Dedicated toSyncKo
Author's Note:
Halo halo! Ito na ang update. :) At first dahil first time kong gumawa ng ganitong genre, sensya po kung may mga words na typo or hindi ko masabi in a good way. First time eh. Hehehe.
Amd mostly this book I'm inspired sa mga Author ng GxG lalo na yong mga favorite kong Author sa wattpad. ^__^.
May mga scene na pwedeng magkapareha pero nagkataon lamang na naisulat ko ito.
And lastly po, abang abang lang po sa Update. Hehe. Mahirap naman po kase magsulat kaya yon, sana maintindihan nyo po. Yon lang po. :)
-------------------
-------ALYANA'S POV
"MAGSIBANGON NA KAYO ALYANA! TANGHALI NA!" nagising ako sa bulabog sa dingding ng kwarto namin.
Pupungas pungas pa kong gumising dahil antok pa ko. Nakita kong gising na rin sina Apple at PineApple ang kambal kong kapatid at nakita kong tulog pa ang nag iisang lalaki ng kapatid ko na si Matchite(matyete). Marahil ay napagod ito kahapon sa paglalaro ng basketball sa school nila. Kaya naisipan ko narin na gisingin sya.
"Mat..gising na.." mahina kong yugyog sa kanya.
"uhmm.."mahinang ungol nya. Tsaka sya nagdilat ng mata at tumingin sa akin.
"Bumangon ka na dyan at may pasok ka pa.." sabi ko sa kanya habang nililigpit ko yong higaan namin sa kama.
Kasalukuyang naliligo naman si Apple habang naghihintay si Pine(PineApple) para sa kakambal.
Pagkatapos maligo ni Apple ay agad ding pumasok ng banyo si Pine.
Ako nga pala si Alyana Mendez. Nasa 4th year College na sa kursong Architect(Fine Arts). Gusto ko kaseng gumawa ng sarili naming bahay kase nangungupahan lang kami.
Si Apple ay nasa 1st year college na rin ganun din si Pine. Magkaiba sila ng kursong kinuha. Si Apple ay Business Administration. Samantalang si Pine ay HRM course.
Si Matchite ay nasa High School. 2nd year sya sa edad na 14. Ako naman ay nasa 20 age. Si Apple at Pine ay nasa 17. Kaka seventeen lang nila nong nakaraang linggo na ang nakakalipas.
Kung napapansin nyo yong mga pangalan namin. Ang weird noh?
Ako lang naiiba sa kanila e. Sina Apple at PineApple ay nanggaling ang name nila sa prutas kase dati nong pinaglilihi sila ni nanay ay pawang apple at pinya ang kinakain. Kaya ayon, naisipang ipangalan nalang sa kanila. Ang weird ng ina namin. Ewan ko ba. Tapos yong bunso namin, ewan ko ba kung saan nalupalop na mundo nakuha ni Nanay ang pangalang Matchite. Siguro nga nakuha iyon ni nanay sa palabas dati sa channel 7 na Matchite kaya ayon binansagan ding ipangalan kay bunso.
Masyado lang naadik ang nanay namin. Kaya ayon naisama na rin nya sa mga hilig nya.
Isa lang kaming mahirap na dukha. Isang kahig isang tuka ang buhay namin. Si nanay ay nagtitinda sa palengke sumaside line sya doon. At ang ama namin ay construction worker. Nagkakaedad narin si tatay kaya minsan nakakaramdam na rin sya ng sakit sa katawan kaya naaawa na ko sa kanila.
Mahal ko silang lahat katulad pagmamahal na binibigay nila sa aming magkakapatid.
Lumabas ako ng kwarto at nakita kong humihigop ng kape si tatay at kumakagat ng pandesal. At tsaka lumabas sila Apple at Pine na pawang nakabihis na.
"Ohh. Apple, Pine, kumain muna kayo bago pumasok. May pandesal pa." sabi ni tatay. Nagbabasa kase ito ng dyaryo sa umaga pagka gising.
Pumasok na ko sa banyo at naligo at nagbihis. Cheneck ko ang laman ng bag ko kong may nakalimutan ako o hindi tsaka lumabas na.
BINABASA MO ANG
Wanted: Be My Girl (GirlxGirl)
Teen FictionSya si Alyana Mendez. Isang babaeng naghahanap ng trabaho para sa Nanay na maysakit. Dahil walang pambayad sa pagpapaopera ng kanyang ina, kinailangan nyang makahanap ng work in ASAP!. Sya naman si Draine Louise Vlemeir. Isang Hot and ssexy Gorgeous...