CHAPTER 2

225K 2.1K 46
                                    

JAMIE’S POV

“Huuuh.. Anong oras na ba?” I tried to look at my alarm. Ang sakit naman ng ulo ko. Tiningnan ko muna kung tama ba itong orasan ko dahil 7:30 AM na, hindi naman ako makapaniwala kaya kinuha ko ang cellphone ko. “WAAAAHHHH!” Malalate na ako. Kumaripas ako ng takbo papuntang bathroom at dali daling naligo. Pinagsabihan pa naman kami na hindi kami pwedeng malate ngayon.

Sinuklay ko ang buhok ko habang tumutulo pa ang tubig dito sa sasakyan. Wala na nga akong oras, magbloblower pa ba ako? Bumaba agad ako sa sasakyan nung huminto iyon sa harap ng kompanya na pinagtratrabahuan ko. Late na late na talaga ako. Imagine 45 minutes? Hindi naman ako pwedeng mag-absent. Binati ko sila kuya guard.

“Morning Ma’am! Aba late na po kayo, nandoon na po si MR. MENDREZ” Hindi ko na naintindihan ang pinagsasabi niya dahil tumakbo na ako.

Pagdating ko sa table ko, mukhang balisang balisa ang ibang officemate ko habang ang iba naman ay parang nakakita ng artista dahil ang mga mata nila ay kumikinang at nakangiti pa talaga. Binigyan ba sila ng bonus ngayon? Wala tuloy akong bonus. Magkano kaya natanggap nila? Hinanap ko muna ang suklay ko dahil alam kong sabog ang buhok ko dahil sa pagtakbo.

“Jam! Bakit ngayon ka lang?!” natatarantang sabi ni Chelsea nung makita niya ako.

“Magkano ba ang bonus?” excited kong tanong habang hinihingal pa ako at sinusuklay ang buhok ko.

 

“Anong bonus ang pinagsasabi mo? Pinapapunta ka na lang sa taas ni bakla at mukhang naiinis dahil kanina ka pa hinahanap!” Bakit ba kasi natataranta ang mga tao ngayon? pati tuloy ako natataranta na rin.

“ANO?! S-sige p-pupunta na ako.” Iniwan ko na ang bag at suklay ko sa mesa. Kapag si bakla ang magpatawag sa akin alam kong kailangan kong magmadali dahil importante iyon. Para akong nagmamarathon dahil tumatakbo ako at hindi ko alam kung saan siya mahahanap. Alam kong mapapagalitan na talaga ako nito ng TODO like TO THE HIGHEST LEVEL.

  

“Arrrouch!” Hinawakan ko ang nasaktang ilong at maluha luha ako ngayon. Kaninong katawan naman kasi nito at napakatigas? Pag-angat ko ng mukha nakasmirk lang siya. Bakit ang mga tao ngayon hindi na marunong magsalita ng sorry. “Hindi ka ba tumutingin sa dinadaanan mo?”

Ngumiti lang siya ng nakakaloko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napalunok naman ako, ano ba ito? Bakit parang ang init? Eh naka aircon naman dito. Hindi kaya manyak ito?  “Aba’t, anong tinitingin tingin mo-“ Napatitig naman ako sa kanya dahil parang nakita ko na ito dati.

“Oh, MS. RODRIGUEZ, good that you’re here.” Putol ni Ms. Tricia at idiniin pa niya ang apelyido ko. Siya lang naman ang bakla kong kaibigan na supervisor. Actually babae siya, bakla lang talaga ang tawag namin sa kanya.

 

“Good Morning Ma’am,” I greeted with big smile para hindi ako masyadong pagalitan.

Married To My Boss (published by Lifebooks) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon