Naging kumportable na sila sa isa't isa. Magkatabi silang umupo sa pader. Nalaman ang kwento ng bawat isa. Bukas din pala ooperhan si Jungkook yun nga lang umaga at siya ay sa gabi.
"Jungkook pag nagkita tayong muli gusto kong makasama ka pa at mas kilalanin natin ang isa't isa"
Oo, nakakahiya sa side ni Taehyung pero natatakot siya na baka hindi niya na masabi yun kahit kailan.
"Pipilitin kong lumaban at sana ganun ka din. Binigyan mo ko ng pagasa sa sandaling panahon, Jungkook"
Nakayuko na si Taehyung habang sinasabi iyon.Naramdaman ni Taehyung ang pag sandal ni Jungkook sa kanya at sa mahinang boses ay sinabi nitong "Oo hyung dapat maka-survive ka para sakin." Pumikit ito at ang pagod na mukha nito ay naging payapa.
Tanging liwanag lang ng buwan ang kanilang ilaw. Tinignan ni Taehyung ang mukha ni Jungkook nirereflect ng buwan ang napakagandang mukha nito.
Hindi na nagdalawang isip si Taehyung at dinampi nya ang mga labi nya sa mga labi ni Jungkook. Walang halong lust o kahit ano. Purong pag ibig lang ang naramdaman niya kahit sa maikling panahon. Natatakot na hindi niya na magawa pa iyon pag dating ng bukas.
BINABASA MO ANG
Angel [jjk|kth] Oneshot
Short StoryOn a scale of 1-100 percent, gaano kataas ang chance na masurvive ng isang pasyente ang operasyon? 10? 50? 90? Napasinghap si Taehyung. Hindi nya kailangan ng numero na bababa sa 100. ------------------- Taekook Fanfiction. This is my first story h...