Kim Myungsoo/L on the right side. Kim Myungsoo as Shibum :)
***
Chase's POV
Sasabihin ko na ang totoo, sasabihin ko na kay Kylie ang totoo.
"Chase kung pinaplano mo na sabihin ang lahat kay Kylie. Wag" - Nathan
"Wag? Don't you trust my girlfriend?"
Biglang bumukas ang pinto ng napaka-lakas. Hindi ito binuksan sinipa ito
"Then what if Kuya we said. We don't trust her? Aawayin mo ba kami?" napa close fist ako sa sinabi ni Allison. Hindi ko alam kung bakit pero simula noon ayaw na niya kay Kylie. Hindi ko alam kung anong dahilan pero, hindi naman magagalit ang kapatid ko sa isang tao kung wala itong malalim na dahilan.
Hindi na ako nakipag-away sa kanila dahil alam kong wala itong patutunguhan. Kinuha ko na lang ang bag ko at umalis na.
Umakyat ako sa isang malaking ouno sa garden, pero.
"Chase?" napa-mulat ako sa kung sino man tumawag sakin. It's Hell, what eff is she doing here?
Hindi ko na lang siya inimikan ayoko siyang kausap. Ayoko sa babaeng wierd, parang nang-galing sa gubat na kung ano man.
Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako at pagtingin ko sa tabi ko wala na si Hell, umalis na siya. Susuko din naman pala.
Tinatawagan ko si Kylie, but she's not answering her phone and I'm worried if she's mad at me. Natatakot lang naman kasi ako na baka pag nalaman niya ang tunay na ugali ko, layuan niya ako.
Pag-uwi ko sa bahay na-abutan ko silang lahat nag s-sword fighting, at alam kong hindi ako makakaligtas sa kanila.
Hindi ako nagkakamali, damn this girl my sister. Hiniwa niya ang kaliwang braso ko at kanang hita.
Kumuha ako ng sarili kong espada at pina-ikot ito. Tumalon ako mula sa kinatatayuan ko at saka nag landing ang mga espada ko sa gilid ni Allison, pero galos lang. She's still my sister anyway.
Pero siya balewala lang kung masugat-sugatan ako. Limang taon na rin ang nakakaraan, minaster ni Allison ang martial arts, kasama na ang paggamit ng wushu stick. Pero higit sa lahat ay ang paggamit ng espada. She trained herself for almost 2 years in Japan. Lagi niyang sinasabi sakin noong bata pa kami, siya ang magiging pinaka-malakas sa lahat.
Hindi ko namalayan nakatayo na lang pala ako at nanunuod sa kanila. "Wag ka lang tumayo" natauhan ako ng biglang itutok sakin ni Song ang matilos niyang espada. Napa-smirk ako. Tumalon siya ng napakabilis at nag tumbling sa ere kaya hindi ko namalayan nasa likudan ko na pala si Song at yakap na niya ang leeg ko at tinutukan na ng espada, pero dahil mabilis din akong kumilos kaya nakawala ako at nagpalit ang amin posisyon.
Umikot-ikot para lituhin si Song, good nalito ko na siya. Kaya naman nakagalos na ako sa kanya. Laging sinasabi samin magkapatid dati na 'if you're going to attack, don't hesitate' which means kapag nagpa ligoy-ligoy ka sa isang laban at hindi mo agad napuntirya ang kalaban, you might lose the game.
Natapos ang sword fighting namin, at nakakatuwa kasi nagalusan ko silang lahat. Kahit anong gawin nila hindi nila ako matatalo. Kung minsan tinatawag pa nila akong Master, kasi 'daw ang dami nilang natutunan sakin. Natatandaan ko noon lagi kong ipinapaalala sa kanila na sa bawat laban hindi sila dapat maging mahina, dahil sa unang pagkakataon pa lang malalaman na ng isang kalaban kung gaano ka kadaling talunin.
Naupo na kami sa isang mahabang lamesa para kumain, tiningnan ko ang cellphone ko kung may text na sakin si Kylie, pero wala pa rin.
"Grabe Eshya ang sarap mo talaga magluto" -Veronica, habang punong-puno pa yung bibig niya.
Si Allison naman ayaw tumikim ng luto ni Eshya, kasi naman ang pangit niya magluto. Kahit naman siguro pulubi hindi yun kakainin. Baka pag tumikim ka ng luto ng kapatid ko na yun hindi mo na gugustuhin tumikim pa ulit.
Ordinaryo lang naman ang ugali naman, kung kumilos kami parang ordinaryo lang din. Noon yun, but our world turns upside and down.
Hell's POV
Kakabili ko lang ng pagkain sa labasan. Nakakapagod kasi linisin nung library ng school ang daming nakakalat na libro tapos may isang book shelf pa na natumba.
Paakyat na sana ako sa rooftop para kumain kaso,
"Shibum?''
"Mabuti naman nakikilala mo pa ako, kamusta?"
Sinabayan niya ako paakyat sa rooftop "Mabuti naman, ikaw? bakit nga pala nandito ka pa?"
"May tinapos kasi akong project. Kumain ka na ba?'' tanong ko kay Shibum, baka kasi hindi pa siya kumakain puwede naman siyang maki-kain sakin, tutal hindi ko din naman kayang ubusin lahat ito.
Konting hakbang na lang nasa rooftop na kami
"AAAAAAAAH" napahawak ako sa braso ni Shibum at natapon lahat ng dala kong pagkain. Nakakagulat kasi nang biglang humangin ng sobrang lakas tapos may dumba sakin itim na pusa.
Niyakap ako ni Shibum para kumalma. Natakot kasi akong bigla, imposible naman kasing natangay ng hangin ang pusang itim na yun kasi wala naman pusa dito sa school. Sobrang lakas din ng pagkatama ng pusang itim sa likod ko, buti na lang hindi gaanong masakit.
Inalalayan ako ni Shibum paakyat sa rooftop ng school. Nagkaroon din ako ng maliit na kalmot sa tabi ng mga labi ko kaya binigyan niya ako gn band aid.
"Shibum, salamat nga pala" ngumiti siya sakin. Ngayon ko lang napansin ang gwapo pala ni Shibum, at ang ganda ng mga mata niya.
"May gusto sana akong itanong sayo Hell, kaibigan mo ba talaga ang Silent club?"
"Oo naman, mabait naman sila hindi ko lang sigurado kung pati si Chase. Ang lamig kasi ng pakikitungo niya sakin" bakit naman kaya naitanong ni Shibum? Baka naman kaibigan siya ni Chase?
"Ganun ba?"
"Teka, bakit mo nga pala naitanong?" nilingon naman ako ni Shibum.
"Wala lang mag-ingat ka lang sana palagi kapag sila ang kasama mo" mag-ingat?
"Bakit naman? Mabait naman sila, ordinaryo lang naman ang Silent Club na yun. Saka palagi nila akong pinagtatanggol, pero hindi kasama si Chase dun" tumayo na si Shibum mula sa pagkaka-upo niya at binend niya ng kaunti yung tuhod niya para maging ka level ko. Ngumiti siya sakin.
"No, They're not ordinary. They are the Silent Death" muli siyang ngumiti sakin at bahagyan ginulo ang mga buhok ko.
"See you tomorrow, Hell" at nakita kong kumaway siya sakin habang palayo.
No, They're not ordinary. They are the Silent Death. Naiwan sakin ang huli niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Love Above The Mission [Revising]
AdventureLove Above The Mission. Sa panahon ng kaguluhan ng buhay ni Chase dumagdag dito ang misyon sa kanya ng sariling ama. Hanapin ang taong sisira ng mundo, ngunit paano kung kailangan niya itong patayin? Ang taong bumuo ng kulang sa kanya. Magawa niya k...