Rounds Of Love

941 31 10
                                    

Sofie's P.o.V.

First day of school. A lots of friend, terror teacher, nice seatmate, tiring day. Halos lahat 'yan ay hindi nakaligtaang dalawin ako. Gawd! I can't believe that a goddess like me can handle those situations.

"Uuwi ka na?"

"Pasakay sa kotse. Dala-dala ang lahat ng gamit, at higit sa lahat pagabi na. Ano sa tingin mo? Papasok pa lang?" Saka ako umirap. Stating the obvious makes her really really really really—stupid!

"Kung ano ka pa rin dati, 'yon ka pa rin. You're still sarcastic, and oh... feelingera pa rin."

"Best! Parang hindi ka na nasanay sa'kin." Saka ako tumawa. "At least ang pag-pi-feeling ko, may sinasabi. Look!" Tumindig ako ng ayos, at ipinakita ang kabuuan ko sa kanya,  "I'm still pretty, goddess, happy and—"

She cut my words, "Single. Your status was still single. Kailan ka ba magpapaligaw? Napakarami mong suitors, compared to me. Lalo na si Ian, he's handsome, rich kid, and everything. Halos lahat nga'y nasa kanya na."

"Nah! Ayoko ngang maghanap ng sakit ng ulo, Jem . Nakaka-stress! Baka nga one day, magulat na lang ako, may wrinkles na pala ako't namumuti na ang buhok. And that Ian? Yeah, maybe you're right. He got everything, but not my heart." As I said that, I laughed.

"Mayabang." Saka siya umiling-iling.

"Okay, enough conversation. I'll go first. See you tomorrow."

"Okay. Bye girl!" Lumapit ito at saka siya nakipag-beso sa'kin. Nagngitian na lang kami matapos. Isinara ko na yung pinto ng kotse ko. Isinuksok ang susi at saka iyon pinaandar. Bumusina pa ako, bago pinatakbo ang kotse ko papalayo.

Nasa daan lang ang tingin ko, ang isip ko nama'y lumilipad.

'Your status was still single.'

'Kailan ka ba magpapaligaw?'

Napailing na lang ako nang maalala ko uli ang sinabi sa'kin ni Jem.

Really! I don't want to have a boyfriend. I'm happy on who and what I am right now. Fourth year college and taking up as a flight attendant. 'Yon lang ang plano ko sa ngayon. Ang makapagtapos ng maganda pa rin, at makapagtrabaho ng maganda pa rin. Haha!

-

"How's your first day of school?" My mom asked.

Kararating ko lang ngayon dito sa aming oh-so-precious-lovey-dovey-mansion.

"As usual, nakakapagod, boring, at higit sa lahat... boring. Oh! Nasabi ko na pala ulit yun."

Tumawa na lang siya sa'kin. "By the way, pumunta ka na sa kusina. May bisita ka kasi."

"Sino?" tanong ko. Sinimulan ng maglakad patungong kusina. Actually, malayo-layo pa 'yon. Narito pa lang ako sa entrada ng mansion at nasa pinakadulong bahagi pa ang kusina.

Sumunod naman sa'kin si Mommy. "It's for you to find out." She giggled.

Ang lakas ng kutob ko na kilala ko na yung sinasabing bisita ni Mommy. And for sure, iinit ng bonggang-bongga ang ulo ko. Yung tipong pati utak ko hindi kakayanin ang pressure na makita siya.

Rounds Of Love (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon