"Ano ba Ian! ambagal mo tlaga kahit kailan! pakibilisan naman pwede?"
dinig kong reklamo ni Carl mula sa labas ng C.R.
"OO na ! saglit lang ! uso maghintay bes!". sigaw ko at nagmamadali nang maligo.
"Alam mo kasi yang kakuparan mo di na matatanggal yan sa sistema mo , aba!sa susunod naman kasi gumising ka ng maaga! para kahit abutin ka ng siyam siyam diyan okay lang walang magrereklamo sayo! pero ngayon, juice colored! late na tayo!"reklamo pa niya.tss
"eto na nga ! tapos na ! atat kasi masyado eh kung sana kasi pinatulog mo ko ng maaga diba?"
pagbukas ko ng pinto di pa nga ako nakakalabas ng c.r. aba! pumasok kaagad ang bakla!sabay tulak sakin palabas at pabalibag pang isinara ang pinto.
"aba, uso magdahan-dahan bes, try mo lang."sarkastiko kong sabi sakanya bago tuluyang makalabas ng c.r.. ahahaha asar talo talaga yun kahit kailan.
Pagkatapos kong makapagayos ng sarili ay agad akong pumunta ng kusina para maghanda ng almusal namin ni Carla. Since wala na kong oras magluto dahil nga late na kong nagising
ay sandwich na lang ang ipeprepare ko para kahit sa daan na lang namin kainin. Sakto ibina-
balot ko na ang sandwiches ay siya ring baba ni Carla."anong almusal natin bakla?". tanong niya.
"ah gumawa na lang ako ng sandwiches para satin , di na ko nagluto kasi malelate na tayo eh".Nahihiya kong sagot kay Carla. ako kasi ang nakatoka sa pagluluto ng breakfast kaya ganoon na lamang ang hiya ko sakanya.
"okay na yan kesa sa wala diba?". sagot niya na di naman galit.
"talaga bakla?, okay lang sayo?."
"oo nga kulit?. tara na bago pa tayo malate ng sobra."at nauna na siyang lumabas ng kusina.
"ay oo .wait mo ko!". habol ko sakanya.pero paglabas ko ng pintuan ay wala na sya.
"hayysss.. ako nanaman ang maglalock ng gate." bulong ko sa sarili.
"Carla ! antayin mo naman ako !." tawag ko sakanya habang tumatakbo para lang maabutan ang bruha.
"kahit kailan talaga napakakupad mo." reklamo niya ng maabutan ko siya.
"sorry naman bakla. ikaw ba naman iwan diba?. sagot ko sakanya. napaka pikunin talaga kahit kailan.
"whatever!"with matching rolled eyes, taray talaga kahit kailan ng bruha pero labs ko yan hahaha.
Nakarating na kami ng sakayan ng jeep at nag-aabang na lang nang may masasakyan habang kinakain namin ang ginawa kong sandwiches.
"Carl, what time pasok mo sa work mamaya?". maya maya ay tanong ko sakanya habang ngumunguya. bigla na lang bumusangot ang bruha.
"wala na kong trabaho".malungkot na sabi nya. Nabigla ako sa sinabi niya na muntik ko pang ikabilaokan.
"a- ano?, teka bakit? anong nangyare?. umasim bigla ang mukha niya.
"nagkasagutan kasi kami ng manager ko, sa sobrang galit ko nasampal ko siya." nakasimangot na sabi niya na lalong ikinagulat ko .
"eha teka, ano ba talaga ang nangyare ha?". tanong ko ulit. kilala ko kasi si Carla. hindi naman yan mahilig makipagaway kahit na mataray talaga siya unless may nasabi talaga sakanya ang manager niya para maprovoke siya at labanan ito.
" kilala mo naman ako diba? 'di ako mahilig sa away, hanggat maaari nga ayokong may kaaway kaya lang sobra na siya to the point na pati magulang ko ay idamay niya, ibang usapan na yun dahil talagang lalaban na ko." malungkot na paliwanag niya. so yun pala ang dahilan. bigla akong nalungkot .