CHAPTER 2

13 1 2
                                    


Chapter 2

Kung nakakatunaw siguro ang pagtitig, kanina pa akong natunaw sa pwesto ko sa kakatitig ng Jeco na ito. Kanina pang tapos ang mga klase naming dalawa at dahil tinatamad pa kaming umuwi ay tumambay kami sa may tindahan ng ihaw sa tapat ng University.

"Ano bang problema mo, Jeco?" takang-takang tanong ko.

"Wala akong problema. Pero nagtataka ako." awtomatikong tumaas ang kilay ko sa sagot niya.

"Saan naman?"

"Kailan ka pa natutong mag-ipit ng buhok at magpulbo? Sa pagkakaaalam ko, tomboy ka." tanong niya sabay ngisi. "Joke lang!"

"Nang aasar ka ba, ha? Hindi ako tomboy no!" lokong 'to. Ako tomboy? Pusong babae ako, uy! Hindi lang ako palaayos pero babae talaga ako.

"Joke lang nga Jez, eh. Nagtataka lang talaga ako. Sumali ka lang sa banda nagpapaganda ka na." asar pa niya. "Siguro may pinopormahan ka sa banda ninyo no?"

"What? Ano bang pumasok dyan sa kokote mo, Jeco at kakaiba yata ang logic mo ngayon? Nalipasan ka lang ng gutom eh kaya ka ganyan. Kumain ka na nga lang!"

"Sungit naman nito. Meron ka ba ngayon? Para pinag uusapan lang 'yang lovelife mo eh. Kaya hindi ka nagkakaboyfriend. Mas siga ka pa sa akin." reklamo niya at tumahimik sabay kumain ulit.

"Uy Jez! Nandito ka rin pala!" napalingon ako sa lalaking tumapik sa likod ko. Si Kris pala kasama ang ibang member ng banda. Lumapit siya sa akin kaya sumunod si Patrick, Jake at Jeorge.

"Hi! Kanina pa kayo?" tanong ko at ngumiti sa kanila.

"Kadarating lang namin galing sa last class." Si Jake ang sumagot. "Makikiupo kami dito ah?" tanong niya pa kaya tumango ako.

"Si Jeco nga pala, guys. Jeco, si Jake, Pat, Kris at Jeorge."pakilala ko sa bawat isa. Nakipagkamay sila kay Jeco. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay uminit ang paligid ng naramdaman kong sa tabi ko umupo si Jeorge. Sa two weeks kong miyembro ng banda, si Kris ang pinakamaingay at friendly. Si Pat ang pinakachic-magnet, while Jake ang pinakamasipag at medyo geek-type. Si Jeorge naman ang sa tingin kong seryoso at tahimik na may pagkasuplado tapos bihira pang tumawa. Pero one thing's for sure, mababait sila lahat.

Nagkwentuhan sila kasama si Jeco pero kami ni Jeorge ay nanatiling tahimik. Nakikisabay lang ako sa tawanan nila at si Jeorge naman ay ngumingiti lang.

"Take-out lang kami guys sa Mcdo. Oy Jake, samahan mo ko di ko kaya dalhin lahat 'yon." paalam ni Pat.

"Sama din ako." habol pa ni Kris. "Ikaw Jeorge, dito ka muna." tanong nila sa katabi ko at tumango lang ito. Sumunod namang nagpaalam si Jeco na pupunta daw sa boarding house ng groupmate niya sa thesis.

"Jez, I'm sorry pero tinext ako nina Kevin. May kailangan daw irevise sa thesis namin. Go home safe, okay?" he said and kissed my cheek. Tumango ako at nagba-bye sa kanya. Ramdam ko pang uminit ang pisngi ko sa ginawa ni Jeco dahil alam kong nakita iyon ni Jeorge. Normal lang sa akin iyong ginawa ni Jeco dahil alam naming pareho na friendly gestures lang iyon sa tagal na naming magkaibigan.

