.
Buti naman. Napa-isip ko ulit.
*beep*
Dali-dali kong inilabas ang phone ko.
Loka loka ka talaga Shin. Isip ko habang naiiling.
Siya nga ang nagtext. Binuksan ko ito.
Unknown: Moka maki :)
10:01 PM
