CHAPTER TWO

23 0 0
                                    

Karli’s POV

Naiinis ako! Ang tagal kong pinaghandaan ang araw na ‘to pero bakit ganun yung nafeel ko. Dapat nakalimutan ko na siya. Dapat wala na akong nararamdaman para sa kanya dahil sa ginawa niya pero alam mo yun?.....isang hug lang…parang nawala lahat ng galit ko sa kanya. Mabuti na lang at hindi ako naiyak nung niyakap niya ako pero siya teary eyed. Talaga namang may lakad ako. Hindi ko yun excuse para makaalis. Pupunta ako sa meeting place ng grupo ko. Dahil sa kahihiyang naranasan ko napilitan akong sumali sa isang sorority. Ikaw ba naman, maranasan mong pinaguusapan ka sa lugar niyo kahit 2 taon ng nakakalipas. Yung sorority na sinalihan ko ay puro basagulerong babae pero ayus naman. Hindi siya katulad ng ibang grupo na nakikipagaway ng walang dahilan yung parang trip lang manggulo. Dun ako nakahanap ng bagong kaibigan at pamilya. Sobrang naging close ko dun si Miles Raymundo. Sa kanya ko lahat kinwento yung story ko kung ba’t ako sumali dito.

“oh Karli nandito ka na pala. May pag-uusapan daw tayo.” sabi ni Miles

“…..” nag nod lang ako

“teka nga….bakit parang ano eh….I smell something fishy.”

“huh? Wala noh…”

“talaga lang ah…sabihin mo na kasi…”

“fine. Nagkita na kami ulit.”

“nino? Ni Mr. Insensitive?”

Insensitive ang tawag niya kay Kurt kasi hindi man lang naramdaman ni Kurt na gusto ko siya.

“…….”

“ano na? siya ba?.....siya nga noh?”

“yeah!…”

“anong sinabi sa’yo? Anong ginawa mo?”

“daming tanong!.... edi pinansin ko.”

“ganun lang? nakalimutan mo na ba kung ano yung mga pinaggagawa niya?”

“siyempre hindi noh!....hinding hindi ko yun makakalimutan!”

“eh anong plano mo ngayon?”

“ahmm…humingi lang naman siya ng sorry pero it doesn’t mean na pinapatawad ko na siya.”

“so what’s your plan nga?”

“kakausapin ko lang siya kapag nasa harap namin sila tito at tita at mama ko pero kapag kaming dalawa lang hindi ko siya papansinin at kung may times na kausapin ko man siya, napipilitan lang ako nun.”

“parang ang plastic mo naman nun!....pero sige sabi mo eh!”

“teka parang hindi ka naman ata naniniwala sa’kin ah?”

“eh kasi kilala kita Karli….kahit hindi mo naman sabihin alam ko.”

“alam mo na?”

“alam ko na may gusto ka pa rin sa kanya.”

“wala na kaya! Matagal na akong walang gusto sa kanya!”

“sus! In denial!”

“bahala ka nga dyan! Tara na baka hinahanap na tayo sa loob.”

“whatever! Whatever you say!”

Miles’ POV

Nakikita ko naman sa mga mata niya na gusto niya pa rin si Kurt. Kahit ilang beses niya pang i-deny yun alam ko sinasabi niya lang yun kasi nasaktan siya ng husto. Hindi ko naman siya masisisi kung ganun yung gagawin niya. Kahit naman siguro sa'kin mangyari yun ganun din ang gagawin ko. Medyo kabisado ko na rin kasi si Karli. Parang tunay na kapatid na rin ang turing ko sa kanya. Alam niya yung mga nangyayari sa buhay ko at the same time ganun din ako sa kanya. Pareho kasi kami ni Karli na walang kapatid so gustong gusto namin magkaroon ng kapatid at dahil dun kami na lang yung sisters. Sa totoo lang ang swerte ni Kurt kay Karli. Feeling ko kasi hindi like yung nafifeel ni Karli kay Kurt. Feeling ko love na yun at alam kong mahal na mahal ni Karli si Kurt. Alam kong napakaaga pang sabihin yun pero yung time na sinabi sa'kin ni Karli yung secret niya kitang kita sa kanya na mahal niya tong si Mr. Insensitive. Ang g*go lang talaga ni Kurt kasi hindi niya yun naramdaman. Pero kung magkataong walang gusto talaga si Kurt kay Karli I know masasaktan ng husto yun. Pero ano ba namang magagawa ni Karli kung wala talaga. She needs to accept the truth. I know truth hurts pero it will set you free right?

He's Stupid, I'm Stupid....we're both STUPIDWhere stories live. Discover now