Thirteen- Ikalawang Parte

60 3 0
                                    

LRRHTBBW- Thirteen- Ikalawang Parte

+

"Isipin mo ang gusto mong isipin... Hahahaha! Wala ka na rin namang magagawa dahil tapos na! Hahahaha!"

Tahimik lang na nanunuod ang mga tiga-bayan. Karamihan ay mga galit na emosyon ang makikita. Umiiyak si Rose habang tumatawa parin ang babae. Ang lalakeng nagpanggap bilang si Damien ay hindi makatingin nang diretso sa mga mata ni Rose.

"B-bakit?" Bulong ni Rose.

Sari-saring insulto at kung ano-ano ang mga binabato ng mga taga-bayan kay Rose. Lahat ng iyon ay sinalo nya. Hindi nya kayang gumalaw. Parang namanhid sya. Hindi sya naniniwala na wala na si Damien. Pero ayaw nyang makita ang sinasabi ng babae sa kanyang harapan.

"D-damien..."

+

"Rose?"

Nabalik sya sa wisto ng marinig nya ang boses ni Jose. Simula ng makausap nya ito ay kapansinpansin ang pag-iba ng mga kilos nito. Parang hindi mapakali.

"Ano yon?" Tanong nya.

"A- aalis lang sana ako. May pupuntahan lang... T-tungkol sa t-trabaho.."

Nilingon nya ito. Hindi na naman ito makatingin sa mata nya ng diretso. Hindi kagaya ng dati. Ngumiti sya.

"Sige. At kung makita mo man si Red, sabihin mong umuwi na... Ingat ka."

Tumango ito at umalis na. Sinundan nya ng tingin ito habang palayo.

'Hmm... Trabaho ang sabi nya? Ngunit bakit sa kabilang dereksyon sya papunta? Ano ba ang tinatago mo, Jose?'

+

Pagkatapos nyang maghanda ng pananghalian ay nagpalit sya ng damit at nagtungo sa gubat.

Parang wala sa sariling tinahak ang daan papunta sa gitna ng gubat. Para bang kabisado nya ang gubat at agad nakarating sa paroroonan. Tumigil sya sa harapan ng isang lumang kubo. Halatang wala ng nakatira dahil may mga butas na ito. Sira na rin ang pintuan.

Tinignan nya ang kabuuan ng kubo.

"Pamilyar sa'kin ito... Ngunit ngayon lang ako nagpunta sa gubat.." Bulong nya sa hangin.

Pumasok sya sa loob ng kubo. Bawat sulok ay sinusuri. Hindi nya malaman kung bakit nya nararamdaman na parang galing na sya dito. May napansin syang kakaiba sa ilalim ng higaan.

Yumuko sya at kinuha ang isang hindi kalakihang kahon.. Nababalot ito ng alikabok. Dahan dahan nya itong pinunasan ng may makita syang nakaukit sa taas nito.

At biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso habang binabanggit ang nakaukit dito.

"M-mahal ko... Rose..."

+

Note: HUHUHU! Naubusan ako ng concert ticket ng #BTSEpilogue 😭 kamusta naman yung pag-iipon ko. Hindi naman pala ako makakabili. Pero, hahanap parin ako ng paraan. Makita ko lang ang abs ni jimin! Chos! 😂😂😂

Xoxoxo! Kita kits mga A R M Ys!

Little Red Riding Hood & The Big Bad Wolf •ON HOLD•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon