CHAPTER 1

17 1 1
                                    

Dedicated kay Jassy. :) Sorry sa matagal na update. 

Sana suportahan n'yo din ito katulad ng pagsuporta n'yo sa The Sweetest Downfall.

Thank you very much! :*

__________________________________________________________________________________________________________________


Chapter 1

"Dalawang linggo." narinig kong sabi nung chinitong maputi na nakaupo sa harap ng drumset habang pinaglalaruan ang drumsticks niya.

"Hindi rin. Isang linggo, Kris pupusta ako." tamad naman na sagot ng cute na lalaking katabi nung tinawag niyang Kris habang nakatayo sa harap ng keyboards at nangangapa ng keys.

"Pwede bang tigilan n'yo na 'yan? Bakit kaya hindi na lang kayo magpasalamat na may bago na tayong gitarista?" iritadong sagot naman ng isa habang hawak ang bass.

"Kalma, dude. High blood ka na naman." asar nung nasa keyboard.

"Damn you, Patrick!" sagot naman ng isa habang ang dalawa ay tumawa ng pang asar.

Napailing na lang ako sa usapan nila. Bakit kasi ang mga lalaki, mahilig pag usapan ang mga babae lalo na sa usapan kung hanggang kailan tatagal ang mga ito sa isang bagay, o sa isang sitwasyon. Hindi ba nila alam na mahirap pasukuin ang isang babae? Malamang, hindi.

Napabuga ako ng hangin habang tiningnan ang cellphone kong malapit ng mag-lowbatt. Kanina pang nakapasak ang earphones sa tenga ko at ang tatlong lalaking ito ay hindi batid na rinig ko ang usapan nila, kung hanggang kailan ako tatagal sa banda. Oo, ako ang pinakabagong miyembro. I recently auditioned para maging lead guitarist dahil balita ko ay nag-quit na ang huli nilang gitarista. Ngayon ang first meeting ko kasama sila.

Isa na lang ang hindi ko pa nakikilala sa kanila, iyong front man. The said band consists of five members, including me. Not to mention na ang bandang pinasukan ko ay University band. They also went out for gigs sa bars at kung saan-saan pang raket.

Bumukas ang pinto ng music room at tumambad ang isang University professor who happened to be our manager. She is Manager Rim to be exact.

"Oh, hi Jeziel! Kanina ka pa? Sorry kung natagalan. Come on, I'll introduce you." she apologizingly said as she held my shoulder para iharap sa tatlong lalaking kanina lang ay pinag uusapan ako.

"Guys, meet Jeziel our new lead guitarist. Jeziel, meet Kris ang nasa drums. Patrick for keyboards, and Jake for the bass." pakilala sa akin ni manager sa tatlo. Isa-isa silang kumaway sa akin at ngumiti. Tingin ko naman ay makakasundo ko sila as days go by.

"Uhh, hi? I'm Jeziel. Jez na lang for short. Financial Management student." pakilala ko.

"Welcome to the band!" masayang sabi ni Kris. Ngumiti ako at nag-thankyou.

"So.. Enjoy your stay sa banda. Chill-chill lang tayo." Patrick added.

"Oo nga. Jamming na agad!" sigaw naman nung Jake. Napatawa ako sa kanila. Sa isip ko, suplado sila pero mali pala ang naiisip ko kanina.

"Wait, nasaan na naman si Jeorge?!" tanong ni manager.

"Tinatanong pa ba yan, manager? Eh hindi naman yun madalas tumambay dito. Baka tumatambay na naman sa kung saan." sagot ni Patrick.

"Ang lalaking 'yun talaga! Jake tawagan mo nga. Sabihin mo ay pumunta siya dito. Band meeting." sabi pa ni manager Rim na halatang stressed sa nawawalang miyembro. I guess, siya na 'yong front man.

Habang dina-dial ni Jake ang number nung Jeorge, bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaking maputi at matangkad.

"O, nandyan na pala si Mr. Nice Guy eh." sambit ni Jake.

Kung ide-describe ko ang hitsura niya, seryoso, suplado at mukhang galit sa mundo pero gwapo. Nakapa-mulsa siya at diretsong naglakad patungo sa amin. Umupo sa isang monoblock chair at bored na tiningnan kami.

"What?" supladong tanong niya kay manager. As he speaks, napatingin ako sa labi niyang mapula na animo'y nilagyan ng lipstick. Pero hindi eh, natural na mapula yun. At sa tagal ko na dito sa University, ngayon ko lang nalaman na may nage-exist palang ganito ka-gwapo.

"Saan ka galing?" tanong naman ni manager sa kanya.

"Sa tabi-tabi lang."

Awtomatikong napataas ang kilay ko sa pabalang niyang sagot. At ang kanina lang na mga compliments ko sa kanya ay biglang gumuho. Ganyan ba talaga siya? Parang hindi manager ang kausap. Kahit man lang sana bilang professor ay igalang niya si Ms. Rim.

"Nambabae yan for sure." asar ni Patrick.

"Sus, ano pa bang bago?" dagdag ni Kris sabay ngisi.

Parang lalo namang na-stressed si Manager sa sinabi nung dalawa kaya napa-iling na lang siya at napa-facepalm sabay exit sa eksena. Naiwan akong nakatitig lang sa pintong nilabasan niya.

"You're the new lead guitarist?" tanong ni Jeorge. Nabaling ang atensyon ko sa kanya. Nag-digest ang tanong niya sa akin na sa hindi ko malamang dahilan ay hindi makuhang bumuka ng bibig ko para sumagot at ang tanging naisagot ko lang ay ang pagtango which made him smirked. Tumayo siya sa pagkakaupo at diretsong lumabas sa music room ng hindi man lang lumilingon.

If You're Not The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon