Hindi na kita mahal

49 0 0
                                    

" Kung ako lang, kung ako lang ay 'di ko sasabihin. Para sa'yo, para sa'yo handa kitang limutin."- Silent Sactuary

*********

I looked at you.

Your walking down the aisle on the arm of your father.

Sa lahat ng nakita kong ikakasal ikaw lang ang nakabusangot. Samantalang tuwang tuwa ang tatay mo habang kumakaway sa mga bisita natin.

Pansin kong gustong-gusto mong hablutin ang kamay mo sa braso ng tatay mo at tumakbo na lang palabas.

Pero anong magagawa mo? Lahat ng paligid ng simbahan may mga nakabantay. Ginawa talaga yun ng tatay mo para hindi ka makatakas.

At konting sandali nalang, akin ka na.

Oo magiging akin ka na.

Matagal na noong pinagkasundo ng mga magulang natin na ipakasal tayo. Siguro mga 7 or 8 pa lang tayo? at dahil matalik na magkakaibigan ang mga magulang natin, nais nilang i-fixed marriage tayong dalawa.

Bata pa lang ako ng sinabi ni mom at dad ang plano nila satin. Pinagsabihan nila ako na wag ko sayong sasabihin. Sinabi rin nila na dapat lagi akong nasa tabi mo kahit anong mangyari, dapat maging tagapaganggol mo ako. Dapat maging malapit ako sayo.

Dahil ako lang daw ang para sayo.

Pinangako ko nga sa kanila na gagawin ko ang lahat ng sinabi nila kahit hindi ko naiintindihan sapagkat musmos pa lamang ako ng mga sandaling yun.

Then later on, naging close nga kita. Hindi lang close, kundi bestfriend pa tayo.

I always there by your side. Kahit minsan nagkakasakit na ako, mapuntahan lang kita sa bahay niyo para damayan ka sa problema mo. Lahat na siguro ng kwento ng buhay mo alam na alam ko. Yung mga naging exes mo, yung first crush mo,yung mga sekreto mo. Hinding-hindi nakakaligtas sakin.

At dahil sa pagiging attached ko sayo. I fall in love with you.

It was April 1 ng nangyari ang lahat-lahat ng hindi mo inaasahan. Yung 4 years boyfriend mo nakipagbreak sayo. Umiyak ka ng umiyak sa ilalim ng ulan, ni ayaw mo ngang payungan kita. So it ended up na sinamahan nalang kita na mabasa sa ulan. Tumawa ka pa nga noon at sinabihan akong "baliw".

Pagkauwi mo sa bahay niyo, nabalitaan mong nasa ospital ang nanay mo at nag-aagaw buhay dahil sa sakit na cancer at brain tumor. Agad  mo akong tinawagan noon para samahan ka sa ospital. When we arrived there,you can't stop crying. At doon rin sa ICU inamin at hiniling ng nanay mo na sana ako ang pakasalan mo, na sana tuparin mo ang hiling niya.

She never let go of your hands when you won't promise.

Naramdaman mong nagiging maluwag na ang kapit ng nanay mo kaya napilitan kang sabihin ang mga katagang sinabi mong pinagsisisihan mo.

"Y-yes mom.I w-will,promise"

Yan yung katagang narinig ko sayo habang umiiyak ka sa mga oras na yun.

And after your mom died, you confronted me. Sinabi mong hilingin ko sa mga magulang natin na wag nalang ituloy ang kasal.

Pinagalitan ka rin ng tatay mo ng kinausap mo siya tungkol dito.

"Sa tingin mo ginagawa ko to dahil gusto ko?!ginagawa ko to para sayo!ayokong ikasal ka sa hindi mo gaanong kilala. Paano kung iwan ka lang niya?!Paano kung masaktan ka lang!Bilang tatay mo, Frauleine mas masakit kapag nakikita kitang niloloko ng taong makakasama mo sa buhay. Kaya please lang anak!intindihin mo rin ako. Balang araw..papasalamatan mo rin ako sa naging desisyon ko para sayo."

One Shots StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon