Chapter 3

13 1 0
                                    


James POV

Tahimik lang akong umiinom kasama ang aking mga kaibigan.

Nakakasawang makinig sa mga lasing na ito.

"Dude!  Ang Kj mo naman. Di kami sanay ng tahimik ka! " sabi ni Tristan sa akin.

"Oo nga pare. Nandito tayo para mag enjoy diba? " gatong naman ni Seb.

Kung hindi nyo natatanong si Tristan Gomez at Sebastian Silva ay aking mga kababata.

Magkakaibigan ang aming mga magulang dahilan para madalas kaming magkita nung kami ay mga bata pa.

"Sorry guys. Naiistress lang kasi ako kila daddy. Ang bata ko pa para ibigay sakin ang responsibilidad bilang CEO ng kumpanya."

"Naiintindihan ka namin.Kaya nga tayo nandito diba? Para magsaya. Kaya tama na yan. " sabi ni Seb.

"Yeah. Tama kayo! "

"Cheer up dude! Inom pa tayo. " utas naman ni Tristan.

Sa kalagitnaan ng pagsasaya namin nakahanap ng hook up si Sebastian at nagdesisyon ng umalis.

Alam nyo naman. The typical play boy.  Iiwanan din nya pagkatapos pagkaron ng one night stand.

Naiwan akong mag isa sa aming pwesto dahil si Tristan naman ay may kasayaw na babae.

Nagmamasid lang ako sa paligid ng may nahagip ang aking mga mata.

Isang magandang babae,  suot ay kulay pulang bestida na naghuhulma sa kanyang bilingkinitang katawan.

Nakuha nya ang aking buong atensyon ngayong gabi.

Napansin kong nakakarami na sila ng inom ng kanyang kasama.

Napuna ko ito dahil ng tumayo sya para pumunta sa dance floor ay gegewang gewang na ito.

Nagsimula syang ikilos ang kanyang bewang. Sumasabaya sa indak ng nakakaganang tunog ng musika.

May mga nakikipagsayaw sakanyang mga lalaki. Hindi nya alam ay nakakakuha na sya ng atensyon sa bawat galaw ng kanyang mga bewang.

Masasabi kong magaling sya. Nakakapang akit sya ng mga kalalakihan sa bawat kilos na ginagawa nya.

Kinausap sya ng lalaking nasa harap nya. At tumango sya at tila may hinahanap.

Nagpunta sila sa bar counter at uminom.

Ano bang nangyayari sa akin? Nagiging stalker na yata ako.

Tumayo ako at nagpunta sa comfort room para mag hilamos at ng mahimasmasan ako.

Nang lumabas ako ay siyang paglabas din ng babaeng pinagmamasdan ko kanina.

Hindi nya alam na nasa likod nya ko. Natigilan sya sa paglalakad at napatitig sa lalaking kasama nya.

Dahilan para mapatitig din ako. Nakita kong may nilagay ang lalaki sa inumin nya at dali daling tinagp ng makita ang dalaga.

Hayy ano naman ang pakialam ko diba? Bumalik ako sa pwesto namin kanina.

At eto ako. Kasama si tristan na may nakakamdong na babae at nakikipaghalikan sa kanya.

Tss. Grabe talaga.

Napatingin ulit ako sa pwesto ng babae kanina ngunit napansin kong wala na ito sa pwesto nila kanina.

"Tristan! Mauuna na akong umuwi. Naiinip nadin naman ako" pang aabala ko sa kanya.

Love Will Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon