CHAPTER ONE

28 0 0
                                    

CHAPTER ONE

Ako si Karli Bermudez. 16 years old na ako at 4th year high school sa Makati. May kababatang lalaki. Ang name niya ay Kurt Mondarte. Classmate ko siya since grade one hanggang grade six. Magkaibigan ang mga magulang namin bago pa kami lumabas sa mundo. Minsan nga binalak nila na ipakasal kami ni Kurt pagtanda raw namin pero pareho kaming nag disagree kasi ayaw namin ng ganun. Gusto namin na hayaan nila kami na mahalin kung sino talaga ang dapat para sa amin. Hindi dahil sa pinilit kami.

Hindi ko naman inaasahan na magkakagusto ako sa kanya noh. Sa bagay sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Eh halos lahat nasa kanya na. Matalino, matangkad, maputi, mabait at mayaman pa. Halos nga lahat nga ng babae sa campus tinitiliian siya kapag dumadaan sa harapan nila si Kurt. Akala mo artista. Nung elementary kami ay may inaasar sa kanya na babae. Si Sandra Osmeña. Sa totoo lang, bagay sila kasi maganda, matalino at mabait. Bagay talaga sila. Ano naman kasi ang panama ko dun noh? Eh ang pangit ko, not actually hindi lang ako marunong mag-ayos tapos ang chubby ko pa. Naka eyeglasses rin ako. Mukha na nga akong nerd tignan eh.

Natuwa ako nung sinabi sa akin ni Kurt mismo na wala siyang gusto dun. Narinig ko rin sa mga classmate ko na hindi rin type ni Sandra si Kurt. Ang crush daw niya ay si Vaughn Marasigan. Siya naman yung kaibigan ni Kurt. Crush na crush ko talaga kasi siya noon. Pero nawala lahat yun nung may ginawa siyang pangaasar sa akin. Sa totoo lang sanay na akong asarin ng mokong nay un pero iba ‘to…..sobrang sakit ng ginawa niya this time. Hindi niya alam na sobrang nasaktan ako sa ginawa niya. Kaya simula nun nabago ng lahat sa akin.

Mabuti na lang at after ng graduation ay nag-migrate na sila Canada. Hindi ko na siya makikita at kung magkikita man kami matagal bago pa mangyari at sure ako na that time ay wala na ‘tong nafifeel ko para sa kanya…

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nung graduation ang huling pagkikita namin. Wala rin kaming communication. Kahit Facebook wala. Dineactivate niya ata. Hindi ko na nga alam ang itsura niya eh. Teka bakit siya ang iniisip ko ngayon. Dapat kinakalimutan ko na siya.  First day of school ko… hay! Sila pa rin halos ang mga classmates ko. Nakakasawa! Sa likod pa rin ako nakaupo. Ayos lang yun para walang katabi. Pero sabi nila may magtatransfer daw dito sa school at higit sa lahat classmate pa namin at mukhang magiging seatmate ko pa! Ang saya di ba? Dito kasi sa school first day pa lang inaayos na yung seating arrangement. Sila excited makita yung bagong classmate namin. Ako eto nakikinig lang ng Ipod ko.

Natapos ang araw na wala akong katabi. So it only means na hindi dumating yung seatmate ko. Salamat rin at uwian na. Naglalakad lang ako kahit medyo malayo sa bahay yung school. Mas maganda kasing maglakad kesa sumakay. Para makapag-isip na rin ako. And I find it relaxing. 

 Kurt’s POV

Kakauwi lang namin nila mama at papa galing Canada. Ngayon papunta ako kela tita Jean. Mommy ni Karli. Wala na siyang daddy kasi namatay ‘to nung bata pa siya. Excited na akong makita si Karli. Sinadya ko talaga na hindi kami magkaroon ng communication at hindi rin ako humingi ng pictures niya para masorpresa ako kung ano na yung itsura niya. Chubby pa kaya siya? Nerd pa rin bang tignan? Hay…miss ko na siyang asarin. Ang cute cute niya kasi pag napipikon siya. Ang sarap niya ring patawanin kasi yung tawa niya nakakaloka. Teka ba’t ko bay un nasabi? Just to make it clear, wala akong gusto kay Karli…..wala nga ba?? EWAN!

Hay sa wakas nandito na ako. Sana nandiyan si Karli. Makakatok na nga.

(knock..knock)

“Tita Jean? Si Kurt po ito!” tapos bumukas na yung pinto.

“Uy! Kurt! Pasok ka…..Kailan ka pa nakauwi? Sila mama at papa mo nasan?”

“Eh nasa bahay po eh. Masama na po kasi yung pakiramdam ni mama pero pupunta daw po sila dito bukas.”

“Ah ganun ba?”

“Opo. Ay tita nasan nga po pala si Karli?”

“Pauwi na yun. Hintayin mo na lang”

“Sige po”

“…ay teka lang Kurt. Matanong ko lang ha..bakit after ng graduation niyo naging ganun si Karli? May alam ka ba?”

“Po? Ano po ba ang nangyari sa kanya?”

Biglang may pumasok na babae. Maganda siya pero parang ang weird tignan. Ang iksi ng palda….parang hindi pang estudyante. Yung uniform naman niya long sleeves at open yung first button. Tapos yung buhok may kulay pa! at VIOLET pa! yung mata niya parang kay hinata sa naruto. Yung walang pupil. Kahawig nga niya si Karli eh. Tumingin siya sa akin kaya nginitian ko na lang siya pero yung mukha niya walang reaction. Tapos nag bless siya kay tita Jean at pumasok sa kwarto ni Karli. Baka nga si Karli na yun. Imposible yun noh! Hindi niya yun magagawa sa sarili niya dahil matino siya.

“ahmm….tita may kasama na po pala kayo ni Karli na nakatira dito sa bahay niyo…sino po siya? Pamangkin niyo po”

“ha? Hindi no! si Karli yun.”

“tita nag jojoke ka na naman eh..”

“yan nga ung sinasabi ko sa’yo na bigla na lang siyang nagbago. Hindi ko nga rin maintindihan yung bata na yan. May nalalaman ka ba?”

“wala po”

“sigurado ka? Ito pa isa…may hikaw yan sa tenga…buti sana kung tig-isa sa bawat tenga, eh hindi eh….tig-dalawa kada tenga…siguradong wala kanga lam ah?”

“opo”

Lumabas na si Karli at nakabihis. San kaya siya pupunta?

“Ma alis lang ako…”

“san ka na naman pupunta ha? May bisita ka oh? Di mo ba nakikita? Kanina ka pa hinihintay ni Kurt.”

Tumingin lang ulit siya sa akin. Parang hindi na niya ako kilala. Imposible noh. Kababata niya ako.

“Dyan lang po.”

Tapos lumabas na siya ng bahay nila.

“sige tita sundan ko lang siya. Baka nagtatampo lang yun sa’kin”

“o  sige Kurt….”

Lumabas na ako ng bahay nila at nakita ko siyang naglalakad. Ibang iba na talaga siya sa dati. Ano kayang nangyari sa kanya? Ba’t siya nagkakaganyan? Hinabol ko siya para makausap pero parang hindi niya ako naririnig.

“Karli! Karli!”

Huminto siya sa paglalakad pero hindi humarap sa akin.

“Kamusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita ah? Anong nangyari sa’yo?”

Parang wala siyang narinig. Nakatingin lang siya sa ibang direksyon.

“ui! Sumagot ka naman dyan oh?”

Tapos medyo ginulo ko yung buhok niya. Pero di ko inaasahan na susuntukin niya ako sa mukha.

“SH*T KA! SINO MAY SABING GALAWIN MO BUHOK KO HA? ANONG KARAPATAN MO?”

Tapos naglakad siya palayo sa akin. Hindi naman din ganun kalakas yung suntok niya pero nabigla ako dun. Hinabol ko pa rin siya at naabutan ko.

He's Stupid, I'm Stupid....we're both STUPIDWhere stories live. Discover now