"Taehyung, ako si Taehyung"
Ngumiti naman ito at bigla biglang tumibok ng mabilis ang mahinang puso ni Taehyung.
"Wag kang mawala"
Naguluhan si Taehyung sa sinabi nito. "Excuse me?" Tuluyan na ring nawala sa isip niya ang mag pakamatay.
"Sabi ko, huwag mong iwanan ang mundo kahit gaano man kalupit ito. Hindi sagot ang pagtakas."
Hindi makapagsalita si Taehyung dito.
Sunod sunod na umubo si Jungkook at nakita niyang may lumalabas na dugo sa bawat ubo nito agad agad nyang nilapitan ito.
"Okay ka lang ba? Halika na ihahatid na kita!"
Sandaling nakalimutan ni Taehyung na pasyente din sya."Hindi ayos lng ako."
"Pero...."
"Please Taehyung gusto ko lng mag-isip at makalanghap ng sariwang hangin dito. Nakakasawa ng langhapin ang gamot at amoy ng hospital"
Walang nagawa si Taehyung kundi sumunod.
"Anong sakit mo?"
Hindi na napigilan ni Taehyung ang sarili at dire-direstong tinanong yun.Ngumiti ulit si Jungkook kahit bakas sa mukha nito ang paghihirap.
"Hindi ganun kalala pag na-operahan na ako,magiging okay na din ako"
Tumawa ito at nakita ni Taehyung ang dalawang malaking ngipin nito sa unahan. 'CUTE!'
BINABASA MO ANG
Angel [jjk|kth] Oneshot
ContoOn a scale of 1-100 percent, gaano kataas ang chance na masurvive ng isang pasyente ang operasyon? 10? 50? 90? Napasinghap si Taehyung. Hindi nya kailangan ng numero na bababa sa 100. ------------------- Taekook Fanfiction. This is my first story h...