"Come back and tell me why, I'm feeling like I've missed you all this time. And meet me there tonight and let me know that it's not all in my mind." - Taylor Swift and Ed Sheeran.*********
"Akala ko talaga magbestfriend lang sila. Wala naman akong intensyon para saktan siya." malungkot kong saad sa mga kaibigan ko.
Napairap naman uli si Joshy at pumeywang.
"Duh? it's obvious naman diba na may something yung dalawa."
"Yeah right. It's too obvious naman girl." malambing na sabi ni Frey.
Napabuntong hininga ako.
Natandaan ko naman ang nangyari kanina. Mukhang na-offend ko ata si Gelai, yung pinsan ko na hindi ko alam na boyfie na pala nito yung sikat na varsity player. Akala ko pa naman magbestfriend lang sila. Tapos kung makareact pa ako kanina akala mo tutol na tutol ako sa kanila sa sobrang gulat.
"Sorry na, hindi ba pwedeng hindi lang talaga ako malisyosa? atsaka hindi naman lahat na babae at lalaki na laging magkasama e magjowabelles agad diba? Pwedeng close lang o dikit na talaga." I said matter-of-factly.
Umirap naman uli si Joshy habang tinataasan ako ng kilay. Pang-ilang irap na ba tong bakla? Tss.
"Kaya pala sa sobrang hindi pagkamalisyosa mo. Napapa-angat ka na naman ng sobra. Lalo na diyan sa ehem mo! Ganern."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Joshy habang si Frey naman ay todo tawa na mukhang sila lang ang nakakaintindihan.
"Anong ibig mong sabihin? angat?" nawiweirduhan kong tanong sa kanila.
Napaface-palm naman ngayon si Frey.
"Hay naku girl pwede bang tusukin nitong gunting ang puso mo? tutal manhid ka naman."sabay pakita ni Joshy sakin ng gunting na akmang tutusukin ang dibdib ko.
Nataranta naman ako kaya agad ko namang tinakpan ng dalawa kong kamay ang parte kung saan nakalocate ang puso ko.
Humagalpak naman ng tawa si Frey.
"Kaloka kayo ha! anyways andyan na si ehem mo, gorabelles na kami, bye!" sabay halik nila sa pisngi ko at umalis alis na.
"Bryce,gusto mo bang pizza?cheeseburger? spaghetti? pie? lasagna? then--"
Napatigil ito sa pagsasalita at tumabi sakin.
"What's that long face for?" Heinrich asked.
"Wala, pagod lang ata ako sige uwi na ako." sabay tayo ko at kuha ng slingbag ko.
He grabbed my hand.
"Hey, Are you avoiding me?" he said in worried look.
Kinunutan ko ito.
"Of course not. Pagod lang talaga ako Hein, sige uwi na ako bye."sabay halik ko sa pisngi niya at nagsimula na sa paglalakad.
Yeah. He's my bestfriend. Medyo nawi-weirduhan lang ako doon. Well weird naman talaga si Heinrich.
Ang baduy pumorma, jologs ang dating. Mukhang sinaunang panahon ang buhok. Dala na ata sa pagiging matalino, kaya napabayaan ang sarili.
But he is very nice person. Kaya nga naging bestfriend ko siya. Well not just a bestfriend, kababata ko na talaga ito at tagapagtanggol ko pa simula pa noong mga bata pa kami.
Kaya lang minsan iniiwasan ko na siya kasi ako na ang nahihiya sa mga kaibigan ko tuwing nakikita nilang kasama ko si Heinrich.
Am I too mean? No sinasabi ko lang ang totoo. Minsan na ring sinabihan ko siya tungkol dito.