GREI's POV
"Pare anong plano mo ngayong nakabalik ka na dito sa Pilipinas?." Tanong ni Kenneth habang naglalakad kami papuntang parking lot nang matapos ang huling klase namin.
" I'm staying here for good". Tipid kong sagot .
" Alam ba nila Tito ang plano mo?" Si Tyrone naman ang nagtanong.
" No, wala akong balak ipaalam sa kaniya at wala siyang pakialam". Ayaw kong pagusapan ang lalaking iyon.
" Hindi pa rin ba kayo okay ni Tito? Look Justine, matagal nang panahon ang nangyari hindi mo pa rin ba siya kayang patawarin?".
" Wala akong balak patawarin ang lalaking dahilan kung bakit wala na ang mommy ko! Hindi ninyo ba maintindihan yun?". Sobrang galit ako sa kaniya. Nung mga panahong kailangan na kailangan namin siya , na kailangan siya ni mommy ay wala siya at nasa ibang bansa kasama ang kabit niya.
" Just, relax. Concern lang naman kami" pagpapakalma ni kenneth sa akin.
" Pare, kaibigan ka namin. Don't wait for the time na pati ang daddy mo ay mawala rin saiyo" .
" Lance, wala kang alam sa nararamdaman ko! Sana nga siya na lang ang nawala at hindi si mommy eh! Huwag ninyo akong pangungunahan sa kung ano ang dapat kong gawin dahil kung talagang concern kayo maiintindihan ninyo ang nararamdaman ko ngayon.! " . Pagkasabi ko nun ay agad akong sumakay ng kotse ko at pinakaripas ng takbo at iniwan silang tatlo. Naiinis ako , bakit ba hindi nila maintindihan ang pnanggagalingan ko? Galit na galit ako sa sarili kong ama dahil siya ang dahilan ng pagkamatay ni mommy. Hinding-hindi ko siya mapapatawad.
Bigla akong nagpreno at sumigaw dahil sa galit na nararamdaman ko. "Aaaaahhhhhh!!!!" Hinampas ko ang manibela at sinubsob ang mukha doon. Umiiyak na naman ako dahil sa kaniya. Nanatili lang ako sa ganung posisyon ng magring ang phone ko. Tiningnan ko ang caller saka sinagot ang tawag .
" Hannah".
LANCE's POV
Nandito kami ngayon sa Bar na tambayan naming magkakaibigan. Dito ko sila niyaya matapos ng nangyari kanina sa parking lot sa school. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay galit na galit pa rin siya sa sarili niyang ama.Hindi naman siya masyadong nagoopen up sa amin sa totoong nangyari , ang alam lang namin ay sinisisi niya si Tito Jaime sa pagkamatay ni Tita Mildred.
"Pare huwag mo nang isipin ang nangyari kanina, hayaan na muna natin magpalamig si Justin". Tapik sa akin ni Tyrone ng mapansin niya ang pananahimik ko.
" Oo nga pare , parang hindi ka naman sanay doon, Kaya lang hindi na healthy para sa kaniya ang pagtanim ng galit niya sa daddy niya". Sabi naman ni Kenneth na halata ang pagaalala kay Justine.
" Hindi ko alam kung paano natin siya matutulungan kung hindi naman siya ngoopen up ng problema niya sa atin." Malungkot kong sabi sabay lagok ng alak.
"Magiging okay din yun, huwag ka na masyadong magalala.". Pilit akong ngumiti sa kanila. Maya maya ay nagpaalam silang dalawa na sasayaw, niyaya pa nila ako pero tinanggihan ko lang sila. Nakatanaw lang ako sakanila ng mahagip ng mata ko ang familiar na babae.Halatang empleyado siya dito base sa suot niyang uniform. Naalala ko bigla kung sino ang babae na iyon ng matapat siya malapit sa table namin habang nagtetake siya ng order. Siya yung babae kanina na nakaaway ni Justine. Gusto ko sanang makausap siya para humingi ng dispensa para kay Justine dahil sa pananakit at pambabastos nito sa kaniya kaya lang ay busy ito at nagtatrabaho ,kaya naman maghihintay muna ako ng timing para makausap siya.
"Pare, sayang hindi ka sumama , andamaing chicks dun." . Bungad na sabi ni kenneth pagkaupo niya galing sa pagsasayaw. Kahit kailangan talaga napakababaero.Ngingiti ngiti at iiling iling na lang ako sa kalokohan ng kaibigan ko.
" Nasaan na si Tyrone? " Tanong ko nang mapansing hindi niya kasunod si Tyrone.