Hey guys!
Sorry kung medyo matagal ang UD ha?
Anyways, heto na ang chapter 4 ng ATLKN.
Sana mabasa ninyo!
ENJOY!!!!!!
:D
-----
Ibinaba ko ang aking school bag sa kama.
Napahiga din ako.
Napabuga ako ng malalim ng hininga. Mga two meters deep.
Pfft.
Ewan ko ba.
Wala naman kaming ginawa sa school pero parang ang bigat ng katawan ko.
Para akong pinakarga ng ilang daang semento.
Ang sakit ng likod ko.
Pati batok ko ay nagrereklamo din.
Hay.
Ano ba ang problema ng maliit kong katawan?
"Marie! Anak, dumating ka na ba?"
Si mother dear iyon na ang pangalan ay Theresa.
Isa itong empleyado sa bangko at kagawad din sa aming barangay.
Ang Brgy Kalipay.
Sabi ng pinsan ko, "Happiness" daw ang ibig sabihin ng salitang "Kalipay."
So technically, nakatira ako sa barangay Happiness.
HAPPINESS.
Parang Coke sa commercial lang.
heehee
Tumayo na ako at pumunta sa pinto.
Binuksan ko iyon at nakita ko ang aking ina na naka-pambahay na.
May bitbit din itong mga damit na hindi pa natutupi.
Parang alam ko na kung bakit ako tinawag ng aking mabuting ina.
May iuutos yata sa aking kagandahan.
"Anak, pwede bang pakitupi ang mga damit natin? Ipagluluto ko pa kasi ng hapunan ang tatay mo."
"Oo naman nay. Walang problema."
Ngumiti ang nanay ko at nagpaalam nang pupunta sa kusina at maghahanda ng magic dinner.
Reyna sa kusina ang nanay ko. Da best itong magluto.
At siyempre, kami ni tatay, Da best kaming kumain ng mga luto nito.
Oh di ba? We are a family of "Da best."
----
Napatingin ako sa maliit na alarm clock sa study table ko.
Alas-dose na.
Dapat ay inaantok na ako. Pero bakit hindi ako makatulog?
Kaysa pilitin ang sarili kong pumunta sa dreamland, tumayo ako mula sa kama ko, binuksan ang switch ng ilaw at---nag-isip ako ng magandang gawin.
Lumapit ako sa aking built-in cabinet na puno ng poster ng F4 na wala akong balak kunin kahit medyo laos na sila.
Binuksan ko ang cabinet at tumambad sa akin ang iba't-ibang bagay.
Lumang magazines.
Textbooks.
School papers.
BINABASA MO ANG
Ang True Love kong Na-traffic
RomanceAno ba ang patutunguhan ng dalawang pusong pinagtagpo sa bawal na pagkakataon? "Falling in love with a girl who is not your girl friend is sick, but falling in love with your best friend is way sicker." - Blue "Kapag ang love ba nakakulong sa wrong...