"Ano, sumagot ka? Anong pumasok d'yan sa utak mo huh? Gan'yan ka na ba ka-desperada?"
Galit na galit sila sa'kin. Lahat ng tingin nila sa'kin ang sama.
Napangisi ako. Umayos ako ng tayo. Ang dali lang nila akong husgahan. Sabagay, wala naman silang alam. Ayaw ko ng magpaliwanag. Hindi nila ako maiintindihan at hindi-hindi nila maiintindihan ang sitwasyon na meron kami.
"Ano, Luna? Sumagot ka? Anong pumasok sa utak mo at nanira ka ng relasyon? All this time, ikaw pala 'yong third party. Paano mo nagawa 'yan sa pinsan mo? Sa sarili mo pang kadugo. Nakakahiya ka."
Kulang na lang sampalin at sabunutan ako ni Norine. Nanlilisik ang tingin nya sa'kin.
Tinignan ko sya ng mata sa mata ng may tapang. Hangga't maaari hindi ako sasagot. Hindi ako iimik. Sobrang pagtitimpi na ito para ipagtanggol ang sarili ko. Ayaw ko makapagbitaw ng mga salitang pagsisisihan ko din.
Nakakahiya palang magmahal, ngayon ko lang nalaman.
"Ano, Luna? Anong klaseng mga tingin 'yan? Ikaw pa ang matapang? Para kang kabet sa ginagawa mo. Hindi mo ba alam 'yon? Hindi pa umuuwi si Janna dahil sa ginawa mo. Dahil sa ginawa n'yo ni Bryan. Fuck that Bryan."
Hindi nila alam kung anong meron kami ni Bryan. Na ako ang nauna at hindi si Janna.
"Ano, Luna?" Sumigaw na si Norine sa harapan ko. Hindi din s'ya pinigilan ng iba ko pang mga pinsan. Hindi s'ya pinakalma. "Kailan pa kayo ni Bryan?"
Muli akong ngumisi dahil sa tanong na 'yon na agad ding nawala dahil tinignan ko ulit s'ya sa mata.
"Matagal na. Mas matagal pa sa dalwang taon nila ni Janna. Walang third party ang nauna. Tandaan mo 'yan."
Saka ako umalis sa harapan nila. Sa mga mata nilang mapanghusga. Bahala na silang magtaka. Isipin nila kung paano nangyari 'yon ng hindi nila nalalaman.
Pero...
Bakit ako pumayag sa ganitong sitwasyon? Ang tanga ko pala.
Doon na pumatak ang luha ko. Napaisip na din ako sa tanong ko. Bakit nga ba?