Naiwan kaming dalawa ni Jeorge sa mesa. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay naging awkward bigla. Siguro ay dahil alam kong tahimik siya at hindi ko siya madalas nakakausap sa t'wing nagkakasama kami sa band practice. Nakakatakot kasi siyang kausapin na pakiramdam ko snobber siya.

He placed his arm sa likod ng inuupuan ko at hindi ko mapigilang matigilan. Hindi ko din alam kung bakit ganito ang epekto niya sa akin samantalang kakikilala ko pa lang naman sa kanya. Dahil na rin siguro na ngayon ko lang naman siya nakasama na kaming dalawa lang. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para magcheck ng inbox.

"So.. how was your day?" tanong niya. Lumingon ako sa kanya at saglit na nagtama ang mata naming dalawa. Ngumiti naman siya pero saglit ko ding iniiwas ang tingin ko dahil naiilang ako.

"Uhm, okay lang. Ikaw, kamusta naman araw mo?"

"Hindi okay. Badtrip 'yong prof namin sa isang subject. Nagpa exam pero hindi pa naman nagdi-discuss." nagmamaktol na sagot niya. Natawa ako kasi mukha siyang batang nagsusumbong sa Nanay niya dahil may nang away sa kanya. I didn't know why I found this side of him cute. Lumingon siya sa akin at natawa na din dahil siguro narealize niya ang ginawa niya. Sa pagkakaalam ko, Nursing ang kinukuha niyang kurso at regular student.

"Okay lang 'yon. I'm sure, maiipasa mo 'yun kahit ganoon ang nangyari. Ang talino mo daw eh."

"Sino naman nagsabi?"

"Sila."

"Sila?"

"Iyong mga fans mo dito sa University. Naririnig ko kapag minsan pinag uusapan ka nila." paliwanag ko. Umiling siya at muling ngumiti. Hindi naman pala siya ganun kasuplado katulad ng akala ko.

"Naniniwala ka talagang may fans ako at matalino ako?" tanong niya at walang pag aalinlangang tumango ako. Kinurot niya ang pisngi ko kaya natigilan ako at doon ko naramdaman ang malakas na kalabog ng puso ko.

"Hindi ako matalino, Jez. Tamang diskarte at tiyaga lang. Wala rin akong fans. Fans ng banda 'yon. Fans natin."

Humaba pa ang kwentuhan naming dalawa hanggang sa napapunta na kay Jeco ang usapan.

"Si Jeco.. boyfriend mo?" biglaang tanong niya na ikinagulat ko. Sigurado akong kung nandito si Jeco ay humagalpak na ng tawa ang isang iyon. Iniisip ko pa lang na maging boyfriend ang loko-lokong iyon ay abot abot na ang kilabot ko.

"Hindi."

"Hindi o hindi pa?" nanunuyang tanong niya. Inalis niya ang kamay sa likod ng inuupuan ko . Umayos siya ng pagkakaupo at matiim akong tinitigan.

"Hindi." sagot ko at naramdaman kong ngumiti siya.

"Ikaw, may girlfriend ka ba?" hindi ko alam kung nasa lugar na ba ako para magtanong sa kanya ng ganoong mga bagay kahit na ngayon lang naman kami nagkausap ng ganito. Hindi pa din naman kami ganoon ka-close pero hindi napigilang lumabas ng tanong na iyon sa bibig ko. At hindi ko alam kung bakit pero may parte sa aking isipan na humihiling na sana ay wala.

"Girlfriend.." sambit niya na para bang isa iyong theory na bago sa pandinig niya. Sasagot na sana siya pero dumating na sina Kris na may dalang take out. Napuno ng tawanan at ingay ang aming mesa kaya nawaglit na ng tuluyan ang usapan namin ni Jeorge. 

_____________________________________________________________________________________________________________________

Hanggang dito na lang muna ulit. Susubukan ko pong mag update ngayong weekend.

Salamat! Salamat!

Love,

DASH ;)

If You're Not The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon