Naka-admit si Taehyung sa isang Hospital dahil may sakit siya sa puso.
Dumating ang mga kaibigan ni Taehyung. Pinapasaya siya nito dahil bukas na ng gabi ang operation nya. Pinipilit niyang ngumiti kahit ang totoo ay natatakot siya.
'DEATH'
Para kay Taehyung 'yan ang pinakamalungkot na salita sa buong mundo.Bukas ng gabi ooperahan na sya. Papalitan na ang puso nya.
Madaming katanungan ang gumugulo sa isip nya.
"Paano kung hindi magiging successful ang operasyon? Paano na ang mga magulang at kaibigan ko?"
Pumunta siya sa rooftop ng ospital para makapagisip-isip. Tinignan niya ang mga nagkikislapang ilaw sa baba.
Hindi niya alam ngunit parang may kung anong humahatak sa kanya pababa.
"Kung tumalon nalang kaya ako? Tutal mamamatay din naman ako."
Parang may sariling isip ang mga paa niya na sumampa sa pader ng rooftop.
Tumingin siya sa langit at isang luha ang kumawala sa mga mata niya. Pagod na siya sa loob ng madaming linggo, iba't ibang proseso at gamot ang tinuturok sa kanya.
BINABASA MO ANG
Angel [jjk|kth] Oneshot
Short StoryOn a scale of 1-100 percent, gaano kataas ang chance na masurvive ng isang pasyente ang operasyon? 10? 50? 90? Napasinghap si Taehyung. Hindi nya kailangan ng numero na bababa sa 100. ------------------- Taekook Fanfiction. This is my first story h...