"hmm.. ahh.. ansarap idiin mo pa sige pa dito naman".
" pwede ba Carl ! tama na pagod na ko , ansakait kaya sa kamay , nangangawit na rin tuhod ko , juice colored maawa ka naman sakin!"
"alam mo Ian minsan nga lang ako maglambing tapos ganyan ka pa sige na isang round na lang please?"
"isang round your face ! ayoko tama na! matulog ka na lang!"
" ih sige na Ian!"
"pwede tigilan mo ko Carl ah! masahihin mo na lang yang sarili mo! di mo nga yan magawa sakin eh pasalamat ka nga minasahe pa kita!". reklamo ko sa bestfriend kong si Carla. Gnyan naman yan pag naglalambing masyadong makulit. Tinungo ko na ang kama ko at nahiga. Matutulog na sana ako nang lumundag si Carla sa kama ko.
"Hindi kita patutulugin hanggat di mo tinatapos ang pag mamassage sa akin". Ang kulit talaga.
Napaupo ako sa kama" alam mo, kung ayaw mong matulog , pwes ako patulugin mo. Dahil sobrang antok ko na" . Tinulak ko siya paalis sa kama ko. Muntik na akong matawa nang bumagsak siya sa saHig pagkatulak Ko.
" Aray ko naman Jillian! " Sigaw niya habang himas himas ang pwet niyang nasaktan pagbagsak niya sa kama .
"Pfft alam mo mukha kang baboy na nahulog sa kama ng amo niya! " Natatawa kong asar sa kaniya.
" Ah ganun ha! " Tumayo siya at dinampot ang isang unan ko at inihampas sa mukha ko.
" Awwwww!" Ah ganun ha , gusto mo ng laro sige! Fight!
At yun nga para kaming mga batang naglalaro ng hampasan ng unan. Hingal na hingal na napahiga kaming pareho sa kama ko." Hayyy... Nakakamiss yung ganito noh? " Maya maya ay sabi ni Carla.
"Oo nga eh, naalala ko tuloy nung mga bata pa tayo, masaya ,walang problema at puro laro at aral lang ang ginagawa natin ". Nakangiti kong sabi sa kaniya . Inaalala ang kabataan namin.
" Namimiss ko na sila Sister Theresa". Ako rin naman miss na sila , at ang tahanan na siyang nagsilbing tahanan namin at ng mga taong kumupkop at nagaruga sa amin. Parehas kaming lumaki sa bahay ampunan. Ang kwento sa akin noon ni Sister Theresa ay nakita niya raw akong palaboy - laboy sa lansangan at hindi alam kung sino ba ako o kung sino ang mga magulang ko. Marahil daw sa sobrang traumatic ang nangyari sa akin ay hindi ako nakapagsalita ng matagal. Pero nang makilala ko si Carla ay doon ako nagsimulang makapagsalita at maging masigla. Naging matalik na magkaibigan kaming dalawa at heto nga ay magkasama pa rin kami hanggang ngayon. Para na nga kaming magkapatid eh.
" Ano kaya kung bisitahin natin sila this weekend? Suhestiyon ko sa kaniya na ikinangiti niya. Napangiti na rin ako.
" I think that's a good idea , paminsan -minsan pala ay may matino ka ring nasasabi eh "
Aba't sobra to ah! Kaibigan ko ba talaga to?"Ah ganun ha." At hinampas ko ulit siya ng unan at hanggang sa naglaro na nga kami na parang mga bata. Sana lagi kaming ganito. Masaya at walang iniisip na problema. I have Carla who always beside me at sana makita ko na ang pamilya ko at magsasama sama na kami at magiging masaya kapag nangyari yun ay wala na akong mahihiling pa.
A/N : enjoy reading 😊 . Pagpasensyahan nyo na lang ang gawa ko bago pa lang kasi ako. Maraming typos and wrong grammar kaya pasensya na. Sana magustuhan ninyo pa rin.
-rizgee