CHAPTER 2

1 1 0
                                    

-3RD PERSON-

Nasa kalagitnaan ng laro ang Lady Phanters Vs. Lady Archers para sa pagsisimula ng UAAP SEASON 79 VOLLEYBALL. Hiyawan mula sa audience galing sa dalawang bigating universities.

"Partner magaling itong bagong miyembro ng Lady Phanters, Perez is now leading the game at kaka-iba ang pinapakitang gilas sa liksi at bilis sa lakas pumalo at pag spike di maka-iskor ang Lady Archers" komento ng Host ng Uaap.

"Tama ka diyan partner, people are shouting her name, at balita ko manok ni Kendra Smith si Perez na pumalit bilang Captain ng team. This is the last game for Kendra Smith dahil magtatapos na ito sa susunod na taon".

"See that partner? Perez is totally a monster of the game, viewers the first win game goes to XAVIER UNIVERSITY, 2 more winning at pasok na sila sa finals"

Hiyawan at palakpakan sa loob ng Araneta para sa pagtatapos ng unang laro ng UAAP.
"XAVIER! XAVIER! XAVIER! PHANTERS" sigaw ng mga student ng xavier at fans ng phanters.

*****************************
-ALEX-

Pawisan siya na pumasok sa Dressing room na nakalaan para sa kanilang team. Nanalo kami! Yuhoo. First win sulit na sulit ang pagod ko sa isang taon na pag eensayo ko ng walang humpay, naging utusan ng ibang miyembro na ayaw sa kanya lalo na si mika. At madalas na ka one on one si Kendra kaya mas lalo pa ako na pinag-initan ni mika. Pero di na lang nag pa apekto..

Sinalubong si alex ng hiyawan sa dressing room. At ng si kendra na ang lumapit bigla siya nito niyakap "I'm so proud of you alex, ibigay mo sa akin ang trophy sa season na to bilang pabaon sa pag graduated ko okay?"

Ang bait niya talaga sa akin. "Bakit ako? Sa buong team ito captain at sa tulong mo sa amin, gagalingan pa natin sa susunod" ginulo nito ang buhok ko na parang isang paslit. Tumayo naman si mika at lumapit din sa amin ni kendra.

"Congrats alex, halos sayo lahat ang puntos ahh" wika ni mika. Nahihimigan ang inis sa pagbati niya. "Di naman, one team di ba? Tagumpay natin to" simpleng tugon ko. Ngumiti naman ito pero halatang di naman bukal sa kanyang loob.

Pag labas ng araneta. Nilabas agad niya ang cellphone upang tawagan ang kanyang lola.

"Hello lola, nanalo po kami"

UNTIL FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon