ATLKN: Isnaberong Kumag aka Blue

82 4 5
                                    

Hello! Sana ma-enjoy ninyo ang chapter two ng Ang True Love kong Na-traffic (ATLKN).

You can post your comments below.

Look right: That's Akihiro Blanco, ang inspirasyon ko para kay Blue. hehe

Happy reading!

Day 2

Maaga ako ngayon. Oh well, early bird talaga ako eversince.

Ewan ko ba, ayokong nale-late eh. Parang nakaka-stress na pumasok ng classroom na nagsisimula na ang klase. Stress din ang maglakad-takbo para lang makaabot sa early quiz ng guro.

Dagdag wrinkle din ang malagyan ng "Late" sa attendance sheet.

Basta. Ayokong ma-late.

Anyways, lima palang kami sa classroom. As usual ay nasa dulo at pinakagilid na naman ako pumuwesto- malapit sa binata. Ang aking emo spot. hehe

Nang makita ko ang apat na bakanteng upuan sa last row kung nasaan ako ay naisip ko ang aking mga bagong friends.

Oo, I consider them as friends already. Kahapon kasi, halos hindi na kami mapaghiwalay. After my stressful encounter with isnaberong kumag ay nagkaroon ng panibagong sunny rays ang aking hapon.

Pagkatapos ng klase sa hapon ay tumambay pa kami ng new friends ko, na tinatawag kong "the Universal elements"

Sssh. Hindi nila alam yun. Secret lang to ha?

So yun nga, tumambay kami sa isang bakeshop sa harap ng school namin at pumapak ng tig-pisong pandesal at lumagok ng naka vendo na chocolate drink. Marami kaming pinag-usapan, although mostly ay nagtawanan lang kami.

Basta, masayang kasama ang apat na yun. Para kang namamasyal sa universe sa diverse ng mga topic namin.

Amazing. Ang talino nila. Parang ako! hahaha

Ang kapal ko, minsan. heehee

Biglang umulan. Napangisi ako. Tamang-tama para sa konting page-emo.

Teka, bakit ba ako mage-emo? MAsaya naman ako ah.

Napatingin ako sa pinto.

Umangat ang isang kilay ko nang pumasok si isnaberong kumag.

Dire-diretso ang lakad nito. MAy konting angas, at punong-puno ng confidence.

Yabang! hmpf. 

Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko.

Aba, ang kapal ha? 

"That seat is taken," sabi ko.

O ha? English yan! 

Walang imik na tumayo ito at lumipat sa kabilang upuan. 

"That one is also taken."

Kumunot ng bahagya ang noo nito pero hindi ito umimik. 

Parang nagtitimpi si isnaberong kumag. 

Hah! MAnigas ka! I mean, mainis ka pala!

Tumayo ulit ito at lumipat sa kabilang upuan.

"That sea-"

"What? Taken din ang upuan na to?"

Hindi na nito napigilan ang inis. Maging ang mga mata nito ay medyo nagbabaga na rin.

Aba, pikon!

MAhina akong napatango. Somehow, nakakatakot tong isang to.

Sa laki nito at sa liit ko (well, compared to his well I guess 5'11 na height, maliit ako at 5'2), baka sa maruming stockroom ako pulutin.

Ang True Love kong Na-trafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon