"Lexie baby, aalis na kami ng daddy mo. Nakahanda na yung breakfast mo. Bye. Love you.."
"Kay mom. Take care! " sabi ko nalang sa kanya.
Mag aalas dyis na ng bumangon ako sa napakalambot kong higaan.
Pumunta ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo.
Matapos kong gawin ang aking ritual mornings bumaba ako ng hagdan at napansin kong nakahanda na ang aking umagahan.
May nakahanda ng bacon, eggs, fried rice at hot chocolate sa hapag kainan.
Oo, im a spoiled when it comes to my parents. Nag iisang anak lang ako ng aking mga magulang.
Ang aking ama ay kilala bilang isang mahuyas na businessman at ang aking ina naman ay tumutulong sa aking ama sa pag papaunlad ng aming kumpanya.
Dahil sa pagiging busy nila, para nadin akong nawalan ng mga magulang.
Madalas tulog na ako bago sila dumating at sa umaga naman ay mas nauuna pa silang pumasok kesa sa akin.
At dahil ako ang nag iisang anak nila, pagkatapos kong makagraduate sa kolehiyo ay sa akin ipapasa ang pamamahala sa aming kumpanya.
Kaya eto ako ngayon. Nilalasap ang bawat araw ko. Dahil dalawang taon nalang ay gagraduate na ako.
Yeeeep! Im wild and dangerous. I love to go bar hopping with my bestfriend Charlotte.
Madalas nakikipag date ako sa kung sino sinong lalaki na nakikilala ko sa bar.
But wait, hindi ako ganun tulad ng iniisip nyo.
Im not a fan of one night stand but i do make out sessions.
Pinangako ko sa sarili ko na ibibigay ko lang ang sarili ko sa taong mamahalin ko ng sobra.
Kaya in the end, virgin pa din ang lola nyo. Nakakatawa di ba?
Sino mag aakalang the famous Alexa Marie Cortez ay isa palang birhen.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat ulit ako sa kwarto at nahiga.
Hinanap ko ang cellphone ko at tinext si Charlotte.
Me: Heyy Char! Let's go and have some fun tonight?
5 minutes later and my cellphone beeps.
From: Char
Sure bessy. I will pick you up at 7 p.m.Me: Okay. I'll wait for you. Bye!
The rest of my afternoon is a blur.
I checked my phone and it shows that it's already 5:30 in the afternoon. And on my cue, nag punta na ako banyo para mag shower.
Charlotte Lorenzo is my partner in crime. I met her 3 years ago during my highschool days and she was a transferee that time.
Noong una di ko akalain na makakasundo ko sya. Because honestly we're really opposite.
Napakakalog nya at masiyahin. Don't get me wrong ha! Mabait naman ako pero nakadipende sa mood ko.
Very supportive sya sa lahat ng ginagawa ko at palagi syang nasa tabi ko sa mga oras na kailangan ko ng kausap.
Di nya ko iniiwan kaya yun yung naging dahilan kung bakit mahal ko sya ng sobra na parang kapatid na yung turing ko sa kanya.
Hindi ko namalayan yung oras ng biglang tumunog yung doorbell.
"Lexie open the god damn door. What took you so long?"
"Fuck Char. Di ka ba marunong maghintay? Pababa na ko! "
Nasabi ko ba sa inyo na pinaka ayaw nya ng pinag hihintay sya? Yan ang madalas naming pagtalunan dahil makupad akong kumilos.
Bumaba na ko ng hagdan at binuksan ko yung pinto para lumabas na.
"Im ready. " sabi ko sa kanya.
"Akala ko di kana lalabas eh. Iiwanan na sana kita. Kahit kelan talaga napakatagal mo! " angil nya sa akin.
"No shit, sherlock! Anyway, you look amazing tonight" bati ko sa kanya.
Suot nya ay isang black fitted short dress na humuhulma sa bilingkinitan nyang katawan.
Pinarisan nya ito ng isang 4 inch stilettos na bumagay sa mahahaba nyang mga binti at isang maliit at makintab nyang purse na nakasabit sa kanyang kaliwang balikat.
"Well, thank you! You look fantastic too. Come on. Let's go. Baka mawalan pa tayo ng parking area."
At sumakay na nga kami sa kanyang Audi R8.
May sarili naman akong sasakyan kaya nga lang mas pinipili kong huwag ng magdala dahil unang una laging puno ang mga parking area sa mga lugar na pinupuntahan namin.
Pangalawa, ayokong magdrive ng lasing dahil baka maaksidente ako.
Mahal ko pa naman yung buhay ko no?
Marami pa kong pangrap sa buhay.
Namalayan ko na lang na nakarating na kami sa bar ng maramdaman kong pinatay na ni Charlotte ang engine ng kanyang sasakyan.
"We're here! And oh, please behave Lex! " sabi nya ng nakangiti.
"Seriously? Yes mom! "
"What so ever Lex. Let's go!"
At bumaba na kami ng sasakyan at pumasok na kami sa loob ng bar.
Sa labas palang ay dinig mo na ang malakas na tugtugan at mga taong nagkakasiyahan.
Hinarang kami ng bouncer at hiningan kami ng identification card katunayan na hindi kami menor de edad.
Nang ipinakita ko na sa kanila ay chineck nila ito at ng makumpirma ay nginitian ako at nagbigay daan para sa amin.
Nginitian ko din sila pabalik at tuluyan ng pumasok sa loob ng may buong lakas ng loob at tiwala sa sarili.
"Let the fun begin.." pabulong kong sabi sa aking sarili ng may ngiti sa aking mga labi.
------
How are you guys? Haha. Sana nag eenjoy kayo.
Let me know kung may mga suggestions kayo o kaya tanong.
Sana suportahan nyo po ang kauna unahan kong kwento. Sisikapin kong mapasaya kayo sa bawat update na gagawin ko.
Thank you sa lahat ng nagbabasa!
Happy readings!
Please! Please! Don't forget to vote and comment!
Love, Miss L.