Taong 2130
Tatlumpung taon pagkatapos maganap ang lahat sa mundo.
Sakit
Digmaan
Taggutom
Trahedya
Karahasan
Patayan ng bawat tao
Agawan ng kapangyarihan
Pagbagsak ng Asteriod
Pagbabago ng klima
At....
Pinakamatinding kalamidad na ikinasira ng lahat ng bagay sa mundo, pagkamatay ng maraming tao at higit sa lahat pagkawala ng lahat ng bansa at ilang kontinente sa mundo.
Anong magagawa ni Zyron sa mundong meron siya sa kanyang panahon kung ang lahat ng bagay na mayroon noon ay wala na ngayon na siyang dahilan ng paghihirap ng mga taong tulad niya at ng kanyang angkan. Sila at ang kanyang angkan ay hindi mapalad na mapiling manirahan sa ibang planetang sinasabi noon na kawangis ng mundo. Kung saan doon lahat ng tao na napiling manirahan tatlumpong taon na ang nakalipas.
Habang nakaupo sa isang malapad na bato sa taas ng isang kalbong burol at tila disyertong lupain ay malungkot na tinatanaw ni Zyron ang mga bituin at mga planetang kumikislap sa kalawakan. Sa kanyang paningin ay unti-unti nang nakikita ang kalawakan matapos itong mabalot ng mga usok at alikabok matapos ang pangyayaring maituturing na delubyo sa mundo.
------------------------------------------------------
Hello sa lahat ng readers ng The Glasshour Book 1 and 2, heto po ulit ang pagpapatuloy ng kuwento ng mga manlalakbay ng panahon sa kani- kanilang henerasyon at panahon. Sana po ay subaybayan nyo po ulit. :)
BINABASA MO ANG
THE GLASSHOUR 3
General Fiction"Papa, Matagal na ba tayong nakatira sa kuweba?" "Nang magkaisip ako anak, ay ganito na ang nakagisnan ko na pamumuhay natin. Palipat-lipat kami ng aking magulang at mga kapatid kasama ang ibang mga tao. Na naghahanap ng maaring ikasalba ng aming bu...