ATLKN: Mr. President

66 3 2
                                    

I hope magustuhan ninyo ang chapter 3 ng ATLKN. 

Sinulat ko to last week pero ngayon ko lang na-post. hehe

---

Third day of school.

I’m still stuck with Blue who is two empty seats away.

Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango nito.

Ipupusta ko ang bagong gupit na bangs ko na Polo Blue iyon.

Speaking of bangs, biglang naging sagabal iyon sa aking visuals kaya hinawi ko.

May kahabaan ang bangs ko. Hanggang tenga.

Okay lang, kasi one-sided lang naman.

Kahapon ay hanggang baba ko iyon, kung bangs pa ang tawag doon.

 May criteria ba para masabing bangs ang ilang piraso ng buhok o kabilang na iyon sa general population ng mga buhok? You know? Kung may specific length siya or something?

Hmm. Ma-research nga yan mamaya.

Anyways, iyon nga nagpagupit ako. Kaya naman ngayon, feel na feel ko ang paghawi ng bangs ko.

Nakakaganda.

I can feel it!

Ang ganda ko!!!

Bwahahahaha

Napansin kaya ni Blue ang bangs ko?

Malamang hindi.

Paano ba naman kasi, tutok na tutok na naman ito sa cell phone nito.

Hmpf.

Masyadong in love sa jowa.

Maya-maya pa ay may pumasok na kung sino.

Malamang ay higher year kasi naka-uniform na ito.

Samantalang sila ay may dalawang buwan pa bago magsuot ng uniform.

Excited na nga siya eh.

Feeling ko kasi, kapag naka-uniform na ako, mas mai-imbibe ko ang “kolehiyala” aura.

Noong high school siya ay gandang-ganda ako sa mga college students na nakikita ko.

Nakasuot ang mga ito ng parang pang-office na uniform, o di kaya iyong pang-nurse o pang-teacher

. Tapos nakasuot ng heels at naka-shoulder bag.

Ang seksi nilang tingnan.

Kitang-kita ang pagkendeng ng mga balakang nila.

Kaya siguro marami sa mga kaklase ko ang mahilig sa mga kolehiyala.

Attractive daw sa mga boys ang mga mature na babae eh.

 “Hello everyone. Magandang umaga. I’m Jean Rocco. Isa ako sa member ng college Council. andito ako para i-inform kaya na magkakaroon ng election para sa batch council mamayang hapon kaya kailangan ay mayroon na kayong class officers by now. Naka-elect na ba kayo?”

Isang hindi sabay na “Hindi pa” ang naging sagot namin.

Nagkatinginan kami ng mga Universal friends ko na sa kabilang column nakaupo.

Nasa front row silang apat.

“I suggest mag elect na kayo ng officers ngayon since wala pa naman ang teacher ninyo.”

Nagkalingunan ang mga classmates ko. Tila nagtatanong sa isa’t-isa.

Pagkatapos ng halos dalawang minuto ay tumango ang lahat.

“Okay,” ani Jean. Tinuro nito si Saturna, “Can you please facilitate the election?”

Mabilis namang tumayo ang kaibigan ko at pumunta sa gitna.

Kinuha nito ang box ng chalk. (Oh yes. 2014 na pero chalk pa rin ang gamit namin. Cool no?)

 Nagsulat ito sa blackboard ng: BS Biology 1 Class Officer SY 2014-2015.

Ay, oo nga pala. Hindi ko yata nabanggit. Biology ang kurso ko.

Dream ko kasing maging marine biologist at sumisid sa dagat para kaibiganin ang lahat ng sea creatures.

hehe...Joke lang!

Anyways, balik tayo kay Saturna my friend.

Isinulat na nito ang iba’t-ibang posisyon na pwedeng takbuhan.

Grabe, ang ganda ng penmanship ni Saturna. Biglang nahiya ang grade-school quality handwriting niya.

Di bale, hindi man maganda ang handwriting ko, malinis naman ang kuko ko!

Huh?

Anong konek?

Wala.

Walang konek. May masabi lang. Ya know?

“The nominations for president is now open,” anunsiyo ni Saturna. 

Limang segundo pa ang lumipas bago may isang nag-angat ng kamay.

Ang kaklase kong si Reema iyon.

“I nominate Carlene for president.”

Ang Carlene na tinutukoy nito ay ang Fil-Am kong kaklase.

Maganda ito.

Matangkad.

 Mayaman.

Sexy.

Ma-make up.  

Sosyal.

You know. The usual Fil-Am girl.

Inilista ni Saturna ang pangalan ng babae sa board.

“Any more nominations?”

Ang kaklase ko namang mukhang basketball player dahil palaging nakasuot ng varsity jacket ang nagtaas ng kamay.

“I nominate Blue for class president.”

Mabilis kong nilingon si Blue.

Wala itong reaksyon.

Grabe, mukhang-bato talaga ang isang to.

Solid sa tigas ng mukha.

Pfft.

Umutot kaya ako?

Magre-react kaya si isnaberong kumag?

Nang maisip niya ang “utot scene” ay binatukan ko ang sarili.

Tanga ka ba Marie at may plano kang umutot sa klase?

Hay. Para akong biskwit na walang brains.

Anyways, ayun.

Wala nang further nominations at isinara na ang botohan.

And I am torn between Carlene the Fil-Am girl and Blue the snob guy.

Sino ang pipiliin ko???

---

Abangan.

Did you like my story?

Don't forget to vote if you liked it para mas ma-inspire akong pagandahin pa siya:)

And I would appreciate it if you would leave a comment :))

Till the next chapter!

Ang True Love kong Na-trafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon