Yung akala mo meron.Pero wala lang.Oo na pero hindi pa rin.Halata na pero tinatago pa.Seryoso nga pero gago pala.
I sighed.
Siguro kasama na nga sa buhay ng tao ang pagiging malabo.Hindi lang naman babae kundi pati narin ang mga lalaki.
Katulad mo na lang.
It's been a year.Simula ng pag-iwas mo sakin.Kung alam ko lang na mangyayari 'to hindi ko na sana tinangkang ipaalam sayo.Sana kung may pagkakataon lang mas pipiliin ko na lang manahimik at itago ang nararamdaman ko para sayo.
I remembered that time.Hindi pa ako nakakamove-on sa ex ko.Lagi na lang ako ginagambala ng nakaraan ko.Bawat detalye ng buhay namin hindi ko magawang maalis sa isip ko,yung mga panahon na masaya kami.Yung mga panahon na sinasabi niyang nagsisisi siya sa ginawa niyang pangloloko sakin at paghingi ng second chance.At ako naman si tanga binibigyan ko pa rin siya ng pagkakataon kahit ubos na ubos na ako.
Una akala ko hindi ako nagkamali dahil pinaramdam niya na deserving siya sa chances na binigay ko sa kanya.Then it was december before magbabagong-taon,nalaman kong may nililigawan na pala siya,matagal na.Kaso nga lang hindi siya masagot sagot dahil nakatali raw siya sakin.So kinausap ko siya,if he will be okay with that.Edi mas mabuti pang doon na lang siya,kaysa sakin.
Alam mong nasaktan ako sa naging desisyon ko noon.E tokwa na mahal na mahal ko talaga siya.
Pero kalahati ng nararamdaman ko nagagalit ako sakanya.
So all this time na kasama ko siya.He's fucking flirting with another girl.Nagmukha talaga akong tanga.
Then you came to the picture.
Common na talaga satin ang pagiging palabiro lalo na sayo.
"Hi babe!"
Yan yung tawag mo sakin,dati.Ewan ko nga ba bigla bigla mo na lang akong tinawag ng ganyan.Ni wala nga akong natandaan na sinagot kita or kaya niligawan mo ako.
Ano yun?naging tayo ng hindi ko alam?hahaha.Pero syempre alam ko namang biro mo lang yun.Mapagbiro ka naman talaga e.
Kaya sinasakyan lang kita palagi kasi alam ko namang hindi ko magagawang mahulog sayo no.Imposible kasi e.Kasi pakiramdam ko attached na attached parin ako kay EX.Kahit wala ng kami.
You always here by my side para lang makipaglokohan.Minsan umaakto kang totoong boyfriend ko.Minsan rin maalaga.Pero ano ba ang iniexpect ko,it just a joke.
"Hey babe?"
Nakatulala mong sabi sakin noong break time natin pagkatapos ng exam natin.Tanda ko pang nakaupo ka sa pinakalikod.
Nilingon kita noon at tinaasan ng dalawang kilay.
"Ano?!"irita kong sabi sayo.
You smiled wickedly.
"Wala!Your just fucking adorable"nakangisi mong sabi sakin.
Samantalang napanganga ako noon sa mga sinabi mo.Pakiramdam ko ininsulto mo ako ng husto at gustong gusto kitang murahin noon.Kaso baka marinig ni Sir,at palabasin ako ng classroom.
Kalahati ng mga classmates natin nagtatawanan nun.At yung iba naman nag-hooted pa na kala mo nanonood ng On The Wings Of Love.
Mula noon.You always compliment me in that way na may halong insulto.Pero nasanay narin ako siguro mga tuldok lang.
"Wala yan sa syota ko.Gusto mong makilala?"narinig kong sabi mo sa kausap mo noon.
"Watch and learn."sabi mo pa sa kausap mo.
"Hey BABE!"you shouted.
Hindi sana ako lilingon kaso umikot yung ulo ko para makita ka.
I saw you smiling evilly while waving at me.
Kinunutan kita noon ng noo.At saka binaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon.Habang naririnig kitang nakikipaghagikgikan sa kausap mo.
Pinatuloy mo parin ang pagiging proxy boyfriend ko.
Minsan naiisip ko rin kung paano ka kaya makitungo sa real girlfriend mo?siguro mas sweet pa yata.
At dahil sa laro mong yan.Nahulog ako sa bitag mo.
Bakit kasi pakiramdam ko parang totoo?Parang wala ng halong biro.
Bakit minsan kapag binibilin mo sakin na lagi akong mag-iingat,parang seryosong seryoso ka sa concern mo.Hindi tulad ng dati.Yung mga katagang sinasambit mo dati na may halong asar,bakit ang sarap sarap ng pakinggan.Para kang playlist na paboritong paborito ko.
Yung salitang "mahal kita"bakit napakasincere kapag binabanggit mo sakin?Bakit ba?
Napaisip ako.'nagugustuhan mo rin ba ako?katulad ng nararamdaman ko sayo?'O baka pareho rin sa EX ko.Na wala lang,walang kahulugan.Dahil assuming lang talaga ako.
Bakit ka ba kasi ganyan?pakiramdam ko totoo na ang mga kilos mo sakin.Para akong pumasok sa isang lucid dream na manipulated na talaga ang mga pangyayari.
Kung totoo talaga 'to. Sana magkaroon tayo ng chance para maging tunay ito.
Pero sa hindi ko inaasahan, bigla ka nalang hindi nagparamdam.
Nalungkot ako ng sobra.E kainis na namimiss ko na ang mga lambing mo kahit hindi totoo.Miss ko na yung pagpapanggap natin na parang meron talaga.
Miss na kita sobra.
Nalaman mo kaya?na gusto kita?
Yung mga tingin mo na ngayon ibang-iba na.Hindi ko na masilayan ang mga ngiti mo kahit mapangbiro.Arghh.Nawiwindang na ata ako,Pakiramdam ko bigla nalang akong nagising sa isang magandang panaginip at nasabi kong 'ay panaginip lang pala.Hindi totoo'
Tapos eto ngayon nilalampasan mo nalang ako.Na parang hindi mo ako kilala.
Sana kaya kong gawin ang pag-iwas sayo tulad ng ginagawa mo sakin.
Hindi ko maintindihan.Bakit pabigla bigla ka nalang sumusulpot at nawawala?
Ang dami kong tanong sayo.
Gusto kong malaman na kung kahit ba kailan noon,naging totoo ang mga kilos mo?yung pagiging sweet mo.Naging totoo rin ba?kahit konti.Kasi yung role ko sayo,totoong totoo.
Kaso ano bang magagawa ko?wala naman TAYO diba?Isang malaking katuwaan lang na natapos lang at na-GAME OVER.
Siguro nalaman mo ata kaya bigla ka nalang nawala.Ganun ba ako kahalata?sana hindi ko hinayaan na mahulog sayo dahil alam ko naman na sa una palang laro lang 'to.
Kaso kasalanan ko kasi naging mahina ako at madaling magmahal.
Ngayon hanggang tingin na lang ako sayo mula sa malayo.
Sana kahit papaano.Totoo ang mga hinala ko,na minahal mo rin ako sa kabila ng mga pagpapanggap.
Sapat na yun.Kahit nakalipas na.