XII.

13 0 0
                                    

                                                                                 Tiffany Pov'

Minulat ko ang mata ko at ang ganda ng kwarto... kulay blue yung kisame at kulay brown yung pader... may mga larawan dito ng lalaki. Isang batang lalaki. pamilyar sakin lahat ng mga pictures.... napako ang atensyon ko sa isang picture ng isang batang lalaki at babae.. kahit medyo may kalumaan na yung picture alam kong ako yung nasa picture na yun, ako yung batang babae sa picture na yun.. pero bakit may picture ko sya?? Sino yung lalaki?? Pamilyar sya...

"Oh? Gising ka na pala .. wag mong hahawakan yan!" Sabi ni kenrick..

. "Bakit ka nandito? Nasan ba ko?" Sabi ko

"Wow ha. Ang gandang bungad. Tatnungin mo kung bakit ako nandito? Kasi unit ko ito. Nandito ka kasi wala kang susi ng appartment mo. Nawalan ka ng malay at saakin ka ipinahatid ng mga kaibigan mo" sabi nya... naguilty naman ako... nawala yung atensyon ko dun sa picture.. nakaamoy ako ng masarap.. *gglllrrkk* Pag aalburoto ng tyan ko... naman oh..

"Hahaha.. kumain ka na . Nagluto ako.. nga pala may damit ako ng babae dyan sa closet na yan kasya naman siguro sayo yung damit ni rhee. Isuot mo na." Sabi nya.. si rhee?? Dito nakatira si rhee?

"Nd sya dito nakatira. Ok? Dito sya natutulog minsan pag may kailangan o may problema... uunahan na kita wala kaming relasyon... half sister ko sya." Sabi nya.. mind reader ata toh ee..

"Wala naman akong sinabi. Nd ko naman tinatanong." Sabi ko..

"Halata naman kasi sa itsura mo.. magbihis ka na lalabas lang ako bibili ako ng drinks. " sabi nya..

Pagkalabas nya nagbihis ako at tinawagan ko si mom at dad pero walang sumasagot si kuya naman pinapatayan ako.. buhay nga naman oo.. Nd ko napansin na may nagdo-doorbell pala.. Pagbukas ko ng pinto si rhee..

"Kanina pa ko nandi---" napahinto sya ng mapagtanto nyang hndi ako si kenrick..

"Nasaan si kenrick? Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya at pumasok na sa loob..

"Ah.. ee si kenrick bumili ng maiinom.. nandito ako kasi wala ako sa bahay ko." Sabi ko.

"Malamang kaya ka nga nandito diba? Tss. Anong makakain dito nagpunta ko dito para makikain ee." Sabi nya.. ang awkward.. nd ako sanay na kasama sya..

"Oh rhee andito ka pala?" Dumating na si kenrick may dalang dalawang box ng icecream at dalawang float.

. "oo. Makikikain ako ee. Bkit pala andito si tiffany?" Tanong nya.

"Nawalan kasi sya ng malay kanina ee may mga gagawin sila nathalie kaya ako na naghatid pauwi sakanya.. ee kaso wala syang susi ng appartment nya. Wala ring duplicate yung may ari ng appartment kaya dito ko na sya dinala." Sabi nya...

"Ahh.. tara na kain na pede? Gutom na ko ee" sabi ni rhee..

"Nga pala rhee pinahiram ko muna sya ng damit mo ha?" Sabi ni kenrick.. op..

"Nga pala gusto nyo ba mag model? Kailangan ko kasi ng couple na imomodel ee.. babayaran ko kayo 50.000 for month." Sabi ni rhee..

"Talaga? Oo cge payag ako sabi ni kenrick." Tumingin sakin si rhee

"Ah oo cge." Sabi ko

. "Bawal na umatras ha? Umoo na kau" sabi nya.. at kumain na kaming tatlo.. -- Pagtapos ay nagkulitan na silang dalawa.. para silang hndi magkapatid para silang magjowa kung magharutan at ako yung epal sa kwento nila. hanggang sa napapikit na ako at nakatulog......

Rhee Pov'

Mabait naman pala yung si tiffany..

"Uy kenrick matunaw yan ha? Makatingin ka ee" pang aasar ko sakanya..

"Hndi nuh" tsaka pa sya umirap.

"Eew. Hahaha aminin mo na kasi sakanya bago ka pa maunahan ni asungot" sabi ko.. naalala ko nanaman si asungot!! Nakku nakaka highblood!

"Asungot?" Tanong ni ken

"Si drew may gusto sya kay tiffany." Sabi ko na may pang aasar sa tono ko

. "Sus. Pakialam ko?" Sabi nya.

"Gusto mo sya" pang aasar ko

"Hindi ko sya gusto.. ndng nd ko sya magugustuhan". denial. sumeryoso ako..

"Alam mo kenrick. Halata naman sayo na may gusto ka sakanya. Ano bang problema mo? Yun pa rin bang kababata mo na kahit ang pangalan hndi mo na maalala? Tanging picture nya lang ang meron ka nag iba na itsura nun! Its almost more than1 decade ago. pero your still hoping at that damn girl? Ayan na sa harap mo yung gusto mo pero pilit mo pa ring hinahanap yung wala!" ......

The Wind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon