Rhey's POV
Ugh! Ang sakit ng ulo ko! Gezzz Hindi naman ako uminom ng alak kahapon eh. Wala naman akong matandaang ginawa ko kahapon para sumakit ng ganito ang ulo ko. Parang binibiyak sa sakit!
Tok! tok! tok!
Aisshh kahit kailan istorbo sa tulog!
"Rhey gising na, may pasok pa tayo." Sigaw nung nasa labas, kung hindi ako nagkakamali si Kenti yan.
"Pasok ka! Bukas yan." Sigaw ko pabalik saka ako umupo at sumandal sa headboard. Geezzz! Ang sakit talaga ng ulo ko!
"Maligo kana. Male-late na tayo eh." Oh Shoot! May pasok nga pala ngayon!
"Anong oras pasok natin?" Tanong ko habang hinisimas ko ang ulo ko.
"Mamayang 12:10, tumayo kana, 11:20 na oh. Kakain pa tayo." Ugh! Ang sakit talaga!
"Ayoko, ang sakit ng ulo ko eh!" Sabi ko sabay higa ulit.
"Ano bang ginawa mo kagabi ah?" Aisshh wala naman akong matandang ginawa ko kagabi para sumakit ng ganito ang ulo ko."Wala naman, nag-facebook lang ako." Totoo naman, tambay lang ako group ng idol ko at sa wall nya, pati narin pala dun sa gf nya. Gezzz Sila na ulit! Buti umamin na sila, ang tagal na naming alam kagabi lang sila umamin! Gezzz! Kinikilig ako~.
"Nag-facebook? Magdamag?" Tanong nya ulit.
"Hindi naman." Pagtanggi ko.
"Weh? Ikaw pa?" Usisa nya.
"Hindi naman talaga. Hanggang 3:35 am lang ako tapos nagbasa nako ng watty, natulog ako ng 4:00 am tapos nagising ako bandang 6:15 am tapos nag-fb ulit. Nakatulog nalang ng 9:30 am." Sabi ko. Tapos hinawakan nya yung noo ko.
"Hala! Eh gaga ka pala eh, ang taas kaya ng lagnat mo oh!" Ugh! Kaya naman pala! Tatayo sana ako papunta ng CR nang bigla akong mahilo.
"Oh Gezzz!" Sabay pukpok ko sa may tagiliran ng ulo ko.
"Dalhin ka na namin kaya sa hospital?"
"Ayaw! Dito nalang ako. Sige na, pasok na kayo."
"Sure ka?"
"Oo. Pahinga lang ang kailangan ko. Ge na baka malate pa kayo."
"Sigurado ka ah? Iwan ka na namin." Bat ba ang kulit ng lahi nito?!
"Ang kulit din nang lahi mo noh? Tss."
"Sige na nga. Kapag ginutom ka may pagkain sa Ref, initin mo nalang."
"Oo na! Labas na. Shooo!" Pagtaboy ko.
"Ginawa mo naman akong aso!"
"Mukha ka naman talagang aso eh." Bulong ko.
"Anong sabi mo?"
"Wala! Alis na! Nakakadagdag ka lang sa sakit ng ulo ko!"
"Aba! May sakit ka na nga ang taray mo parin!"
"Wala kang pake! Hala! Layas!"
"Hmp! Sungit!" Pahabol na sabi nya bago tuluyang umalis.
Napa-tss nalang ako sa sinabi nya. Masungit ba tawag dun? Hindi naman diba? Hayy maka-pag-pahinga nalang nga ulit. Ang lulusog na ng mga eyebags ko eh. Hayyy ina-antok pa ako. Matutulog na sana ako ng bigla na naman syang pumasok sa isip ko. Tinignan ko yung frame.

BINABASA MO ANG
Please ..? (On Hold)
Novela Juvenil"Please ako nalang uli! Wag mokong iwan, gagawin ko lahat ng gusto mo, kahit dimo nako mahal wag mo lang akong iwan!" "Please don't leave me! Hindi ko kaya! Please I'm begging you!" "Please!"