PROLOGUE

23 2 0
                                    


If You're Not The One

written by: DASH (thesherelyncamille)

All Rights Reserved © 2016

This is a work of fiction. Names, places and events mentioned in the story are products of the author's imagination and are originally created and self proclaimed by the author. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

****

PROLOGUE

Naisipan kong magbabad sa harap ng laptop pagkatapos kong pagsawaang mag gitara. Hindi ko alam kung paano akong napapunta sa isang site pero natuwa ako sa title ng blog at binasa iyon.

THE ONE?

Sabi ng madami lahat daw tayo may kanya-kanyang "the one." Nasa'yo na lang daw 'yung paraan at dahilan kung paano mo siya matatagpuan. Sabi nila, hindi raw 'yun hinahanap kundi hinihintay. Others say, hindi 'yun hinihintay kasi kusang dumarating. Pero iisa lang ang pinapaniwalaan ko.. na walang ibang makakasagot sa theory na 'yan kung hindi, ikaw mismo.

Maikli lang yung blog pero it really caught my attention. Simple lang kasi pero totoo naman 'yung sinasabi. Na wala naman talagang makakasagot kung sino ang talagang para sa'yo unless ikaw mismo ang makatagpo.

"You seemed very hook sa binabasa mo ah? Ano yan?" Jeco asked. Lumabas siya galing sa loob ng bahay nila na may dalang tray ng pagkain.

"Blog."  simpleng sagot ko. 

Si Jeco ang tinuturing kong kaibigan. Bestfriend kumbaga. Ang dahilan kung bakit ako nahilig sa pag-gigitara. Siya ang lalaking ngiti pa lang, hahabulin na ng sandamakmak na mga babae. 'Yung tipong dumaan lang sa harap nila, pakiramdam ko mahihimatay na sila. I shook my head on my own thoughts. Too bad hindi effective sa akin ang charm niya.

"About?"  he asked again.

"Wala kang pakialam." barubal na sagot ko sabay isinara ang laptop na agad naman niyang inagaw sabay binuksan ulit at binasa.

"The one?"  tanong niya na may pagpipigil ng malutong na tawa. "Seriously Jeziel, ang corny ng binabasa mo. The one? 'Di na uso yan, uy!" I rolled my eyes at him saka siya binatukan pero tawa pa rin siya ng tawa.

"Paano kasi puro kalandian lang ang alam mo kaya hindi ka naniniwala sa the one! Ang alam mo lang magpa-inlove ng mga babae tapos kapag inlove na sa'yo, you'll just dump them." tuloy tuloy kong sabi.

"Says who?" tanong niya sa seryosong tono habang nakataas ang isang kilay. "Try me, Jez. Para malaman mong hindi puro kalandian lang ang alam ko. Kaya kong magmahal ng sobra pa sa akala mo." I looked at him at parang napaso ako sa tingin niya. He's serious as hell and it sent shivers to me.

"Joke lang naman 'yon. Bakit mo kasi sineryoso?"  defensive na sagot ko.

"Well, hindi siya nakakatuwa."

"Pikon talaga 'to. Sorry na kasi."

"H'wag ka ngang magpa-cute! Hindi bagay." sambit niya kaya naman my smile slowly turned into an evil grin. Pagsinabi n'ya ng hindi ako cute, means okay na ulit kami. Lumapit ako sa kanya at pinisil ang pisngi niya.

"What the hell, Jez?! Masakit!" reklamo niya. "Tangina! Aray!" isang pisil pa bago ako tumigil. Kinuha ko ulit ang gitara sa tabi ko at nagsimulang mag strum. Siya naman ay humiga sa gilid ko at tumingala sa langit. Dumampot siya ng chips at kinain iyon habang nakapikit.

"Jeco?"

"Oh?"  tamad na sagot  niya.

"I have something to ask."

"Kung itatanong mo kung bakit sobrang gwapo ko, hindi ko rin alam ang sagot d'y---. Araaay!"

"Isa pang pilosopong sagot babatukan talaga kita ng sampu! Umayos ka nga!"

"Tss. Ano ba kasing tanong mo? Go, shoot."

"Ikaw ba.. para sa'yo, paano mo malalaman kung siya na talaga?" tumigil ako sa pagtugtog pagkatapos kong magtanong. Dumilat siya at bumaling sa akin ng nakangiti sabay tumingala ulit sa langit. Bumuntong hininga muna siya bago sumagot.

"Kapag handa ka ng sumugal at masaktan para sa kanya, pero siya hindi pa."

"Paanong hindi pa?"

"Kapag hindi pa niya kayang suklian ang pagsugal mo at hindi niya pa kayang masaktan katulad ng naramdaman mo."

"Ha? Ang gulo naman yata? Paano mo nasabing siya na kung sasaktan ka lang din pala niya?" nakakunot-noong tanong ko. Bumaling siya sa akin saka umiling at ngumiti.

"Basta. Malalaman mo lang 'yan kapag sarili mo na mismo ang nakaramdam." sagot niya saka ginulo ang buhok ko.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

**Note:

Welcome back to me! HAHAHA! Yeheeeey! Sabi ko nga, writing never stops. :)

P.S

Dunno the next update kung kailan. Basta sinimulan ko lang siya.

Thank you in advanceeeeeee! <3

P.S.S

Yung sagot ni Jeco, based on an answer of a friend of mine habang nag uusap kami before tungkol kay The One. Credits sa sumagot sa tanong na yan. HAHAHAHAHA! Hi fre! :D Interesting yung sagot mo kaya try natin i-expand kung paano at ano ba talaga. :)


If You're Not The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon