"Hindi ka na ba talaga mapipigilan sa binabalak mo?"
"Oo. Mahal ko siya nagsisisi na ko kung bakit ko siya iniwan noon. Natakot kasi ako baka hindi siya tanggapin nila Appa dati kaya nakipag-break ako sakanya pero ngayon handa na kong ipaglaban siya."
"Ngayon pa? Kung kelan suko na yung Tao?"
"Iba na Mahal ni Jeonghan. Masasaktan ka lang."
"May pag-asa pa ko alam ko yun mababalik ko siya saakin."
"Ang tigas ng ulo mo. Bahala ka."
"Kilala niyo ko pag-gusto ko makuha ang isang bagay gagawa ako ng paraan makuha ko lang yun."
[May clue na ba kayo? Kung sino itech? Pfft. Sige na sasabihin ko na XD]
Hyungwon's
Pagkatapos ng mga narinig ko kanina sa pag-uusap nila Jooheon, IM, Wonho at Minhyuk dali-dali akong lumabas tsaka sumakay sa motor ko kelangan kong kausapin si Mingyu tungkol dito. Mabilis kong pinatakbo yung motor kaya nakarating agad ako sa Condo niya.
"Nog nog!" Hyungwon
Sigaw ko habang kumakatok sa pinto 4AM palang baka Tulog pa. may password yung pinto -.- Teka. Baka naman password niya pa din
"**********"
Password Connected
Tangina yun pa din password. Harot talaga si Nognog.
Pagkabukas ko pumasok agad ako sa loob .... Hindi na talaga ako nagugulat naka-boxer short lang siya oh di siya ng may malaking katawan. Kingina. Hindi pa din nagbabago tong lalaking to.
Bumwelo muna ako atsaka tumakbo sabay talon sakto sakanya."Aww! Gague ka Hyungwon! Kingina mo!" - Mingyu
kilalang-kilala niya talaga ako malamang kapatid ko. Maniwala man kayo o sa hindi kapatid ko siya pinaglihi kasi yan sa kape ako sa gatas. Ahe. XD
Napa-upo siya habang hinihilot yung balakang niya ...
"Ang aga aga Hyungwon! Juskoo." - Mingyu
"Hindi ka na nasanay.' - Hyungwon
"Bat ka ba andito?" - Mingyu
"Gawin mo lahat Mingyu! Gawin mo lahat mapasagot mo lang si Jeonghan, Wag kang papatalo!" - Hyungwon
"Ha? Ano? Hindi kita maintindihan?" - Mingyu
"Namo talaga! Kanina narinig ko na nag-uusap sila Jooheon, Wonho, Minhyuk tsaka IM, Si Wonho may balak na balikan si Jeonghan seryoso na siya." - Hyungwon
"HA?! HINDI! HINDI PWEDE AKIN LANG SI HAN! asdfghjkl----- Aray! Bat mo ko kinurot sa pisngi?!" - Mingyu
"WALANG MAGAGAWA YANG SALITA MO KUNG HINDI KA GAGAWA NG MOVE!" - Hyungwon
"AKO NA BAHALA MAMAYA." - Mingyu
"Nga pala kumain ka na?" - Mingyu
"Hindi pa nga e." - Hyungwon
"Hintay ka dyan ipagluto kita sabay na din tayo pumasok." - Mingyu
"Yes naman Bro!" - Hyungwon
Tumayo siya tsaka dumiretsong Kusina ako naman inilibot ko yung paningin ko sa buong condo niya ang daming nagbago ngayon lang ulit ako nakabisita dito nagulat naman ako sa isang frame na malaki na naka-sabit sa wall may takip yung blanket kaya hindi makita tumayo ako at lumapit sa frame na yun agad kong tinanggal yung blanket ....
O________O
[A/N : credits sa may ari. Nakuha ko lang sa Google XD]SHYET?!
"Gulat ka noh?"
Nagulat na lang ako bigla si Mingyu nasa likuran ko na.
"Paano mo to nagawa?" - Hyungwon
"Yang picture ni Han na ginamit ko dyan nakuha ko lang sa Facebook photo album niya tas Edit ko lang yan pinagdikit ko yung picture ko tas sakanya tapos ayun pinaframe ko. Aish. Iba talaga impact ni Han saakin." - Mingyu
"Ang Torpe mo kasi sa angkan naten ikaw lang torpe." - Hyungwon
"Namo. Tara na nga kumain na tayo 5:30AM na oh maliligo pa ako 7:00AM ang practicum namin." - Mingyu
Nag-nod lang ako tsaka sumunod sakanya papuntang kusina.
LA DIVA BOO Group Chat
"Ganda naman ng Group name natin. Pak na pak!" - FaBOOlous
"Baka gusto mong Pakpakin kita ng kaldero dyan?" - HorSEOKMIN
"Pagbigyan niyo na ko ngayon lang naman." - FaBOOluos
"Gayz?! Ready na ba kayo sa Practicum mamaya? Kinakabahan ako hanggang ngayon kasi di pa kami Bati ni Wuji Baby." - Naega Hosh
"Ano kasing ginawa mo kay Jihoon?" - Jeonghanseum
"Napaka- Kulit mo kasi Hoshi. -.-" - Dino
"Eh sa natatakot nga ako sa Appa at Eomma ni Wuji Baby baka paghiwalayin kami." - Naega Hosh
"Alam mo kasi Hoshi kung mahal niyo ang isa't - isa gagawa kayo ng paraan para hindi masira yang relasyon niyo kung paghiwalayin man kayo ng Eomma at Appa niya Bat niyo naman gagawin yun kung mahal niyo ang isa't isa diba? Maging malakas ka kasi Hoshi lagi kang takot. Kabwesit ka." - Jisoos Cries
"Amen." - HorSEOKMIN
"Shut up kabayo." - Jisoos Cries
"Sana naman naliwanagan ka Hoshi sa sinabi ni Jisoo" - Jeonghanseum
"Oo na. Ang Cute ko pa din." - Naega Hosh
"Last mo na yan Hoshi." - Hao
"Pero Gayz! Kinakabahan din ako. Juskoo! Yung 4 octave high note na gagawin ni Vernoo." - FaBOOlous
"Bakit mo kasi sakanya ipapagawa. Kingina mo kawawa tayo mamaya sa room." - HorSEOKMIN
"Eh para naman kasi maiba." - FaBOOlous
"Hayaan niyo na. Wag na kayong kabahan gawin nalang naten Best naten mamaya." - Jeonghanseum
Seen by, HorSEOKMIN, Jisoos Cries, Swabeng Maknaenae, FaBOOlous & Hao
"Ayy Hutaness. Seen lang." - Jeonghanseum
BINABASA MO ANG
Hide Feelings | GyuHan
Fanfiction"Too much pain, Sacrifice for love, Friendship, Acceptance" Tagu-taguan maliwanag ang buwan pwera sa harap pwera sa likod? Hindi lang naman kasi sa laro lang yang tagu-taguan. Sa pag-ibig meron din ganyan. "TAGUAN NG FEELINGS" Kaya minsan hindi mo...