Ako talaga ang true love.
Na-traffic lang.
Day 1
Unang araw ng klase…
First year ako sa isang state university.
Kaya naman hindi ako nahihiyang bumaba ng sinasakyan kong jeep dahil karamihan sa mga
mag-aaral dito ay can’t afford din ng car.
Di bale, mag-aaral nalang ako
ng mabuti para ma-afford ko din ang dream car ko. Simple lang naman
iyon: isang itim na Camry.
*isang malapad at labas-ngipin na smile*
Pagkatapos isipin ang sarili kong nagmamaneho ng camry ay naglakad na
ako. Pumasok sa medyo kalawanging gate ng paaralan at napasimangot.
Sa loob ng isang minuto kasi, wala manlang akong nahagip na gwapo.
Okay, simangot ulit.
Marami kasing magaganda.
Naisip ko kasing, marami ang aking kakompentensiya.
Ignore. Buuin ang self confidence. Chin up. Chest out. Thanks to my
genes.
May advantage ako sa usaping “chest”.
Dahil medyo buo na ang aking nawasak na self confidence ay nagpatuloy
na ako sa paglalakad. Natural na kumekendeng ang balakang ko, despite
my disapproval. Ayoko kasing nagse-sway ang hips ko. Masyadong pagirl.
Parang nang-aakit.
Parang hindi ako.
Speaking of ako.
Ano ba ako?
Ah, tao?
Marie Pagaduan ang full name ko.
At OO. Ako ay isang tao. Babae. Morena pag nababad sa araw pero papasang
mestiza kapag nakakulong sa bahay.
Maganda ba ako?
Kapag nasa barangay ako, feel kong maganda ako. Iyong tipong
napapalingon ang mga binatang tumatambay sa tyange at sumisipol ang
mga batang nagfe-feeling teenager na. Siyempre, ako namang feeling
maganda, may pa ignore the fans pang nalalaman. Feeling ko kasi, ang
cheap ngumiti sa mga tambay. Oo na. Feelingera ako.
Lahat naman ng tao may “feelingera” side. Lahat ng babae iniisip na
maganda sila. Hindi man nila iyon aminin, pero nararamdaman nila iyon.
At kapag sinabihan mo silang maganda, tapos inulit-ulit mo pa, naku!
Maniniwala na iyon. At paniniwalaan niya ang bagay na iyon kagaya ng
paniniwala niyang masarap ang puto kapag sinawsaw sa dinuguan.
Bakit ko ba kinikilatis ang mga babae? Wala lang. Introvert ako eh. At
marami lang akong napapansin. Hayaan nyo na.
Balik tayo sa first day ng klase ko…
Pagpasok ko ng classroom, halos kalahati palang ang tao. Siyempre,
BINABASA MO ANG
Ang True Love kong Na-traffic
RomanceAno ba ang patutunguhan ng dalawang pusong pinagtagpo sa bawal na pagkakataon? "Falling in love with a girl who is not your girl friend is sick, but falling in love with your best friend is way sicker." - Blue "Kapag ang love ba nakakulong sa wrong...