Chapter 4

19 1 1
                                    


Lexie's POV

I woke up the next day with a killer headache.

Babalik sana ako sa aking pagtulog ng may naramdaman akong yumakap sa aking baywang.

Naninigas ako. Shit! Ano ba ang ginawa ko kagabi? Wag nyong sabihin na lalaki ang kasama ko? Oh my god! Hindi pwede to!

Unti unti akong lumingon at nakita na mahimbing na natutulog si Charlotte habang nakayakap sakin.

Nakaluwag ako sa paghinga ng makumpirmang mali ang nasa isip ko.

At seriously? Anong tingin nya sakin? Unan? Huh!

Inilibot ko ang aking mga mata at naramdaman ang pamilyar na lugar. Nandito kami sa bahay nya.

Ganun ba karami ang nainom ko at hindi ko na matandaan ang mga pinaggagagawa ko?

Nakaramdam ako na parang bumabaliktad ang aking sikmura kaya dali dali akong pumunta ng banyo at sumuka!

What the hell?

"Lex, are you okay? " sabi niya sakin habang hinihimas ang aking likod.

"Sorry nagising kita. Napakasakit ng ulo at sikmura ko. Ano bang nangyari sakin. Nalasaing yata ako ng sobra. Para akong high na high! " umiiling na sabi ko sa kanya.

"Well,  hindi ka nagkakamali jan. Nag wiwithdrawal ka. At high na high ka nga. "

Namilog ang aking mga mata at napa upo ako sa gulat. Hinihintay kong tumawa sya at sabihing nagbibiro lang sya pero nanatiling seryoso ang mukha nito.

Nang mahimasmasan na ako makalipas ang ilang minuto sinabi sakin ni Char ang buong pangyayari.

Hindi ako makapaniwala. Muntik na akong marape.

Bakit ba napaka careless ko? Mangiyak ngiyak kong sabi sa sarili ko.

Laking pasasalamag ko sa lalaking tumulong at nagligtas sa akin.

Sana isang araw ay makita ko sya para mapasalamatan ng personal. Ngunit alam kong imposibleng mangyari yun dahil hindi ako nabigyan ng pagkakataong makita ang mukha nya.

"Anyway friend. Grabe napakapogi nya. Ang swerte mo girl! Kinikilig ako"

"Overacting lang ang peg?  Hello?! Di ko pa nga sya nakikita eh. At excuse me wala akong tiwala sayo dahil iba ang definition mo ng salitang gwapo. "

"Mahiya ka nga Lex! Kung nakita mo lang sya kagabi siguradong maglalaway kadin. At hello? Ang laki ng katawan, bakat ang kanyang 6 pack abs at infairness malaki yung ano! "

Pffft. Dun na ako natawa sa sinabi nya! Talagang nacheck pa nya yun ha? Yan ang bestfriend ko! May pagka maniac! Haha

"My Ghaaaaad! Napaka pervert mo! Kulang ka lang sa higa kaya ka ganyan! "

"Well,  well. Tama ka. Wag kang mag alala magkakaroon tayo ng mission. " excited na sabi nito na tila may binabalak.

"Mission? Ano ka, secret agent? " natatawa kong sabi.

"Yup.  Tatawagin natin tong Oplan Hanap sa misteryosong tagapagligtas"

Napasapo ko nalang ang aking noo habang umiiling. Knowing may bestfriend, lahat ng gusto nya gagawin nya.

"Hayyy. Fine!  Do what you want! "

Sukong pagsabi ko sa kanya.

******

Pagkatapos kong magpahatid kay Char sa bahay ay dumiretso agad ako sa aking kwarto.

Pumasok ako sa CR at inihanda ang bath tub.

Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala sa nangyari kagabi. Muntik ng mawala ang iniingatan kong kayamanan.

Nang mailagay ko na ang Vanilla Scent bubbles at mga rose petals ay lumusong na ako sa tubig.

Wow! Ang sarap sa pakiramdam. Nawala lahat ng tensyon ko sa aking katawan.

Ipinikit ko ang aking mata at tahimik na nagbabad sa tubig.

Makalipas ang tatlongpung minuto umahon na ako. Napakasarap sa pakiramdam.

Naghanap ako ng komportableng damit at nahiga sa kama.

Tinignan ko ang aking cellphone at may nakitang 2 missed call galing sa akinh mga magulang.

Hayy. Kelan kaya dadating ang panahon na ako naman ang pagtutuunan nila ng pansin?

Hinayaan ko nalang ito at itinabi hanggang sa nakatulog na ako kakaisip sa lalaking nagligtas sa akin.

Nagising ako sa mahihinang katok sa pinto. Iminulat ko ang aking mga mga mata at bumangon.

Als dyis na ng gabi. Mahaba haba pala ang aking tulog.

Binuksan ko ang pinto at ang bumungad sakin ay aking ina. Sa tantya ko ay kauuwi pa lamang nila dahil suot padin nya ay isang bestida na hanggang tuhod at blouse na kulang asul.

"Yes mom? It's late. "

"I know baby. I just want to check you. Kumain kana ba? " pag alalalang tanong nito.

"No,  mom. But i will eat. Promise. " paninigurado ko da kanya.

"Okay. Magpapahinga na kami ng daddy mo okay?

"Kay, mom. Goodnight. Love you. "

"I love you too, anak. "

Lumabas na ako ng kwarto para pumunta sa kusina. May mga nakahanda ng pagkain pero tila wala akong ganang kumain.

Nagtungo ako sa ref at kumuha ng gatas tsaka pumasok sa kwarto.

Hayy. Nakakapanibago. Isang linggo nalang at magpapasukan nanaman.

Ibig sabihin ay mag isa nanaman akong mamumuhay sa condo ko.

Pagkatapos kong inumin ang gatas ay binuksan ko amg aking laptop para i-check ang aking facebook account.

As usual. Madaming friend request at ang iba ay minemessage pa ako para iaccept sila.

How pathetic right?

Nang makumpirma kong walang importanteng message ay agad akong nag log out at bumalik sa napakahimbing kong pagtulog.

---------

Ano sa tingin nyo? Bitin ba? Haha.
Pasukan na namin bukas :(

Pero don't worry sisikapin kong makapag update araw araw.

Maraming tumatakbo sa isip ko ngayon. Sana matapos ko ng maayos itong kwento na to. Huhu wish me luck.

Wag kayong magsawang basahin to. Thank you sa inyong lahat!

Love,  Miss L.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Will Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon