Kabanata LabingSiyam

717 39 8
                                    

Sa mga naging paguusap ay lubos na naunawaan na din ni rafael ang iba pang katanungan sa kanyang isipan. Maging si camille ay nagkaroon ng kaginhawaan dahil hindi na niya itatago ang kanyang katauhan sa mga taong nasa panahong iyon. Pero isang bagay ang dapat nilang itago at walang dapat makaalam na si Zyron ang nakatakdang maging manlalakbay ng panahon sa henerasyon nito.

" Lolo oman...ito po bang sisidlan ay parte ng aking kapangyarihan na maari kong mapaglaho o mapalitaw katulad ng mga gamit ko bilang manlalakbay."

" Tama...itapat mo lang ang kamay mo sa sisidlan maglalaho iyan. Kapag nagbago ka ng anyo bilang manlalakbay ay nasa katawan mo na iyan. Kasama ng iyong mga sandata. Panatihin mong nasa katawan mo iyan dahil ikaw at iyan ay iisa. Pero hindi lahat ng naisin mo ay ibibigay niyan. Parang magulang lang na sa isang paslit ay hindi lahat ibinibigay....iyon ay ang tama at nakakabuti lamang para sayo o sa lahat."

" Naintindihan ko na po lolo."

" Sa ngayon ay magpapaalam na ako sa inyo....pero nanatiling nakasubaybay ang mga manlalakbay ng panahon ng ating angkan sa panahong ito."

" Salamat po lolo."

Inilahad ng manlalakbay ng panahong si Oman ang kanyang palad at biglang lumitaw ang orasa at hinigop nito ang nagliwanag na katawan ni oman at saka naglaho na ring bigla ang orasa. Naiwang nagkatinginan na lang sina rafael, camille at remus.

" Hon....subukan mo ngang mapaglaho ang sisidlang ito." Si remus na hawak ang ibinigay ng manlalakbay.

Itinapat nga ni camille ang kanyang palad sa sisidlan at biglang may nakakasilaw na liwanag ang lumabas at tumama sa sisidlan para agad itong maglaho.

" Ang galeng! Ngayon hon...magbago ka ng anyo bilang manlalakbay kung kasama na nga iyon sa mga gamit mo bilang manlalakbay."

Humakbang si Camille sa harap ni remus at rafael ng dalawang metro. Inilahad niya ang dalawang palad at agad lumabas ang liwanag na bumalot sa katawan nito. Nang mawala ang naturang liwanag ay suot na ni camille ang kasuotan ng isang manlalakbay. Nasa kamay niya ang isang tungkod na mahaba kung saan nakasabit ang lampara. Nasa likod din niya nakasabit ang pana. Ang isang punyal na nasa tagiliran kung saan maaring maging isang itak o sibat. Ang orasang kuwintas at ang pinakabago sa lahat ang sisidlang kulay ginto na nakasabit sa kanyang likod.

Namangha pa rin si rafael sa pagbabagong anyo ni camille na kanyang lola.

"Nakakamangha talaga ang lahat ng ito."

" Masanay ka na rafael apo." Nakangiting pahayag ni Camille sa apo. " Si zyron ay hindi mo makikitang magiging manlalakbay ng panahon dahil pag pumanaw na siya sa mundo ay doon pa lang siya magiging manlalakbay....doon pa lang magsisimula ang kanyang misyon. Sa panahong buhay siya ay ibang misyon ang kanyang gagawin sa buhay ito ang misyon nating mga tao kung paano mabuhay sa mundo na hindi lamang sa ating sarili kundi para sa lahat ng tao."

" Nakakalungkot lang na hindi ko na maabutan ang panahong iyon."

" Hindi ka dapat malungkot....dahil lahat tayong mga angkan ng manlalakbay ay napupunta sa mundo ng Hora. Pero ang kasalukuyang manlalakbay ay hindi pa maaring pumunta doon hanggat hindi pa pumapanaw ang sunod sa kanya. Parang ako lang at si zyron."

" Pero bakit si lolo oman ay nakarating na doon?"

" Dahil narito na ako...ako ang itinakdang ikasandaang manlalakbay ng panahon na buhay pa. Kaya sa aking panahon ako ay manlalakbay na talaga."

Napangiti na lamang si rafael...hanggang sa muling inilahad ni camille ang kanyang dalawang palad para bumalik sa dating anyo niya.

" Malalim na ang gabi....magpahinga na kayo...lolo at lola...." Nakangiting sabi ni rafael sa dalawa."

" Maari mo kaming tawaging ganyan rafael pag tayong nakakaalam lang. Huwag mong sasabihin kaninuman maliban sayo sa asawa mo at kay lolo julius. Hindi pa handa ang mga bata sa ganitong bagay."

" Naiintindihan ko....akoy magpapahinga na rin dahil maaga kaming maglalakbay at mangangaso ng aking mga kasamahan bukas."

Nagkatinginan si Camille at Remus at napangiti.

" Gusto sana namin ni camille na sumama sa gagawin ninyong paglalakbay bukas rafael."

" Sigurado kayo....maaga ang alis namin bukas at gabi na tayo makakabalik."

" Handa kami ng lolo mo rafael."

Sa sinabi ni camille ay napangiti si rafael.

" Sige...tutal pinahintulutan na ng diyos ng mga manlalakbay na ipakilala ang inyong tunay na pagkatao....iyon ay sisimulan natin sa ating paglalakbay. Sa mga kasamahan ko ay maari na ninyong ipakilala ang totoong kayo sa oras na tayong naglalakbay. Dito sa komunidad ay sa pag-uwi na lang natin sa gabi.....magpapatawag ako ng pulong sa paguwi natin."

" Salamat rafael....makakaasa ka na tutulong kami para sa pagbabago sa komunidad na ito lalo na ang sa inyong buhay."

" Magandang gabi sa inyo lolo, lola akoy magpapahinga na rin."

Nakangiting yumakap si camille at remus kay rafael na tinugunan naman nito. Nakangiti itong lumabas ng yungib at hinila ang nagsisilbing tabing. Malamig ang gabi kaya dinagdagan ni remus ng kahoy na panggatong ang siga. Nagsuot pa ng makapal na damit si remus pati na rin si camille at nahiga na sa papag na may malambot na sapin na tila pinagdugtong-dugtong na balahibo ng hayop.

" December na hon.....dito na tayo magpapasko.....hanggang kelan kaya tayo dito. Ilang minuto,oras, araw,linggo,buwan o taon kaya na tayong nawala sa panahon natin? Maari mo bang silipin doon sa lampara?"

" Matulog ka na nga...hindi puwede ayoko muna, saka na....alam ko baka oras pa lang ang itinagal na nawala tayo sa nakaraan."

" Baka dito na tayo magkababy hon!" Sabay yakap ni remus sa asawa.

" Magtigil ka! Nasa misyon tayo!"

" Sus! Ano naman! Tao pa rin tayo may pangangailangan at saka mag-asawa tayo."

" Magtigil ka remus! Itulog mo na yan at baka ibalik kita sa nakaraan!"

" Patay tayo nyan! Huwag naman ganyan hon...ikamamatay ko yun."

" Ganun! Puwes itulog mo na yan at patayin mo yang buhay na tumutusok diyan sa likod ko! Nakakawindang noh!"

Natawa na lang at napahalakhak si remus.

" Sige na nga payakap na lang....patutulugin ko na lang ito."
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.......
-----------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon