Chapter 6: Mr. Poker Face

8 0 0
                                    

A/N

Sorry ang lame ng update na 'to. Pasensya na kasi ang daming pumapasok na idea sa utak ko. May new story na gusto kong umpisahan pero ayun nga wala pa po sa kalahati ito. Kaya i-draft ko na lang muna. Salamat ulit sa mga nagbabasa.

Ayiee...natuwa ako nadagdagan ang nagbasa nitong story na 'to.

May short story din po pala ako na nagawa 40 days of Eternal Love. Go to my profile if hindi hassle sa inyo hehe.

Elise POV

It's been two weeks after ng transformation ko. And yes you can call it a success. Almost all the guys in the campus tries hitting on me. But of course, I know my boundaries.

Non-stop ang invitations for dates.

Non-stop din ang confessions ng feelings nila for me.

Non-stop ang dating ng flowers.

Non-stop ang dating ng chocolates.

Non-stop ang dating ng gifts.

Non-stop din ang unexpected callers.

Non-stop sweet text messages.

And would you believe na uso pa pala ang love letter?

Dahil Non-stop din ang dating ng love letters.

At ito pa,  even the harana thingy. Ghad! this is a hell of a week for me.

One of my embarrassing moment talaga yun.

Kung iniisip nyu na super kinilig ako nung time na yun. HELL NO!!!!!!

If your thinking na bakit ang OA ko naman maka-react, then tell me. Sinu naman ang matutuwa na haranahin ka ba naman sa tapat ng ladies restroom pagkalabas na pagkalabas ko dun. Ok pa sana if maganda ang boses. Pero sa kasamaang palad di sya na biyayaan ng talento. Mukang may LQ ata ang boses nya at yung melody nung kinakanta nya. Yay...ako na korni. Masisi nyo ba ko eh sa hindi magtagpo yung tugtog at yung pag kanta nya. Kung itatanong nyo naman if may itsura, meron naman. Mukha naman syang tao if tao nga ba sya?..hayz (-_-")

Hindi ko maimagine na magiging torture din pala sakin to. Gusto ko lang naman na malaman nila na mali ang decision ng mga ex ko na hiniwalayan nila ko. Hindi ko naman hiniling na makuha ang atensyon ng lahat ng lalaki sa campus. Tama nga sinabi nila "Be careful what you wish for 'cause you just might get it all"

I need to take a break. Dami ko ng pagod. Super hectic ng schedule ko. Studies plus dates..oh common..Gusto ko rin naman ang makagraduate.

Hinahayaan lang ako ni Tita Lorie sa mga kalokohan ko pero pag studies na ang pinag-uusapan. Naku lintik lang ang walang ganti. Hehe joke lang pero super serious yun about sa studies ko.

Nangako daw kasi sya sa parents ko na kahit anung mangyari dapat makatapos ako ng pag-aaral ko. Ang gusto pa nga ni Tita eh with flying colours pa. My Ghad naman.

Dahil nga mahal na mahal ko si Tita Lorie at ang parents ko pinipilit kong makakuha ng matataas na grades kahit di ko sila mabigyan ng karangalan (wow ang lalim haha) sa school idadaan ko na lang sa grades. Kamusta naman kasi pahirapan sa university na pinasukan ko. Makapasok pa lang sa Dean's Lister eh sunugan na ng kilay pa nu pa kaya ang pumasok sa Cumlaude, Magna at Suma Cumlaude.

Iniimagine ko baka nagbibigti na ko haha.

Sa mga di pa nakaka-alam, Im taking up Bachelor of Science in Accountancy. Im in my fourth year na din kaya super hirap. First choice ko talaga ang IT pero ayaw ng Tita ko. Mas maganda daw ang Business Course sure daw sya na magagamit ko daw yun in the future. Wala naman na kong nagawa kasi close na ang enrollment sa IT Department kasi madami ang kumuha nun panu di mga umabot sa grade requirements ng ibang course. (A/N No offense sa mga IT..Love ko kaya ang IT ^.~) Kaya no choice napunta ako sa Accountancy.

Miss Bittersweet (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon