Sabi ko.. na ikinagalit nya.
"Ano bang pakialam mo? Wag mo akong igaya sayo na lahat nalang ng lalaki na manligaw sayo sinasagot mo ni wala kang pakialam sa nararamdaman nila! Wag mo akong itulad sayo. malandi ka Kasi,,ako may paninindigan ako may isang salita ako. Pag sinabi kong babalikan ko sya pag nagkita kami babalikan ko sya...." sa inis ko sinampal ko sya...at di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko...
"Oo. Sinagot ko si kenji... pinagsabay ko sila .. nagkamali ako ng isang beses pero pinagsisisihan ko un kenrick. Wala kang karapatan sabihan ako ng malandi . Ate mo pa rin ako! Ate mo ako kaya irespeto mo ako! Hintayin mo yung punyetang babae mo sa nakaraan tignan lang natin. Ako ang hahalakhak pag naging si drew at tiffany" umiiyak kong sabi.. pinahidan ko yung mga luha ko tsaka ako umalis..
"Rhee. Rhee. Im sorry nd ko --" pinutol ko na yung sasabihin nya.
"Nd mo sinasadya? Fu*k shi* nasaktan ako sa sinabi mo. Kahit pa mag sorry ka wala na. Nasaktan na ko. Nasabi mo na lahat. Akalain mong kahit sarili kong kapatid ganun ang tingin sakin? lahat sila yan ang tingin sakin... pero mas masakit pala pag sa sarili mong kapatid nanggaling mas masakit. Wag ka ng magpaliwanag kaya ko sarili ko."
Sabi ko at tuluyan ng umalis.. akala ko naintindihan nya kung bakit ko yun ginawa.. pero kahit pala sya ganun ang tingin sakin.. ako na yung naipit sa sitwasyon namin ako pa rin tong masama... ako na tong nagipit at nasasaktan ako pa rin ang mali...Ganto kasi yun.. May boyfriend ako si kenji.. masaya kami at mabal na mahal ko sya.. ganun din sya sakin.. pero isang araw dumating si kei... ex ko... sya yung nangiwan sakin sa ere.. ng walang paalam.. nagkita kami sa mall aksudente lang yun.. nagmamakaawa sya sakin na balikan ko sya.. hndi ako pumayag.. pero nakita ko nalang sya na nakabulagta sa sahig ng mall at walang malay.. dinala namin sya sa hospital at nalaman kong may cancer sya.. stage 3 cancer.. magagamot pa naman daw... tapos nung nagising sya nagmakaawa sya.. sinabi nya na pag nd ko sya binalikan nd sya magpapagamot.. natakot ako na baka ako ang maging dahilan kung bakit sya namatay kaya pumayag ako.. hinati ko yung oras ko kay kenji at pabalik balik sa hospital.. nagtataka na si kenji pero ako dedma pa rin.. hanggang sa kumalat yung chismis na nagde-date kami ni kei.. nd naniniwala si kenji dun.. nakokonsensya ako kasi nd yun rumors lang.. totoo yun.. mahal na mahal ko si kenji.. pero naiipit ako.. wala akong magawa.. kung meron man nd ko na naisip pa un.. hanggang sa naikwento ko yun kay kenrick.. hiwalayan ko daw si kenji at hintayin kong matapos yung problema ko kay kei pagtapos ay tsaka ko ayusin ang samin ni kenji.. ginawa ko yung sinabi nya.. nakipaghiwalay ako kay kenji.. kung ano anong masakit na salita ang narinig ko.. napahiya ako sa maraming tao... pero si asungot nandun sya para ipagtanggol ako kay kenji.. nang dahil sa pangyayaring yun lahat ng tao ang tingin sakin malandi two timer.. pag tapos pag dating ko sa hospital nalaman ko pang umalis na papuntang us si kei.. ayaw na daw nyang guluhin pa ang buhay ko.. ang saklap diba?? Nakipaghiwalay ako sa taong mahal ko ng para lang sa wala.. hanggang ngayon nd pa kami nagkikita ni kenji...sana napatawad nya na ako... Para akong tanga na umiiyak habang naglalakad.. may nakabunggo ako..
"Miss ok ka lang??" Tanong nya.. sa pagkakabunggo namim napaupo na ko at wala na kong lakas na tumayo...kaya umiyak nalang ako ng umiyak... pero itinayo ako nung lalaking nakabunggo sakin..
"Ito oh panyo. Umiyak ka lang samahan na kita para atleast nd mo maramdamang nag iisa ka sa ilalim ng magandang gabi.. " sabi nya.. tiningnan ko sya... its him.. si asungot...
"R-rhee?" Gulat sya nung humarap ako sakanya.. tinulak ko sya at umalis ako.. pagtigin ko may sasakyan sa harap ko..
"RHEEEE" SIGAW NYA at hinatak nya ko... pumikit ako pag dilat ko dibdib nya ang nakita ko..
"Ang lampa lampa mo magiingat ka nga!" Imbis na umalis ako niyakap ko sya at umiyak ng umiyak...
"Ok lang yan.. sge ilabas mo lang lahat andito lang ako.." sabi nya... buti pa sya... buti pa sya anjan para sakin.. sarili kong kapatid ganun ang tingin sakin....
BINABASA MO ANG
The Wind Of Love
Randomikaw!! oo ikaw! wag engot ikaw nga ano ba? oo nga ikaw na nagbabasa nito!! wag mo iiscroll pababa ,,, binigyan kita ng babala! pero makulit ka eehh iniscroll mo pa rin!!! tss. ang GANDA GANDA NG AUTHOR NITO xDD ano nga nga ka diba?? hahaha umpisaha...