Chapter 1 ( Scattered Emotions )

10 1 0
                                    

Isang taon na ang nakalipas mula nung namatay si papa. Napagpasyahan ko na umuwi dito sa pinas at dito nalang i-spend ang pag-aaral, hanggang sa makatapos ako. Actually hindi ako uuwi dito kung hindi dahil sa lolo ko, galit parin kasi yung lolo ko saken kaya ipinauwi ako dito. Naiintindihan ko rin naman sila dahil alam kong tama lang din to saken.

Mag isa ako ngayun dito sa bahay, di naman ako nagproproblema kasi dinadalhan rin naman ako ni ate thelma  ng mga groceries tuwing weekends. Medyo may Edad na si ate thelma pero mas gusto kong tinatawag sityang ate kasi wala pa siyang asawa, Matandang dalaga kunbaga. Under age pa kasi ako kaya di basta-bastang naiiwan.

Hindi naman ganun kalungkot yung storya ng buhay ko,dahil kahit namatayan ako ng tatay andyan naman ang mga kaibigan ko, kahit malayo sila, kinokontak rin naman nila ako. Thanks rin kay ate Thelma, may naging karamay ako.

Pasensya rin dahil kanina pa ako kwento ng kwento, 'ndi ko pa pinakikilala sarili ko.

ako nga pala si Sophia Catherine Ramirez, Sophie for short, sixteen.

Hindi rin naman ako nagsisi na umuwi dito sa pinas, iba talaga dito, dito maingay, masaya ..ibang-iba sa New york, napakatahimik dun, lalong lalo na sa bahay namin :(.

When I was 4years Old, my Dad and I went to New York para rin daw maka move'on sa Bitter Past. My Mom died dahil sa sakit na Leukemia. Mula nun si Papa nayung nagbabantay at gumagabay sakin, but sad to say, Pati siya iniwan din ako.

Nung dumating ako dito, nagulat talaga ako kasi lahat ng Gamit ko andito na at Lahat kumpleto. Looks like they want me to stay here for good. yun nalang naiisip ko, ano pa nga ba ???! Hindi ko rin naman masisi sina lola. Minsan nga umiiyak ako Gabi-gabi dahil sa mga nagawa ko. Kaso ganun talaga eh, wala nakung magagawa, nangyari na ang nangyari di na maibabalik sa dati. Pagdating sa umaga, masayahin ako na para bang walang nangyari. Sabi nga nig mga kaibigan ko ang saya ko raw palagi, di nawawalan ng ngiti, well , di lang nila alam, mas malaki pa ang Problema ko sa Lahat ng  Teenagers dito sa mundo.

Long Lost Melody Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon