Chapter 9 ~Meet The Silent Death~

249 16 1
                                    


Hanbyul of LEDApple on the right side. Hanbyul as Jin :)

****

Flashback--

[Chase]

"Tandaan mo Chase, sa mundo dapat hindi ka marunong magtiwala. Sarili mo lang mismo ang dapat mong paniwalaan" paulit-ulit na kataga mula sa kanyang ama. Patuloy na sinusuntok ng batang 8 taon gulang ang puno ng mahogany sa kagubatan.

"Anak mo ba talaga ako? Bakit ko kailangan pag-aralan ang mga bagay na hindi dapat?" sigaw ng bata, iniisip niya na may bagay sa mundo na hindi para sa kanya. Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong maging malakas, hindi ka lalakas kung hindi ka marunong matalo.

Sa patuloy niyang pagsuntok sa puno, napansin niya ang isang matandang babae na nakasuot na kulay itim na tela at lumapit iyon sa kanya. "Hijo, dapat ang isang batang tulad mo, nagpapahinga sa bahay hindi sinusuntok ang puno, tingnan mo puro dugo na yang kamay mo" hinawakan ng babae ang kamay ni Chase at tinalian ng itim na tela mula sa kanyang damit.

Sa halip na tanggapin niya 'to, tinulak niya ang babae pero hindi 'to nagalit at nakuha pang ngumiti. "Ikaw nga ang taong yun" sambit ng babae sa kanya. Niyakap siya ng babae at may nilagay itong kung ano kanyang paahan. "Sa oras na dumating ang tamang panahon, magagamit mo yan. Hanggang sa muli"

Tumunghay ang batang Chase at nasilayan niya ang isang matangkad na babae, pero mas natuon ang kanyang pansin sa nilagay ng babae at ito ay isang espada. Pero ng ilipat niya muli ang tingin sa babae, naglalakad na ito palayo sa kanya.

Sinubukan niyang buhatin ang espada, pero sobra itong mabigat. Kulay asul na espada at sa paghila niya rito may naka-ukit na isang cherry blossom tree dito. Nang hawakan ito ng bata agad nahiwa ang kanyang mga palad, sunod-sunod na pagtagas ng dugo, walang-tigil pero wala man lang kahit anong sakit na naramdaman ang bata.

Naramdaman niya na may nagpupunas sa kanyang palad at yun ay ang kanyang--ama

"Hindi naman masakit diba? Sa una lahat ng bagay mahirap, pero habang tumatagal nasasanay ka na at dumadali na lang ito. Sa una kapag nadapa ka masakit, pero sa paglipas ng mga araw maghihilom ang mga sugat nito at magiging pilat na lang. Sa una akala mo hindi mo alam ang bagay-bagay sa mundo, pero ang totoo alam mo na 'to sadyang hindi mo lang linawin" sa pagkakataon iyon unang nakinig ang batang Chase, ang unang napaka habang linya na binitawan ng kanyan ama. Naisip niya na siguro may dahilan ang bawat pinapagawa sa kanya ng sariling ama.

Sa pag-uwi ng batang Chase, agad niyang kinuha ang litrato ng ina. Ang ina na bigla na lang namatay sa hindi malamang dahilan. "Ma, alam mo ba ngayon araw kinausap ako ng matino ni Papa, napakasaya ko Ma kahit araw-araw niya akong pinapahirapan kasi ngayon parang lumilinaw na ang bawat pangyayari sakin"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Above The Mission [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon